Messy 25

163 14 0
                                    

Pagkalipas ng ilang araw ay napagpasiyahan kong pumasok para na rin makausap si Ryle. Siguro naman sapat na yung ilang araw para makapag-isip siya. Napabuntong hininga ako habang paakyat sa private room niya. Kinakabahan ako dahil baka galit pa rin siya.

"Sana makinig na siya," mahina kong sabi.

Huminto ang aking mundo nang makita ang dalawang tao sa harapan ng pinto. Nangilid ang mga luha ko habang nakatitig sakanila. Umatras ako nang dahan-dahan bago tuluyang umalis.

Bakit magkayakap si Ryle at Britney? Ano yun?

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at saka tinawagan si Kier. Pinunasan ko ang mga luhang nagbagsakan mula sa aking mga mata. Yumuko ako habang naglalakad palabas.

"Kier, sunduin mo na ko please," sabi ko at kinagat ang aking kuko.

"Ha? Kakahatid ko lang sayo ah," sabi niya.

"Please," sabi ko na lang.

Narinig ko ang pagbubuntong hininga niya bago siya pumayag. Naghintay ako malapit sa gate at nang may kotseng huminto sa harap ng Academy ay saka lang ako lumapit sa guard.

"Uuwi na po ako," magalang kong sabi.

"Bakit po Madame?" tanong ng guard.

"Masama po kasi yung pakiramdam ko. Hindi ko po kayang magklase," kunwaring matamlay kong sabi.

"Sige po pwede ka ng umuwi. Related ka naman kila President," sabi ng guard at ngumiti na lang ako.

Hindi na ngayon.

Lumapit ako sa kotse ni Kier at sumakay. Hindi na siya nagtanong ng kung anu-ano kaya nakahinga ako ng maluwag. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang inaalala ang eksenang naabutan ko kanina.

Bakit may kumikirot sa dibdib ko?

Nagbuga ako ng hangin bago sumandal sa bintana.

"I think you're right. Dapat magpokus muna ako sa training," sabi ko kay Kier.

Pagkaubos ng bala ay inabot ko kay Kier ang baril. Tinignan ko ang target na pinaginitan ko kanina. Iisa lang ang butas nito at sa gitna ito.

"You're a fast learner. Next week iba na ang training mo. Pwede ka namang bumalik anytime rito kung gusto mo," sabi ni Kier.

"Anong training na?" tanong ko.

"More on physical activities. Sabi kasi ni Mr. Senon bago ka niya itrain gusto niya ready na ang katawan mo," sabi ni Kier at tumango ako.

Pagkauwi ay sa banyo agad ako dumiretso dahil kanina pa kumikirot ang puson ko. Pakiramdam ko ay sinampal na naman ako ng realidad nang makitang may dugo ang panloob ko. Ngumiti ako ng mapakla dahil ilang araw lang ang lumipas pagkatapos kong malaman ang false pregnancy ay dinatnan ako.

Muling tumagas ang aking mga luha nang maalala ang baby na pareparehas naming inasahan ngunit hindi pala nag-eexist.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang makaramdam ng gutom. Nagpunta akong kusina para tignan kung may pagkain ngunit katulad ng dati ay walang laman ang ref namin. Wala akong nakita kahit panawid gutom lang. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang aking wallet. Mabuti na lang at nakapag ipon ako habang nakila Ryle. Napabuntong hininga a
ko nang maalala sila.

What A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon