Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumusina pagkalabas ko. Nilingon ko ito at nakita sa loob ng sasakyan si Kier. Nagtataka ko siyang nilapitan. Kinatok ko ang bintana ng kotse at ito naman ay kanyang ibinaba.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Sinundo kita. Sakay ka na," sabi niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa sa pagsakay.
"Kanina pa kita tinatawagan. Why are you not picking up? Kanina pa kita hinihintay," nakasimangot niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo nang maalala na kaya ko pala binuksan ang aking bag kanina ay dahil sa cellphone ko. Masyado akong nadala sa pagkain kaya nakalimutan ko na may tumatawag.
"Hindi ko napansin kasi nasa bag ko yung cellphone ko. Pasensya na," palusot ko.
"Don't put your cellphone on silent mode. Pano kung may importanteng tawag ka na hindi mapansin," pangaral niya at pinaandar na ang sasakyan.
"Opo," sabi ko na lang at nagsuot ng seatbelt.
Natahimik kami habang nasa biyahe. Nang hindi na makatiis sa katahimikan ay binasag ko ito.
"Nasan ba si Madame Gretta?" tanong ko at tinignan si Kier.
"Mr. Ricardo is on Paris," sagot ni Kier.
"Nagbakasyon?" tanong ko.
"Yes, with his family." Napatango-tango ako.
"Buti pa siya pabakasyon-bakasyon na lang," nakanguso kong sabi.
"Gusto mo rin ba?" tanong ni Kier.
"Pwede ba?" tanong ko pabalik at natawa siya ng bahagya.
"Pwede kapag tapos mo na lahat ng training mo," sagot niya.
"Kailan pa? Next year?" nakangiwi kong tanong.
"Dipende kung gaano ka kabilis matuto," sabi niya at ngumuso na lang ako.
Huminto ang sasakyan kaya sumilip ako sa labas. Nandito na pala kami sa Sievad Spa. Nag umpisa na akong lamigin dahil sa kaba. Bumaba kami ng sasakyan at tinungo ang elevator.
"Pwede ba kong mag ikot dito?" tanong ko.
"Bawal mag ikot ang trainees," sagot niya at napasimangot ako.
"Susubukan kong ipaalam kay Mr. Davies. Let see if he will let me tour you here," sabi niya at nakangiti ko siyang nilingon.
"Talaga?" masaya kong tanong.
"Don't be happy. Magpapaalam palang ako," sabi niya.
"Nararamdaman kong papayag yun," masaya kong sambit.
"Bilisan na natin baka naghihintay na si Miss," sabi niya bago lumabas ng elevator.
Sumunod ako sakanya hanggang sa makarating kami sa training room. Nakaupo si Miss Crizel sa boxing ring at kunot noo itong nakatingin sa cellphone niya.
"Miss Crizel, nandito na po sila. " Napalingon ako sa gilid ko nang may biglang magsalita.
"Let them in Lyndsey," sabi ni Ma'am na hindi man lang kami sinusulyapan.
Sinamahan kaming pumasok ni Lyndsey sa loob.
"Aalis na ko, Miss. Hinatid ko lang si Miss Lister," sabi ni Kier.
"Hindi ka manonood?" tanong ni Miss Crizel at tinignan si Kier.
"No, I still need to do some things," sagot ni Kier at tumango si Miss.
Bumaling sakin si Kier. "Susunduin na lang kita mamaya," sabi niya.
Tumango lang ako at siya'y umalis na.
BINABASA MO ANG
What A Mess
Ficción GeneralRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...