CHAPTER TWO ~ Again?

2.3K 35 10
                                    

KATNISS POV

Padabog kong tinatahak ang daan papunta sa parking lothabang abalang tinatakpan ang ang sirang lace ko sa likod ng skirt ko. Aaaaaaaaa. parang gusto ko mag alter-ego, naninilim ang paningin ko. Feeling ko pag may sumnudot sakin masasapak ko ng di oras. Huhu, please naman people huwag kayong tumingin sakin baka magkasala kayo sa kung ano mang makikita ninyo. 

"Magandang hapon po seniorita" bati ni manong paps na talagang tinawag pa akong seniorita. 

manong kung alam mo lang nangyare sakin kanina. Yay NVM na nga Katniss wag mo nalang banggitin yun. Nangyare na ang nangyare.

"Manong uwi na po tayo" laking pagtataka ni manong paps dahil hindi man lang ako naghimutok sa pagtawag niya sakin ng pormal. Natameme man, pinagbuksan niya ako ng kotse at tahimik na nagdrive nalang. 

"Katniss, may problema ba?" 

"Wala naman manong. I just had a bad day. Pagod lang po." sabi ko habang nakapikit.

Paano ko kaya sasabihin kay papa na sira na yung skirt na bigay niya?

Kahit na mayaman kami, hindi ako pinalaki ni papa sa loho at pag-aaksaya ng kagamitan. Bawat damit at gamit ko ay binibigyan ko ng halaga. Lalo na kung bigay ni papa. Ngayong sira na to. Siguradong sasama ang loob niya.

Inayos-ayos ko pa ang skirt ko. Pinipilit kong magtagpo ang magkakahiwalay na bahagi. Napaisip ako. Ako at ang skirt na ito, ay magkapareho. Sira na at hindi na mababalik pa sa dati. Napangiti ako at natatawa sa sarili. Pati ba naman sa skirt ay may hugot pa ako. 

"Kung hindi lang talaga sa lokong Copper na yun. Hindi ka sana nasira." 

"May sinasabi ka Katniss?"

"Ah, Wala po manong."

Maayos ang panahon at di gaanong traffic kaya mabilis lang ay amin na narating ang subdivision kung saan kami nakatira, akmang liliko na kami sa  street kung saan ang bahay namin ng biglang... 

**screeeech** 

Muntik na kami mabangga sa isang humaharurot na sasakyan. Dahil dito napahinto kami ni manong paps, ganun narin ang humaharurot na kotse. Sa pagkadismaya aking binabaan ang kotse at pinaghahampas. 

"Hoy loko ka!!! Kung magpapakamatay ka! Walang magawa sa buhay! Abay' mag-isa mong gawin Huwag dito mandadamay ka pa ng iba!!!!" sigaw ko sabay tadyak narin sa gulong, ng biglang magbukas ang window at si si si ------

----- si Zayn ung lumabas O.o tameme naman tayo oo. "Bakit? magkano ba buhay mo bibilhin ko? Ang ingay mo... Ms. Polka dots!" sa pag kasabi niya nito ay bigla ko siyang...

*slap*

...nasampal. Naalala ko na naman kasi ...

"Uy polka dots?" Yeah nasampal ko ang badboy ng campus. Lagot na.

"YOU!!!" sigaw naman niya na may halong masakit na tingin at dinuro ako. Aba! Ang Angas! Siya na nga nakabangga ako pa ang duduruin!?

"Katniss, tara na... sir sorry po" hinila ako ni Manong driver sabay hingi ng paumanhin sa lokong Zayn, Ugh!

"Manong naman!!! Bakit ka humihinge ng patawad sa Lokong to? Kaskaserong driver! Walang magawa sa buhay kundi makipagrumble, cutting classes, ngayon mamangga ng kotse" Wala na e. total nasimulan ko na ang litanya ko sa lalaking ito abay' lubus-lusin na diba? At yung loko ayun nayuko nalang at halatang nagpipigil na masapak ako.

"Ano na!? Tara dito! Sasapakin mo ko?" Hamon ko sa kanya.

"Seniorita please tara na po" pag-mamakaawa ni manong sabay hila sakin sa loob ng sasakyan, at tuluyan akong pinagdrive palayo sa lalakeng yun. Tsh. Ayun sa sabi-sabi ng ilang students dun. Si Zayn ang masasabing isa sa mga basagulero na walang inuurungan. Walang inaatrasan. 

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon