CHAPTER FIFTY-SEVEN ~ Mangga

591 7 1
                                    

Katniss POV

Maaga akong nagising pagkat' napatawag si Lolo sakin na may sermon na namang dala. Ay ewan ko nga ba, bat ba sa tuwing naririnig ko ang boses niya wala akong natatanggap na kaaya-aya at tanging sermon na walang basehan. Tsh.

"Zayn!~Ano itong sinasabi ni Lolo na binastos mo daw ang investor niya?" tanong ko sa nagtetea na si Zayn habang kami'y ay nasa dining hall, maagang nag-aalmusal kasi may tour na naman kami mamaya sa isang kilalang laboratoryo dito sa Hawaii.

*no comment*

Aba'y loko to ah! Di ba ko nito naririnig?

"Hoy Zayn!! Di mo ko narinig? Tinatanong kaya kita?" at padabog na 

umupo na ko sa tabi niya at sumisimangot tumitig sa kanya. "May problema ba dun sa investor? Bakit--" Di ko natapos ang pagsasalita ng lagyan niya ng pandesal ang bunganga ko at hinapit ako sa bewang at sabay hatak pa sakin para magkalapit kami lalo. "Uy Zayn, ano ba ginagawa mo?"

"Tsk. Pwede ba, Misis tigil mo na sa kakatalak? Gusto ko muna ng katahimikan. Nasermonan na ko ng Lolo mo kanina kaya huwag mo na dagdagan pa." bulong niya sakin at sabay halik sa leeg ko. K fine siya na sweet."Kape? Gusto mo?" at alok naman niya ng kape. Hay, wala ba talaga siyang plano na ikuwento sakin kung sino yung investor nila ni Lolo? NAku baka naman sinungitan niya. Ay bipolar talaga na lalake oo!

"Zayn, love mo ko diba?" malambing kong sabi sabay yakap sa braso niya.

"Tinatanong pa ba yun?" tanong din nya pabalik. Hala~

"Mister, kuwento mo na sakin please, bakit nagkaganun yung investor? Bakit umatras? Ano ginawa mo?"

"Gusto mo ba talaga malaman ha!?" sabi niya at tinitigan ako mata sa mata ng sobrang lapit. Kaya ako nama'y napatulala sa titig ng asawa ko. Psh. Bat' ba gumagwapo siya ngayon? Sarap titigan ng mga mata niya. "Uy sagot!" sabay snap niya dahil tulala nga ako.

"Ha? Ah eh~ Oo naman. Bakit nga ba?"

"Kasi malandi yung investor."

"Malandi? Wait, so your saying na babae siya, ganun?" Gulat kong sabi na talagang napa-atras pa ko sa upuan ko.

"Oo nga Misis eh! So kung ikaw ba, payag ka sa malanding investor at lagi ko dung sasama? Okay lang sayo?"

"Aba Mister Duster! Yun ang huwag na huwag mong gagawin! Mapapatay ko ang kahit sinong babae na lalandi sayo! Aba! Lahi yata kami ng mga katipunera baka magkamali sila!~" at kumuha pa talaga ako ng tinidor at itinaas iyon na parang si Bonifacio ang pose.

"Hahaha, ewan sayo misis ko. Ang OA mo." sabi naman niya na hinatak ako paupo. LOL napansin niyo na ba. Misis at Mister na pala tawagan namin. Tsh siyempre parang ang cute lang, living like the old days, Misis at Mister. Ayaw na kasi namin makisabay sa pauso ng barkada na Honey, Babe, Baby ay ewan walang consistent na tawagan sa isat' isa. So Kami, para maiba, ako at si Zayn... Mister at Misis. Huehue.

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon