"Kanina ka pa namin hinahanap san ka ba nagsuot na bata ka."
Nahihiyang napayuko ako habang walang tigil ang sermon sa akin ni Lola.
"Sorry po La. Naligaw po ako. Nalimutan ko po kasi kung san nag park si kuya Jun."
"Ganon ba apo. Pasensiya ka na kung nasigawan kita.Nag-alala lang po naman kasi ako sayo kung nasaan ka na ba nagsuot."
"Pasensiya na po Lola."
"Okay lang iha ang importante nakauwi ka na." Nakangiting tugon niya. "Bueno magpapahinga muna ako. Ikaw din magpahinga ka bago mo ayusin ang mga gamit mo." Akmang tatayo na siya ng bigla akong magsalita.
"Payag na po ako Lola kung tutulungan nyo akong ipa walang bisa ang kasal namin ng asawa ko."
Napahinto siya at napatitig sa akin. Maya-maya ay napangiti ng maluwang. "Sigurado ka ba iha?"
Tumango ako. "Buo na po ang desisyin ko Lola."
"Tatawagan ko ang abogado ko ngayon din iha at kami na ang bahala sa mga papeles iha."
"Thank you po Lola."
"Sige maiwan na kami dito at tatawagan ko ang apo ko este ang abogado ko pala."
Napanguso ako. Mukhang may iba pang plano si Lola Mildred bukod sa pagpapawalang bisa ng kasal namin ni Collins. Pero hindi ko na muna iisipin yon.
Hihilingin ko na lang na sana ay pumayag si Collins na mapawalang bisa ang kasal namin tutal ay nasa kanya naman si Jenna.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo iha?"
Napalingon ako ng marinig kong magsalita ang mayordoma ni Lola Mildred na si Nana Linda..... Nasa tabi niya din ang tatlo pang kasambahay na sina Glenda, Marta at Felicity.
"Sure na po ako Nana. Ayaw ko pong manatiling nakatali sa isang relasyong walang pagmamahal."
"Base sa narinig namin sa kwentuhan nyo ni Seniora mukhang mahal mo naman ang asawa mo. Bakit hindi mo siya kausapin?"
"Hindi ko po kaya Nana." Malungkot akong napangiti. "Pumili na po siya. Saka mukha naman pong masaya na siya kasama ng bestfriend niya."
"Kaya ako ayoko talaga mainlove eh napaka komplikado."
"Sus sabihin mo wala naman talagang nanligaw sayo." Patutsada ni Felicity kay Glenda.
''Excuse me naka limang boyfriend ako no." Umirap si Glenda. "Bitter ka palibhasa di mo naranasan maligawan. Ayan tuloy pati ang apo ni Seniora pinagpapantasyahan mo."
Nanlaki ang mata ni Felicity lalo na ng humagikgik si Marta.
"Kala mo hindi namin alam crush mo si Sir. Kaya lang pano yan inerereto ni Seniora kay Ericka yong pinagpapantasyahan mo." Pang-aasar ni Marta sa kasama.
Napanguso naman si Felicity. "Mga chismosa."
"Naku tigilan nyo nga yan mamaya magkapikunan na naman kayo. Ikaw Felicity tapos mo na ba ang labahin mo."
"Hindi pa po."
"Laba muna bago landi." Seninyasan nito si Marta at Glenda. "Kayong dalawa balik sa kusina."Magpahinga ka na muna iha at siguradong napagod ka at wala ka pang kumpletong tulog."
Tumango ako at nagpasalamat kay Nana.... bago tuluyang pumunta sa guest room.
Sa panahon ngayon mas maigi pa ngang matulog kesa magmahal.
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
Narrativa generale"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...