"Where have you been?" Dumadagundong ang boses ni James ng mabungaran ako sa labas ng gate.
Napasimangot ako. Sana pala di na lang ako bumalik.
Tila naman lumambot ang itsura ni James ng makita ang mukha ko. Lumapit siya sa akin sabay yakap. "I'm sorry okay. Sobra lang ako nag-alala. Kala ko kung nasan ka na. Paano kung makuha ka ng Black Tiger."
Napakunot ang noo ko. "At bakit naman ako kukunin ng Black Tiger. Ikaw yata ang may atraso sa kanila eh. Idadamay mo pa ako."
Hinalikan ako ni James sa noo. "Syempre hindi mo maiaalis sa isip ko yon. Alam mo namang member ako ng mafia eh."
"Di umalis ka na doon para di ako madamay." Nakangusong sabi ko at naglakad papasok sa loob. Agad namang sumunod sa akin si James.
Naabutan ko doon si Toni na may kinakalikot sa laptop.
"Nasan ang mga tauhan mong lalaki." Kunot-noo kong tanong. Nakakapanibago kasi.
"Pinapahanap kasi kita."
"Eh bakit nandito ka at di mo ako hinahanap."
Ginulo niya ang aking buhok. "Kanina pa ako naghahanap sayo. Umuwi lang ako saglit."
Umingos ako sabay titig sa kanya. "Seryoso James. Bakit ba hindi mo pa iwan yang mafia na yan. Inilalagay mo lang sa alanganin ang buhay ng pamilya mo at ng taong mahahalaga sayo."
"I've been in a mafia for almost nine years at hindi naman ako basta makaka alis."
"Bakit naman, di ka ba natatakot baka mahuli ka ng mga pulis. Bawal yan di ba?"
"We're not illegal. Isa pa ang pinapatay lang namin yong mga masasama."
"Ewan ko sayo."
"Teka san ka ba kasi nanggaling. Nag-alala ako kala ko kung nasaan ka na nagpunta." Nilingon ni James ang dalawang babae. "Tell them nandito na ang asawa ko."
Tumango naman ang dalawa.
"Diyan lang nagpalipas lang ng sama ng loob sayo." Seryosong sabi ko.
"I'm sorry kung nasigawan kita kanina. Hindi ka na kasi dapat nakikinig sa usapan namin. Tungkol kasi yon sa organization ng mafia saka kay Jenna."
Muling kinain ng selos ang dibdib ko ng marinig ang pangalan ng bestfriend niya.
"Eh bakit narinig ko ang pangalan ko." Nagdududang tanong ko.
"Forget about it. Basta magtiwala ka lang sa akin."
"Magtitiwala ako sayo kung e explain mo sa akin yong kinabibilangan mo."
"Ipapaliwanag ko sayo sa isang kundisyon."
"A-Anong kundisyon." Kinabahan ako ng makita ang makahulugang pagngisi ni James.
"Maniningil muna ako ng pautang."
Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin. "Teka James ibaba mo ako. Anong pautang ang sinasabi mo?"
Nag-init ang pisngi ko ng marinig ang tawanan ng dalawang babae.
Nagsimulang maglakad si James patungo sa kwarto namin. "James isa ibaba mo ako." Natatarantang sabi ko.
"Oh sure honey I'm going to put you down....on our bed." Nakangisi sabi niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng mahulaan ko kung ano ang tinutukoy niya. Nagpumiglas ako ng makapasok kami sa kwarto niya. "Eh hindi pwede."
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...