Messy 32

182 7 0
                                    

Kanina habang ginagamot ang sugat ko ay tinawagan na ni Ryle ang kaniyang mga magulang. Malamang ay alam na ng buong pamilya niya ang nangyari. Mabilis kumalat ang balita sakanila lalo na at nagkaroon ng ganitong pangyayari. Pagkatapos mabalutan ang braso ko ay umuwi na rin kami.

"Jusko po! Ayos lang ba kayo Lady Autumn?  Sir Ryle?" alalang-alalang tanong ni Manang samin habang iniinspeksyon pa ang katawan ko.

"Ayos lang po kami. Hindi naman po ganon kalalim tong sugat ko, " sagot ko sakaniya.

Naramdaman kong pumulupot sa aking bewang ang braso ni Ryle kaya bumaling ako sa kaniya.

"You mustbe tired. Magpahinga
ka na sa taas, " sabi niya at hinalikan ako sa noo na ikinainit ng pisngi ko dahil nasa harap pa namin si Manang.

"Oo nga, Lady Autumn. Tatawagin ko nalang kayo mamayang hapunan, " sabi ni Manang.

Hindi na ako umangal pa sa dalawa dahil ramdam ko ang pagod mula sa pag-eexercise namin kanina. Kumikirot pa ang braso ko dahil sa sugat. Kailangan ko na talagang magpahinga. Kakaumpisa palang ng araw ngunit ang dami ng nangyari. Pagkapasok ko sa kwarto ay nahilata agad ako sa kama.

That man earlier. Siya ba yung nararamdaman kong nagmamasid samin mula kanina? Ano kayang kinalaman niya kay Mom?

Ipinikit ko ang aking mata habang nag-iisip. Maya-maya pa ay tinangay na ako sa agos ng aking isipan.

Nagising ako nang maramdamang may nagvivibrate sa pwetan ko. Kunot noo ko itong kinapa at kinuha ang cellphone na nahigaan ko pala. Hindi ko pala nadala kanina to. Sinagot ko ito at nilagay sa tenga ko habang nakapikit pa rin.

"Hello? " namamalat kong sabi dahil kakagising ko lang.

"Gusto lang kita pasalamatan, Autumn," sabi sa kabilang linya at napamulat ako dahil hindi pamilyar ang boses nito.

Tinignan ko ang caller at napabangon nang makitang unknown number ito. Binalik ko sa tenga ang aking cellphone. Muling nalukot ang noo ko dahil sa pagtataka kung sino ito.

"Sino ka? " tanong ko at tumawa ito.

"Hindi mo na kailangan malaman. Pinapadali mo ang trabaho namin. Salamat, " sabi pa nito.

"Anong ibig sabihin–"

Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil binabaan niya ako ng tawag. 'Di makapaniwalang tinignan ko ang cellphone ko.

Sino yon? Anong salamat? May kinalaman ba to sa nangyari kanina? Panong pinapadali ang trabaho niya? Si Ryle ba?

Kunot noo akong napaisip ng mga possibleng dahilan. Napalunok ako nang maisip na inilalagay ko sa kapahamakan si Ryle. Iyon ba ang ibig sabihin niya? Napahawak ako sa sentido at nagbuntong-hininga. Napagpasyahan kong bumaba nalang para uminom ng tubig. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba dahil baka may natuyo pa kong tulo ng laway sa mukha.

Huminto ako sa pagbaba ng hagdan nang mapansin ang ingay na nagmumula sa sala at dinner room. Mukhang may mga hindi inaasahang bisita. Pagkahakbang kong muli ay bumukas ang pinto at niluwa nito si Xianna na kasama si Max. Napatingin ang dalawa saakin at napahinto si Max.

Uh oh.

"Autumn?" namamanghang tanong niya marahil hindi niya inaasahan na makikita ako. Ngumiti lang ako bilang sagot.

What A MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon