Fifteen

132 5 0
                                    

"Mukhang napuyat si Miss Ericka."

"Oy wag nyo na ngang pakialaman ang eyebag ni Mam, pinaghirapan niya yan kagabi ano ba kayo."

Sinamaan ko ng tingin si Hunter. Batuhin ko kaya to ng monay.

"Anak mukhang namamahay ang asawa mo." Puna ng mama ni Collins at bumaling sa akin. "Hindi ka ba nakatulog ng ayos kagabi iha. Oh baka naman pinuyat ka ni James.....hihihi."

Alanganin akong napangiti. "Namamahay lang po siguro ako."  Nagpatuloy ako sa pagkain.

Palihim kong inirapan si Collins na malapad ang ngiti sa akin.

Ang hinayupak na to may gana pang ngumiti. 

Ano bang ineexpect niya matapos kung makita ang buhay niyang pugita?

Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kagabi.

Huhuhu....my poor eyes.

Inabutan ko ng juice si Milka at masayang hinaplos ang kanyang buhok. 

Muli kong hinarap ang pagkain ko at inirapan si Collins.

"Miss Ericka pupunta kami sa bayan. Gusto mong sumama. Bibili kami ng pugita."

"Pugita?"

"Yes ma'am. Masarap yon di ka pa ba nakakatikim non."

Biglang nag-init ang pakiramdam ko parang nangangapal ang mukha ko.

"Okay ka lang ba mam, may masakit ba sayo?"

Nakarinig ako ng mahinang tawa ni Collins.

Nabasa niya ba ang iniisip ko?

"Ah hindi ako nakain non."

"Di bili na lang tayo ng iba. Ano Ms Ericka sama ka na para maka pasyal ka dito sa isla."

Tipid akong ngumiti bago tumingin kay Collins.
 
Nagsalubong ang kilay ni Collins. "Hindi pwede walang mag-aasikaso sa akin."

Malakas ang naging pagtutol ni Japet sa pahayag ni Collins.

Inirapan ko siya. Ang sarap tadyakan ng kurimaw.

"Ahmm kayo na lang siguro. Aasikasuhin ko pa si J-James."

"Ikaw anak wag ka naman ganyan kay Ericka. Ang asawa hindi hinihigpitan. Ang partner mo para iyang palos pag niluwagan mo huhulagpos sa kamay mo pag hinigpitan mo naman huhulagpos din, kaya dapat hahawakan mo ng buong ingat.  Gayahin mo kami ng mom mo. Hanggang ngayon patay na patay siya sa akin."

Nandilat ng mata ng mama niya sa asawa. "Anong ako ikaw ang patay na patay sa akin."

Napangiti ako ng walang magpatalo ni isa man sa kanila.

Nabaling ang tingin ko kay Collins. Ayon na naman siya sa matiim na pagtitig niyang iyon sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Hayaan mo nga silang dalawa hon. Ganyan ka din naman sa akin nong bago pa lamang tayong kasal. Masyado kang clingy kala mo lagi may aagaw sa akin."

Dumating si Lara na halatang bagong gising at naupo sa tabi ko. "Good morning sis-in-law. Hi everyone good morning."

"Anong oras ka ng dumating kagabi anak. Mukhang napuyat ka sa ribbon cutting na yon ah." Sita ng ina.

"Mom, tumawag ako kay dad nag movie marathon kami ni Audrey."

"Oh I see."

"Lalabas kami ni Ericka ngayon Jr ha. Hiramin ko muna sayo ang babe mo." Baling ni Ericka kay Collins.

Man in a Blue JeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon