Chapter Four

156 3 0
                                    

"Isda mga suki, bili na kayo sariwang-sariwa. May tilapya, bangus, tamban at tulingan. Meron din alimango bagong huli. Eto o tumatalon pa." Chos hehe ganyan talaga kapag nagbebenta.

"Ericka magkano ang kilo ng alimango."

Agad kong dinampot ang kutsilyong pantanggal ng kaliskis at itinutok kay Leandro.

"Seven hundred fifty, me pambili ka?"

Tinaas naman nya ang dalawa nyang kamay at umatras ng kunti. "Grabe namang alimango yan. Anong alimango ba yan brilyante ang aligi?"

"Anong brilyante ang pinagsasabi mo dyan? Four hundred lang yan idinagdag ko lamang dyan yong utang mong three hundred. Presyo ng panty na inutang mo sa akin at neregalo mo sa nililigawan mo."

"Teka four hundred plus three hundred, seven hundred lang yon ah."

"Malamang yong fifty tubo ko yon. Excuse me one month to pay lang po yon. Tatlong buwan na ang nakalipas di ka pa din nagbabayad. Mahiya ka naman. Pati panregalo mo sa girlfriend mo inuutang mo pa. Aba'y tamaan ka man lang ng hiya. Wala na akong kita abonado pa ako."

"Makapagsalita ka naman Ericka babayaran naman kita ah."

"Kelan? pagputi ng uwak."

"Grabe ka naman babayadan kita kapag nakapanganak na siya."

Napaingos ako. "Buntis na pala? Ilang buwan na ba ang tiyan niya?"

"Wala pa bubuntisin ko pa lang."

Aba't

"Peste ka talaga eh no?" Gigil na sabi ko.

"Basta babayaran kita. Pero pautangin mo muna ako nit....aray."

Tinampal ko ang kamay nya ng tangkain nyang hawakan ang isang tilapya.

"Lumayas ka sa harapan ko ngayon din. Baka gusto mong ikaw ang kaliskisan ko."

"Ang damot mo naman."

Naningkit ang mata ko sa sinabi nya. "Oo madamot ako lalo na sa hindi nagbabayad ng utang."

"Tsk. Sige aalis na ako. Goodluck na lang sayo kung maibenta mo yang isda mong naka shabu."

Nalukot ang mukha ko. "Anong nakashabu?"

"Ayan o mga isda mo mapula ang mata. Sariwa ba yan mukhang adik eh?"

"Aba't." Inis na inis ako habang tinatanaw ko syang tumatakbo papalayo.

Bwisit na yon anong nakashabu?

Tiningnan ko ang mga isda kong nakahilera sa lamesa.

Di ba pwedeng puyat lang kaya mapula ang mata?

"Hoy Ericka."

"Ay puyat."

"Anong puyat?"

"Wala wala. Si Leandro kasi g*g* eh. Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa regular costumer ko sa pautang.

"Nakuha mo na ba yong order ko na Litizia tandaan mo 36B ha. Magkikita na kami ni Amboy sa isang araw."

"Sige sige pupuntahan ko sa bayan mamaya. Paano pala kapag hindi available ang size?"

"Pumili ka na lamang ng malaki ang size saka kung pwede sana yong push up bra."

Napailing ako. "Ikaw talaga Maricar bakit kasi kailangan pa na magkunwari kang mayaman sa dibdib. Kung mahal ka ng amerikanong yon tanggap ka non kahit gaano pa kalaki yan."

Man in a Blue JeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon