"Sa gwapo mong yan wala kang girlfriend?"
"Wala nga dude. Badtrip nga eh ano bang ayaw sa akin ng mga babae na yan."
I rolled my eyes ng marinig ko ang malakas na boses ni Hunter habang kausap si Miller na halatang nagpapa cute sa mga babaeng nadadaanan namin papasok ng Mall.
Napatingin ako sa maliliit na daliri ni Milka na nakahawak sa akin habang buhat siya ng kanyang daddy....James.
Gustong-gusto ko ng tumakas dahil natitiyak kong ito na ang tamang pagkakataon para gawin yon pero hindi ko magawa kapag napapatitig ako sa mukha ni Milka.
Nagulat pa nga ako kanina ng ipa cancel ni Collins lahat ng meeting niya. Ipapamili daw namin ng gamit si Milka.
Wala akong nagawa kundi sumama. Dahil for sure walang alam sa pamimili ng damit ng babae lalo't bata tong si Collins.
"Miss Ericka bagay na bagay kayo ni bossing oh. Mukha kayong isang masayang pamilya."
Sinamaan ko ng tingin si Hunter. "Maghunos dili ka nga sa mga binibitawan mong salita. Kami ni Milka bagay maging mag-nanay pero kasama tong bossing mo tsk."
"Naku Miss Ericka wag kang magsalita ng ganyan. Tingnan mo ang paligid mo. Tingnan mo ang mga babae mukhang type nila si bossing oh."
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Mukhang tama si Miller halos mabali na ang leeg ng ibang babae kaka habol ng tingin kay Collins.
Napasimangot ako. Mga babae talaga ngayon kahit di nila alam ang tunay na pagkatao basta gwapo go ng go.
"Selos ka no."
Iningusan ko si Collins. "Yabang mo."
"Hey don't say bad words naririnig ka ni Milka."
Napa irap ako. Ibinaba niya si Milka sa tapat ng isang boutique at lumapit sa akin.
"Don't worry ikaw pa rin ang gusto kong maging asawa." Bulong niya sabay halik sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
Nakakatatlo na to sa akin ah.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko lalo na ng mapa sipol si Miller at umapir kay Hunter.
Lumapit ako kay Collins at sinipa ko ang binti niya bago ako nagpatiuna papasok ng boutique.
"Good afternoon mam." Bati ng sales lady.
Tumango ako at pumili ng mga damit. Hindi na ako nagtaka ng makitang puro branded ang tatak ng bawat items dito. At natitiyak kong may kamahalan ang presyo.
Namili ako, nasisigurado ko naman na kayang kaya tong bayaran ni Collins kahit na magkano.
Bigla akong na excite sa pamimili ng mga damit pambata. Noon kasi hindi ko naranasan magkaroon ng magagarang damit. Nakakasuot lamang ako nito kapag ibinibigay sa akin ni Tiya ang mga pinagsawaang damit ng pinsan ko.
"Miss Ericka ako na magdadala niyan sa counter."
Nilingon ko si Hunter. "Kaya ko na to di naman gaano mabigat."
"Ah sige ikaw ang bahala pero hindi mo dapat iniiwan ang mahahalagang bagay sayo. Baka kasi may kumuhang iba."
"Ha?"
Ano bang ibig sabihin niya eh wala naman akong dalang gamit kahit ano?
Inginuso niya si Collins na nakikipag tawanan sa sales lady.
Bigla akong nakaramdam ng inis.
Kaya pala ako isinama dito para ako ang pumili at makipaglandian siya sa iba.
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...