Nanlalamig ang aking katawan nang makarating kami sa bahay nila. Habang nililibot ko ang aking paningin sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil makakasama ko sa iisang bubong ang pamilyang kailangan kong paghigantihan.
"Napaaga ata kayo? "
Napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan. Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"Son, bring her to your room. "
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Ryle.
"Why in my room, Mom? " tanong ni Ryle.
"May mali ba doon?" tanong ng Nanay niya at napalunok ako nang lumapit ito samin.
"Marami tayong guest room, " sabi ni Ryle at humalukipkip sa harapan namin ang Nanay niya.
"She's not a guest here. Alalayan mo siya papunta sa kwarto mo. Wag mo kong artehan lalaki ka at isa pa magkakaanak na kayo, " sabi ng Nanay niya at nakagat ko ang aking ibabang labi para supilin ang ngiting gustong kumawala saking labi.
"And also help her with her baggage. Grow some balls, Son, " sabi pa nito at umalis sa aming harapan.
Agad kong tinakpan ang aking bibig at tumawa ng mahina.
"Why are you laughing? " inis na tanong ni Ryle kaya mabilis kong hininto ang pagtawa.
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtawa. Sinamaan niya ako ng tingin at biglang inagaw ang mga bitbit ko. Napangiti ako nang mauna siyang maglakad paakyat.
"Kaya naman pala magpalaki ng bola," bulong ko.
"What? "
Napahinto ako sa pagsunod sakanya nang inis niya akong lingunin.
"A-Ang laki ng bahay niyo sabi ko, " palusot ko at napangiwi.
Nakahinga ako nang maluwag nang magpatuloy siya sa pag-akyat. Aakyat rin sana ako nang may magsalita sa likod ko.
"We have to talk Autumn Lister, " malamig na sabi ng nasa likuran ko.
Nanigas ang katawan ko nang tapikin niya ako sa balikat. Nilagpasan niya ako bago magsalita uli.
"Follow me, " sabi niya at parang gusto kong magpahulog na lang sa hagdan para mawala sa mundo.
Napahawak ako sa railings ng hagdan nang manghina ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay nawalan ng dugo ang aking buong katawan. Bakit niya ko gustong makausap?
Ayoko man ay pinilit kong sumunod sa Tatay ni Ryle. Nagtungo kami sa kwarto na sa aking palagay ay isang opisina. Pagkapasok namin ay dumiretso agad ang Tatay ni Ryle sa lamesa na may mga papeles sa ibabaw. Habang may hinahanap siya ay nilibot ko ang aking paningin sa loob ng opisina.
"Sit down, " napaigtad ako nang marinig ko uli ang malamig na boses ng Tatay ni Ryle.
Huminga ako ng malalim at napalunok. Umupo ako sa sofa na nasa harapan niya. Ano bang kailangan niya? Pinagpapawisan na ko rito.
"What is she doing here? "
Napalingon ako nang may magsalita sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang Nanay ni Ryle. Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa presensya nito.
"We're going to talk to her. Hindi ko hahayaang may manirahang Lister dito na hindi natin nalilinaw ang pakay niya, " sagot ng Tatay ni Ryle at tumingin sakin.
Napigil ko ang aking hininga at nag-iwas ng tingin. A-Alam na ba nila? Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbuga ng hangin para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...