Tapos na ang klase pero nakaupo pa rin ako sa aking upuan. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
Kaya ko to. Kailangan lang mag-ingat.
Huminga ako ng malalim bago tumayo. Kinuha ko ang aking bag at isinukbit ito sa balikat. Lumabas na ako ng room. May mga estudyante pa ring nakatambay sa hallway. Napapailing na lang ako sa tuwing tumitingin sila saakin at biglang magbubulungan.
Nakababa ako ng building nang matiwasay at walang humaharang sakin.
"Autumn! "
Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sakin. Lumingon ako sa likuran at nakita si Liam na tumatakbo palapit sakin.
"Sabay tayo, " nakangiting sabi niya.
"Ihahatid mo ba ako? " tanong ko.
"Hindi. Sabay lang tayo papuntang parking lot, " sabi niya at napairap ako.
"Pasalamat ka papunta akong parking lot ngayon, " sabi ko at tumalikod sakanya para magpatuloy sa paglakad.
"Ngayon ka lang ba pupuntang parking lot? " tanong niya.
"Wala akong kotse Liam, " sagot ko sakanya.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumingin siya sakin kaya tumingin ako sakanya. Kumunot ang noo niya bago magsalitang muli.
"Bat ka pupuntang parking lot? " takang tanong niya.
"May susundo sakin, " sabi ko at napatango-tango siya.
Pareho kaming bumaling sa harapan. Sabay kaming umakyat ng hagdan papasok ng main building.
"Thank you nga pala sa pabaon mo nung nakaraan, " sabi ko.
"Anong pabaon? " tanong niya at huminto.
Huminto rin ako at hinarap siya.
"Yung pagkain na nilagay mo sa bag, " sabi ko at nalukot ang mukha niya.
"Wala akong nilalagay sa bag mo, " sabi niya.
"Hindi ikaw nagbigay nun? " tanong ko at umiling siya.
Hindi si Liam? Kung hindi siya, si Ryle?
Parang gusto kong matawa sa naisip ko. Si Ryle? Impossible.
"Akala ko ikaw. Tara na, " aya ko at nagpatuloy kami sa pag-akyat.
Pagkarating sa parking lot ay napahinto ako sa gulat dahil napakaraming sasakyan. May ilang mga driver na nasa labas at nakikipagkwentuhan.
"Parang may mga batang susunduin, " sabi ko at natawa si Liam.
"Bawal kasi kami magdrive. Alam mo bang sagot ng school yang mga drivers namin? Sila ang nagbigay samin niyan at sila rin ang nagpapasahod, " sabi ni Liam.
Namamanghang tinignan ko siya.
"Talaga? " di makapaniwalang tanong ko.
"Oo para sa seguridad ng mga estudyante, " sagot ni Liam.
Magtatanong pa sana ako kung bakit nasama ang seguridad ng estudyante pero bigla na siyang nagpaalam.
"Una na ko, " paalam niya at tumango lang ako.
Pinagmasdan ko ang paligid. Ang lawak ng parking lot pero napuno ito ng mga kotse. Sana pati kotse sagot na ng Academy para may sasakyan na ko hindi yung namamasahe pa.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...