Messy 29

264 11 2
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahawak sa pisngi ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang nang bumungad ang mukha ni Ryle pagdilat ko. Muli akong pumikit dahil mabigat pa ang talukap ng aking mga mata.

"Did I wake you up? " tanong niya.

"Hmm, it's okay. Aalis ka?" tanong ko dahil mukhang maaga pa pero gising na siya.

"Yeah, I have something to do, " sagot niya.

Binuksan ko muli ang aking mga mata at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. Ginaya ko ang ginawa niya kagabi. Hinalikan ko rin ang likod ng palad niya.

"Mag-ingat ka, " sabi ko habang nakatitig sakanya.

"I will. Matulog ka pa, " sabi niya at hinalikan ako nang mabilis sa labi saka naupo.

"Ryle, kakagising ko lang eh, "reklamo ko nang maconcious ako.

"I don't care, " sabi niya lang.

"Isa pa, wag mo ko titigan pag tulog. Mamaya makipaghiwalay ka bigla sakin ng di ko alam ang dahilan tas dahil pala yon sa itsura ko pag tulog," nakasimangot kong saad.

Nakatanggap ako ng isang pitik sa noo dahil sa sinabi ko. Hinimas ko ang aking noo at ngumuso.

"Silly, I won't do that. I'm enjoying watching you sleeping. You look like an angel, " nakangiting sabi niya at nalusaw ako.

"Aww, Come here, " sabi ko nang makabawi.

Bumangon ako at yumakap sa kaniyang leeg. Sa pagkakataong ito ay ako ang lumapit para hagkan ang kaniyang labi. Parehas kaming pumikit at niyakap ang isa't isa habang magkalapat ang aming mga labi. Humiwalay siya at napunta ang halik niya sa panga ko hanggang bumaba siya sa king leeg. Napapikit ako nang halik-halikan niya ang leeg ko. Halos mapugto ang hininga ko sa ginagawa niya. Maya-maya ay tumigil siya at sumiksik sa leeg ko. Parehas kaming malalim ang paghinga dahil sa ginawa namin.

"This make me regret for behaving last night," bulong niya saakin at nagtaasan ang aking mga balahibo.

"Ryle, " saway ko sakanya nang maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Humiwalay siya saakin at nagkatitigan ulit kami.

"I thought you don't like that thing. Sabi mo pa nga noon hindi mo naisip gawin yan. Nasan na yung gay na Ryle? " nakangisi kong sabi.

"That's before I met you or before I loved you rather. And I'm not gay. Ikaw na nagsabi na may iba-ibang classifications ang gender. Want me to prove that I'm straight, right now? " sabi niya at humiwalay ako sakanya agad dahil mukhang lumalayo na ang usapan.

"Where are you going?" tanong niya.

"Lumalayo lang. Di ko gusto tumatakbo sa isip mo, " naiiling kong sagot sakanya.

"Are you sure? " nakangisi niyang tanong.

"Kailangan natin magbehave, Ryle. I don't want to break your parents' trust on us, " sagot ko at sumandak sa headboard ng kama.

"Why are you so serious? " tanong niya at tumabi sakin.

"I'll respect you and your decisions. Don't worry, " sabi niya at niyakap ako.

"I love you, " bigla ko nalang nasabi saka siya niyakap nang mahigpit.

Pwede bang ganito araw-araw? I want to always start my day with Ryle. I'm so inlove with this man. Kahit ganitong magkayakap lang kami hindi parin tumitigil ang puso ko sa mabilis nitong pagkabog sa aking dibdib.

"I love you too, Autumn."

Lalo nang naghumerentado ang puso ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko kaya napapikit ako.

What A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon