Pagdilat ko'y bumungad sakin ang puting kisame. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito.Ano ba nangyayari sakin?
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay umupo ako. Nagulat ako nang makita si Ryle sa gilid. Napahawak ako sa dibdib dahil biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Why did you chose to paint a dragon with a rose? " tanong niya na lalo ko ikinabigla.
"You're not going to ask me if I'm fine or what? " hindi makapaniwalang tanong ko.
"Why would I? Kaya ka nga nagising kasi okay ka na, " sabi niya at nagcrossed arms.
"Wow. Thank you sa concern," sarkastikong sabi ko.
"Answer me, " sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at nagcrossed arms din.
"Nanliligaw ka ba? " tanong ko at nalukot ang mukha niya.
Atleast nagkaroon ng emosyon? Hehehe.
"What the heck are you saying? Nabagok ba yang ulo mo? " masungit niyang sabi.
Napanguso ako at inalala ang tanong niya kanina. Bat ko daw pininta yun?
"Kasi dragon ang simbolo ng pamilya mo. Tinanong kita kagabi so kung joke mo lang yung kagabi, sorry ka. Napinta ko na eh, " sabi ko at napaisip sa sinabi ko.
"Di ka nga pala nagjo-joke, " dugtong ko.
"Ang daldal mo. What about the rose?" tanong niya at napasulyap ako sandali sakanya.
It's our symbol. My family symbol.
"Favorite flower ko, " nakangiting sagot ko.
Pumasok ang Doktor at kumunot ang noo ko. May nangyari bang masama sa katawan ko? Bakit kailangan pa niya akong puntahan?
"Kumain ka ba ng agahan Miss? " tanong ng Doktor.
Tumango ako bilang sagot. Bakit kaya?
"Nalilipasan ka ba ng gutom or something? Sapat ba kinakain mo araw-araw? " tanong niya at tumingin ako sa katawan ko.
"Hindi naman po at opo sapat ang kinakain ko. Mukha po ba akong kulang sa nutrisyon? Tumataba nga po ako eh, " naiilang kong sagot.
Natawa bahagya ang Doktor.
"I'm sorry. I'm just trying to diagnose what's the cause of your sudden lost of conscience. Can you tell me what happen before you black out?" tanong niya at napatango ako.
"I was running on the field, " sagot ko at binigyan pa ng masamang tingin si Ryle.
"Running? " tanong ng Doktor.
"Yes po. I've been running for 15 minutes. Puyat rin po ako at ilang oras lang ang tulog kaya baka po nahimatay ako, " sagot ko at napatango si Dok.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...