"Ryle....uhm... I"
Nanatili akong nakatitig sa babaeng nasa harapan ko. Nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya sa kamay.
"What do you want to say? I'm busy make it fast." naiinip kong sabi at tumingin sa relo na suot ko.
"I... I like you Ryle!" sabi niya at napapikit pa na parang kinakabahan.
"Is that all? "
Nag angat ng tingin ang babae sakin na mukhang nagulat sa naging sagot ko.
"Can I go now?"
Tulalang tumango-tango ang babae.
Napailing ako at naglakad na paalis.
"Waste of time tss."
Nagmamadali kong tinungo ang opisina ng paaralan.
"Oh bat ngayon ka lang?" bungad sakin ni Ate Zerene pagkapasok ko sa opisina.
"Naharang na naman ako ng babae," sagot ko at umupo sa katapat na sofa ni Ate Zerene.
Tumingin sakin si Ate at bumalik ang tingin niya sa papel na hawak niya.
"Gwapo problems ba?"
"Yeah anyways sanay naman na ako. Marami bang bagong nag enroll ngayon?" Nag crossed arms ako at sumandal sa sofa.
"Oo kaya mukhang marami ka na namang didisiplinahin Mr. President."
Bumuka ang bibig ko at akmang magsasalita na nang may biglang marahas na nagbukas ng pinto.
"Ryeee! Where are you?!"
Nakita ko si Ate Xianna na namumula.
"What's your problem Xianna?" kalmadong tanong ni Ate Zerene.
Tumingin sakin si Ate Xianna ng matalim.
"Si Ryle kasi pinaiyak yung kaibigan ko!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ate Xianna.
Lumapit siya sakin at namewang sa harapan ko.
"Ikaw Ryle bakit mo pinaiyak si Sofia? Ano pa bang hinahanap mo she's beautiful, smart and ... everything. Ano pa bang gusto mo sa babae na wala siya? Mygosh Ryle, are you gay? Bakit ba wala ka pang nagiging girlfriend or what?" Napailing ako sa mga sinasabi ni Ate at medyo tinamaan.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Gay? Bakla agad porket walang nagiging girlfriend? Hindi ba pwedeng wala lang akong nagugustuhan?" dipensa ko.
I don't know what to call myself. And I only consider myself as gay because like I said I never liked anyone. But I'm not the soft gay type. I don't act nor speak softly.
"Kahit na. Why don't you try her? She's good, I promise you won't regret if you try dating her," pilit niya.
I sigh and comb my hair upwards.
"Ate Xianna why don't you understand that I don't like her and I don't want to date someone who is not my type."
"Just try her! Baka may madevelop kang feelings kung sakaling subukan mo." pilit pa rin ni Ate Xianna.
"Xianna, stop it. Alam mo sa ginagawa mo na yan para mong binubugaw ang kaibigan mo. Wag mong ipilit si Sofia sa taong ayaw sakanya. Why don't you comfort her instead of fighting here with Ryle," mahinahong sabi ni Ate Zerene.
"Pero Ate I want them together!" pagmamaktol ni Ate Xianna.
"Bakit gusto ba nila together?" taas kilay na tanong ni Ate Zerene.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...