Chapter Five

143 5 0
                                    

Nalaglag ang kagat-kagat kong fried chicken ng mabungaran ko kung sino ang kumakatok.

"Teka wala pang five seconds." Muli kong dinampot ang hita ng manok at pabaliwalang kinagat iyon sa harap ng apat na lalaki.

"Anong kailangan nyo?" Masungit na sabi ko ng makabawi sa pagkabigla.

Anong ginagawa ng mga ito gayong alas nuebe na ng gabi?

At saka paano ako natunton ng mga ito?

"I came here to get my boss's wife." Seryosong sabi ng isang lalaki at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.

Aba't adelantado to ah!

Pinandilatan ko ang apat. "Hoy mga lalaki, wala kayong karapatang pumasok dito. Hindi kayo welcome dito." Pigil na sigaw ko.

Napasulyap ako sa kwarto ni Tiya. Maagang natutulog si Tiyang kapag Sabado dahil maaga siyang nasimba sa bayan kinabukasan.

Tama!

Kasama siya sa grupo ng mga matatandang linggo linggo sa simbahan pero kasakiman lang ang nalalaman.

Tiyak na mapapagalitan ako kapag naistorbo ang tulog niya.

Yong anak niyang bruha naman wala, gumimik. Malamang madaling araw na ang uwi non.

"So this is your house." Nilibot nito ang paningin.

Sino ba to?

"Malamang hindi," sikmat ko. "Nakikitira lamang ako sa tiyahin ko. Kaya mabuti pa umalis na kayo habang maaga pa dahil kapag nasira and tulog non nagiging dragon yon."

"Okay, we're leaving. Pero sasama ka sa amin."

Napalunok ako.

"Teka, sino bang boss ang sinasabi mo." Maang-maangan ko. " Wala akong atraso kahit kanino."

"James Russel Collins, remember, your  husband?" Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

Nahulog muli ang fried chicken na hawak ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata.

Confirmed mga alagad to ni Hudas!

"Nasisiraan na ba kayo? Hindi ako sasama sa inyo. Sabihin mo sa boss mo hindi ko sasakyan ang biro niya. Mga ul*l."

Bumunot siya ng baril at nagpaputok sa kinatatayuan ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan.

Hindi ko alam kung ilang bala ang lumabas at pumutok sa baril niya.

Pero sigurado ako na itong lalaki na to ang magiging dahilan ng kamatayan ko.

At hindi lang sa tama ng baril ako mamamatay kundi sa takot.

Malala pa yata ang sapak nito don sa boss niya.

"Ano bang ingay yan Ericka?" Galit na sigaw ng papungas-pungas na si Tiya Mercy.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang nakatutok na baril ng tauhan ni Mr Collins. Akmang tatakbo siya at muling babalik sa kwarto ng mahagip ng isa sa mga lalaki na tila kidlat sa bilis umakyat. 

"Sino kayo? At anong kailangan nyo?" Ramdam ko ang takot sa boses ng tiyahin ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya.

"Wala akong kailangan sayo. At narito ako para kunin ang asawa ng boss ko."

Napalunok ako sa sinabi ng lalaki. Ibig sabihin, talagang seryoso sila sa sinasabi nila na isasama ako.

"Nag-asawa ka na Ericka?" Galit na baling sa akin ni Tiya.

Man in a Blue JeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon