Nakasimangot akong sumakay sa van. Sinamaan ko ng tingin si Ryle at humalukipkip sa tabi niya.
Akala ko ba naman ieexcuse niya ako kanina sa klase pero akala ko lang pala yun.
"Don't look at me like that. You're here to study not to be excused, " sabi niya nang hindi ako tinitignan.
Inirapan ko siya at nakangusong bumaling sa harapan. Napagalitan kaya ako ng Prof. kanina dahil late ako ng 20 minutes.
"Pack your things when you got home. Tomorrow afternoon, we're going to pick it up. "
Hindi ko siya nilingon at tumango na lang. Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone sa loob ng bag. Binuksan ko ang aking bag at tinignan ang cellphone sa loob nito. Sinulyapan ko sandali si Ryle at nang makita siyang abala sa cellphone niya ay binasa ko ang mensahe ni Kier.
Kier:
Miss Crizel is back. Susunduin kita sainyo mamaya.
Sinara ko ang aking bag at umayos ng upo. Kinabahan ako bigla dahil ilang araw na palang napahinga ang buto-buto ko. Ang sabi pa naman ni Miss ay magbanat ako kahit mag-isa lang.
Napabuntong hininga ako at tumingin kay Ryle. Agad akong lumingon sa harapan nang makitang nakatingin siya saakin. Napalunok ako at kinagat ang aking ibabang labi nang maalala ang nangyari kanina sa banyo. Gusto kong batukan ang aking sarili sa tuwing naaalala ko ang paghingi ng reward kay Ryle.
Masyado akong nawindang sa halik niya.
"Hey. "
Gulat kong nilingon si Ryle nang hawakan niya ako sa balikat.
"Ba-Bakit? " tanong ko at umiling siya.
"Baba na, " sabi niya.
Awtomatikong napatingin ako sa bintana ng van. Nakita kong nakahinto kami sa kantong malapit saamin. Napakamot ako sa ulo at naiilang na ngumiti.
"Si-Sige salamat sa hatid, " sabi ko at nagmamadaling bumaba.
Pagkababa ay saka ko lang napansin na wala pala sila Zerene at Xianna. Tinignan ko ang van hanggang sa makalayo ito.
"Hi Miss. "
Napatingin ako sa kotseng nakahinto sa harapan ko. Ngumiti ako nang makitang si Kier ang nagmamaneho nito.
"Tara? " tanong niya.
"Magbibihis pa ko. Hatid mo muna ako samin, " sabi ko at tumango siya.
"Sakay na, " sabi niya.
Umikot ako sa kabila at sumakay sa passenger seat. Pagkahatid niya sakin ay pinapasok ko muna siya loob ng bahay. Mabilis akong nag-ayos at nagbihis para sa training. Lumabas ako ng kwarto pagtapos mag-ayos. Nilapitan ko si Kier na nakaupo sa sofa.
"Tara na, " sabi ko.
Tumingin siya saakin bago tumayo. Sumunod ako sakanya nang maglakad siya palabas.
"Do you really know the history of your family? " tanong ni Kier pagkasakay namin sa kotse.
"What are you talking about? " nagtataka kong tanong.
"Walkers, Millers and Listers are connected. Alam mo ba ang nangyari sakanilang tatlo? " tanong niya.
Tinignan ko siya at dahan-dahang umiling.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...