Messy 7

152 14 2
                                    

Iika-ika akong naglakad papunta sa room ko. Napakatahimik sa hallway dahil maaga pa at wala pang tao sa mga room. Paliko na sana ako papuntang hagdanan nang may humila sakin sa braso.

Lumapat ang kanang kamay ko sa isang matipunong dibdib. Napalunok ako dahil pamilyar ang amoy at tindig nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at tama nga ang taong nasa isip ko.

Ang aga naman nito?

Kumabog ang puso ko nang mapansing sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Parang nabingi ako at ang tangi ko lang naririnig ay ang tibok ng puso ko.

Ano to? Kaba? Kasi baka parusahan na naman niya ako? Hindi kaya bawal pumasok ng sobrang aga? Kailangan ko talaga mabasa ang students guide ng paaralan na to.

Natauhan ako nang makaramdam ng hapdi sa noo ko. Pinitik pala niya ako sa noo.

"Hey stupid, kanina pa ko nagsasalita rito," nakasimangot niyang sabi.

"Ha? A-Ah sorry," nauutal kong sagot.

Ngayon ko lang napansin ang isa niyang kamay na nakapalibot bewang ko.

"Are you really that stupid?! Hindi ka ba marunong magbasa?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?" taka kong tanong.

"The floor." Huminga pa siya nang malalim na para bang nauubusan ng pasensya.

Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita ang sign na 'Be careful. The floor is wet.' Biglang nag sink in sakin ang ginawa niya. May pumasok na kalokohan sa isip ko. Napangisi ako at humarap uli sakanya.

"Concern ka sakin?" nakangising tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "The heck?"

"Have you notice our position, Mister President?" Ngumiti ako ng malapad at tinignan ang isa niyang braso na nakayakap sa bewang ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong itulak. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagkabigla. Saka ko lang naramdaman uli ang sakit ng buto-buto ko.

"Aray," nakangiwi kong daing.

Inis ko siyang tiningala. "Why did you do that?!" sigaw ko sakanya.

"You're absent yesterday and now you're shouting at me? Do you want to have a pending punishment?" walang emosyong tanong niya.

"What?! Don't change the topic, Ryle!" inis kong sigaw.

"An absent without a valid reason requires a punishment. Calling me without a respect also requires a punishment. Shouting at me means you want to die," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I-I'm sorry, Mister President. Please spare me. Na-Nainis lang naman kasi ako kaya kita nasigawan. I-I was absent yesterday because my whole body ia aching. Hindi ako nakabangon kahapon sa sakit ng katawan tapos ngayon tinulak mo pa ako eh hindi nga ako makalakad ng maayos," mahabang paliwanag ko.

What A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon