Two

178 5 0
                                    

"Beb sure ka ba na dito sa building na ito ang punta natin." Tanong ko kay Marian habang tinitingala ang building na nasa harap ko.

Grabe ang taas. Feeling ko maaabot ko na ang langit kapag nakarating ako sa itaas ng building na to?

"Oo JRC building daw eh." Muling tiningnan ni Marian ang address na nasa papel at ipinakita sa akin. Napakunot-noo ako. Medyo nabura na kasi ang mga letra.

"Bakit ganyan na?"

"Sorry Beb. Nalimutan ko kasing kunin sa bulsa ng pantalon ko nong nakaraan tapos naisama ko sa labahin."

Napailing ako. Di kaya kami nagkamali ng pinuntahan namin. Para kasing JMC ang nakalagay sa papel.

"Mabuti pa mag tanong tayo sa guard." Aya ko kay Marian at agad siyang hinila sa kamay.

"Anong kailangan nyo Miss Beautiful." Nakangiting tanong ng guard na sa tantiya ko ay nasa forthy na. Palipat-lipat and tingin niya sa amin ni Marian.

"Manong guard, dito ba yong may pa audition."

Pansin kong parang nag-isip si Manong guard. Maya-maya ay napakamot siya ng ulo. "Sure ba kayong balak nyong mag audition ngayon?"

"Opo sana eh. Pero siya lang po." Tinuro ako ni Marian. "Sinasamahan ko lamang ang kaibigan ko."

"Naku mam may bad news at good news ako sa inyo. Ano pong gusto nyong mauna kong sabihin?"

Nagkatinginan kami ni Marian.

Nag-isip ako. "Good news muna Manong Guard."

"Good news po mam eh sa ganda nyong yan mukhang papasa kayo sa kahit anong audition."

Napangiti ako sa sinabi ni Manong Guard.

"Bolero naman si Manong eh. Pero sige po thank you na din. Eh ano po pala ang bad news?"

"Bad news po mam eh wala na pong audition."

Nanlaki ang mata ko.

Oh no!

Di pwede to!

Paano na yong plan kong forever namin ni Marco?

"Are you sure Manong Guard. Lumuwas pa kami dito sa Manila para lamang sa audition na yan." Dismayadong sabi ko.

"Wala na po talaga mam. Ipinatigil na po ni Mr Collins ang audition."

Mr Collins?

Sino ba yon?

"Sinong Collins? Siya ba yong organizer?" Usisa ni Marian.

"Ah hindi po mam. Siya po mismo yong lalaki. Siya din po ang nag mamay ari nitong building."

Napanguso ako.

Napagod lamang pala kami.

Nagpunta kami sa wala.

"Pero mam baka gusto nyong makausap si Mr Collins. Malay nyo magbago ang isip niya kapag nakita kayo."

"Sa tingin nyo Manong, madala ko kaya sa paki-usap yon? Teka, me nahanap na po bang babae para sa role."

"Anong role?"

"Yong magiging partner nong lalaki."

"Ah asawa."

Man in a Blue JeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon