CHAPTER THIRTY NINE ~ Teardrops

1K 17 3
                                    

Waaaa dahil ang Cute ni DARREN kanina... tsk tsk napadami ang UD ko. So epic. okay salamat sa mga nagbabasa. 

Iloveyou guysss

----------------------

Zayn POV

Hay ano ba yan... Ngayon na nga lang nabuo ang barkada, magkakawatak-watak pa ba? Kaasar naman oh. At yung nakakainis pa yung reasons ay dahil ulit sa babae, pag-ibig ayt ewan nalang sa kanila.

"Dex, kailangan mo ba talagang gawin toh?" tanong ko kay Dex na na hawak-hawak ang maleta niya at mugto ang mata. Haissst. Umiyak ba toh kagabi?

"Zayn, ayaw ko man... pero kailangan e. Para din to sakin kaya sana maintindihan niyo." sagot naman niya.

"E, pano yan. May plano ka pa bang bumalik dito?" - Copper

"Pare, sa ngayon di ko pa yan masasagot. Pagdating ko kasi sa Taiwan may naghihintay na scholarship dun sakin, kaya kung papalarin baka maaprove narin yung petition sakin nila Daddy at Mommy sa US. Baka nga -- hindi na ko bumalik."

"Aahh. Dex, bumalik ka. Hindi kumpleto ang barkada kung wala ka." - sabat naman ni Katniss na kanina pa nagdadrama dito sa tabi ko habang hawak-hawak ang braso ko. Nakakaiyak daw kasi ang kalagayan ni Dex.

"Katniss, ano ka ba... huwag kana malungkot. Andito naman silang lahat e. Ako lang yung aalis. Kumpleto parin yan. Pero Sige-sige gawa tayo deal. babalik ako dito sa araw ng binyag ng baby niyo." O///O aano? ano daw? Uy parang gusto ko yan ah. Hihihi *evil laugh*

"Hala, siya huwag kana pala bumalik. Ayaw ko pa maging Mommy nuh. Diyos ko nakakastress yun" - Sabi naman ni Katniss na parang ewan talagang gulat sa sinabi ni Dex.

"What?!! Bakit naman ayaw mo?" - me

"E sa ayaw ko eh. May magagawa ka!?" supladang tugon naman nito, Nakuuu. Sinusumpong nanaman tayo ng kamalditahan eh nuh.

"Tsk. Loko ka talaga kahit kelan Dex! Pero sige pare Deal. Balik ka ha, gawin kitang ni--- Aray ang sakit!" di ko nagawang tapusin ang sasabihin ng bigla na naman akong batukan ni Katniss.

' Bakit ba ganito silang mga babae ang hilig-hilig mamabatok.'

 "Polkadots naman di ka mabiro."

"HAhaa... ang kulit niyo talagang dalawa. Siya, sige ah. Deal yun Zayn ah! Tawagan mo ko kung meron na." sabi ni Dex at pangingisi pang tinutukso at si Katniss naman parang bata. 

"Raydex talaga. Sabi ngang ayaw ko diba." - Katniss.

"Heh! Pare, tama na yan. Akin tong si Polkadots, tama na yang pangungulit mo, maya niyan mawala ako sa isip nito."

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon