Messy 19

153 14 0
                                    

Maaga ako nagising ngunit nahuli rin sa pagpasok dahil sa bagal ng mga kasabay ko. Pagbaba namin sa van ay nakabalandra ang mga estudyante na pinaparusahan ni Ma'am Carmen.

Naglalakad na kami papasok sa main building nang may humablot sa braso ko.  Kumunot ang aking noo nang makita si Britney.

"Saan ka pupunta? You're late! Tumatakas ka sa punishment," sabi niya habang nakatingin sakin ng masama.

"Bitawan mo ko. Wala akong tinatakasang parusa," sabi ko at hinigit ang aking braso mula sakanya.

"Really? Then go there!" sigaw ni Britney at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Ano ba!" inis kong sigaw sakanya at pilit binawi ang aking braso sakanya.

"Akala mo makakatakas ka ah," sabi pa niya.

"She's excused."

Bigla akong binitawan ni Britney kaya muntik na kong matumba. Mabuti na lang at may nasandalan ako.

"Pre-President," utal na tawag ni Britney. Napalunok ako at tiningala ang sinasandalan ko.

Napatayo ako ng maayos nang makita si Ryle. Tumikhim ako at tumingin kay Britney.

"Let's go," sabi ni Ryle at nabigla ako nang hawakan niya ko sa pulsuhan.

"What? No president! She's late. She have to do the punishment!" pag-alma ni Britney.

"When I said she's excused, she is. You don't have the right to question my decision and don't you dare again to shout at me. Wag mong sagarin ang pasensya ko sayo," malamig na sabi ni Ryle saka niya ko hinatak paalis. Iniwan naming tulala si Britney at hindi makapaniwala sa nangyari.

Tinitigan ko si Ryle habang naglalakad kami. Ano kayang nangyari dito? Himala nangielam siya kanina.

"Stop staring," sabi niya kaya bigla akong nag-iwas ng tingin sa mukha niya.

"I-I wasn't staring," pagtanggi ko.

"Fool me," sabi niya at binitawan ako.

"A-Ang daldal mo," sabi ko at inunahan siya.

Pagkatapos ng flag ceremony ay dumiretso na ako sa klase. Naging interesado ako sa tinuturo dahil nasa painting na ang topic namin. Hindi ko namalayan ang oras nagulat na lang ako nang magpaalam na ang Prof.

"Sabay tayo. Libre kita," bungad ni Liam pagkalabas ko ng room.

"Hindi pwede eh," sabi ko at naglakad.

"Sige na. Di na tayo nakakakain ng sabay kala ko ba magkaibigan tayo," pangungonsensya pa nito.

Napakamot ako sa batok at nagbuga ng hangin.Pwede naman siguro? Lunch na lang ako aakyat kay Ryle. Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya.

"Sige na nga. Mamayang lunch di na ko sasabay sayo ah?" sabi ko at tumango siya.

"Sige. Kasabay ko naman si sunget," sagot niya.

What A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon