Nakangiting lumapit sakin si Ma'am Crizel at nilahad ang kanyang kamay sakin. Kinuha ko ito at nakipagkamay sakanya.
"Congratulations! You have passed the training for flexibility. Hindi nasayang ang pagbabanat natin sa katawan mo," sabi niya.
"Salamat po sainyo, Miss Crizel. "
Parehas kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. Nakangiting pumasok si Kier at lumapit samin.
"How is it? " tanong nito kay Miss Crizel.
"She passed the training. "
Bumaling sakin si Kier at ginulo ang buhok ko.
"I knew that you can do it. Pwede ka ng bumalik kay Mr. Ricardo, " sabi ni Kier at biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang pangalang lumabas sa kanyang bibig.
"Nakabalik na ba siya? " kinakabahan kong tanong.
"Oo, " sagot niya at napalunok ako.
Balik na ko kay Madame Violet? Kailangan ko ng maghanda sakanya.
"Una na kami Miss. I've promised Autumn to treat her in the spa after her training, " sabi ni Kier kaya napunta sakanya ang aking atensyon.
Oo nga pala. I forgot my free massage.
"Sama na ko palabas sainyo. Uuwi na ako. "
Sabay-sabay kaming sumakay ng elevator. Nang makalabas ay humiwalay na samin si Miss Crizel.
"You've trained hard. Enjoy your VIP treatment in our Spa, " sabi ni Kier habang naglalakad kami.
"VIP talaga? " tanong ko.
"Yeah, " sagot niya.
Binuksan niya ang pinto ng Spa at pinauna ako sa loob. Pagkapasok namin ay nakipag-usap siya sa isang staff. May tinipa ito sa kaharap na computer at muling bumaling kay Kier. Lumingon saakin si Kier at sinenyasan akong lumapit.
"Bakit? " tanong ko sakanya pagkalapit.
"Follow her. Dadalin ka niya sa massage room, " sabi ni Kier at tumango ako.
Lumapit ang babae na sinasabi ni Kier samin at ito'y ngumiti.
"Let's go Ma'am," sabi nito.
Binigyan ko muna si Kier ng isang ngiti bago sumunod sa babae. Napalunok ako ng laway nang makapasok sa isang kwarto. Nakakarelax ang ambiance. May dalawa itong higaan na may butas sa ulunan.
"Mauna ka na po sa loob. Pakitanggal na lang po ang mga suot niyo. There's a restroom inside. May roba sa loob nito, ayun po muna ang isuot niyo paglabas. Maya-maya dadating ang mag-aasikaso sayo, " sabi ng babae at tumango lang ako.
Pagkapasok ko sa loob ay sumara ang pinto saking likod. Nakita ko ang isang pintuan sa gilid. Nilapitan ko ito at binuksan. Nang makitang banyo ito ay pumasok na ako sa loob.
Ang ganda.
Saglit ko inilibot ang aking paningin bago magtanggal ng damit. Nagsuot ako ng roba at lumabas ng banyo. Wala pa ring tao kaya nagpunta na ako sa higaan. Tinanggal ko ang aking roba at dumapa sa higaan. Itinakip ko saking likuran ang roba saka humiga ng tuluyan. Ang mukha ko ay nakalabas sa higaan dahil butas ito sa ulunan.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...