Inabot ko ang sobreng puti na naglalaman ng pera sa babaeng nasa Registrar's Office.
Mabilis ang kamay niyang nagtype sa keyboard bago muling bumaling sakin.
"Miss,Kukuha na po ba kayo ngayon ng uniform?"
"Ha? Hindi pa ba kasama sa binayaran ko yun?" Taka kong tanong sa babae.
"Hindi pa po. Eto pong binayad niyo ay para lang sa pagpasok sa Academy hindi pa kasama ang ibang babayaran niyo like projects and uniforms."
Napatango-tango ako.
"So ilan po ang kukunin niyong uniform? One-thousand pesos po kada isang pares."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae.
"What? One-thousand pesos?!"
"Yes po."
Napakamot ako sa batok at napangiwi.
"Tangina may ginto ba dito kaya napakamahal mag-aral dito?" Bulong ko at kinapa ang mga bulsa ng pantalon ko.
Nakapa ko ang isang libong binigay ni mudra ko kanina. Napabuga ako ng hangin at inilabas ito.
Buti na lang sinumpong ng kabaitan yun kanina.
"Isang pares lang muna." Naiilang ko na sabi.
Tinanggap ng babae ang perang iniaabot ko. May kinuha siya sa parang cabinet na nasa gilid.
I think di lang to registrar office. All in one na eh di na kailangan pumunta saan-saan.
Paglapit niya ay may hawak na siyang uniform na nakaplastic.
"That's medium. Sa palagay ko kasya sayo yan. You can try it para sigurado po tayo,Miss."
Inilabas ko ang uniform mula sa plastic at sinukat iyon kahit may damit akong suot.
Ang cute kay naman pala mahal. Ang ganda rin ng tela.
Hinubad ko na ang uniform at binalik ito sa plastic.
"Kasya po. Maraming salamat." sabi ko at inilagay ang uniform sa shoulder bag ko.
Napansin kong umiilaw ang cellphone ko kaya nilabas ko ito.
"Yes po?" magalang kong sagot.
Nagulat ako nang magpakilala ito at mas ikinagulat ko pa ang sumunod nitong sinabi.
"Si-Sige po papunta na po ako."
Naglakad na ako habang aligagang hinahanap ang wallet ko sa bag.
"Nasan na ba yung pisteng wallet na yun? Ayaw pang magpakita eh wala namang laman tsk." bulong ko habang naghahanap.
Nang makita ko ang wallet ay may nabunggo ako. Napaatras ako nang bahagya.
"Sorry." sabi ko na lang at iniwasan ang nabangga ko saka muling naglakad.
Binuksan ko ang wallet ko at napahinto ako nang makita ang laman nito.
Anak ng tokwa. Saan makakarating tong 50 pesos?
"Ang lakas ng loob niyang banggain si President."
"Sus kunwari lang yan na hindi nakatingin kanina para makalapit kay President."
"As if naman papansinin siya ng baby ko."
Napatingin ako sa gilid ko nang makarinig ng bulong-bulungan. Napataas ang kilay ko nang makita ang tatlong babae na nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
What A Mess
General FictionRyle M. Walker is the youngest child of Hyacinth and Senri Walker. He's a serious and quiet type of person. He's also confused in his gender because he never felt attraction to any woman. He only cares for his family and duties. Autumn F. Lister is...