Twenty

153 4 0
                                    

Halos isang linggo na mula ng magka ayos kami ni Collins. Napansin ko na mas naging extra sweet siya at panay ang dikit sa akin. Walang araw na hindi niya ako sinasabihan ng "I love you" na hindi ko alam kung totoo ba.

Inilibot niya din ako dito sa magagandang pasyalan dito sa isla San Lazaro.

At talagang masasabi ko na napakaganda rito.

"Hi Hon, good morning." Nakangiting bati niya habang papalapit sa akin. Hinalikan niya si Milka ng mapadaan siya sa kinauupuan nito bago lumapit sa akin.

Ako ang nag presentang magluto ng agahan namin kaya nauna ako sa kanyang bumangon.

"G-Good morning." Nakangiting bati ko. Bakit mukha siyang fresh kahit kagigising lang?

Ngumuso siya. "Morning kiss ko."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Nakatingin ang anak mo."

"Milka anak. Okay lang ba na ikiss ako ni mommy?" Baling ni James kay Milka at kumindat.

Nag thumbs up si Milka pagkuwan ay ngumiti. Napailing ako. Mukhang naka recover na nga si Milka at nakakasabay na sa kalukohan ng ama niya.

Muli kong hinarap ang niluluto kong bacon at ipinag timpla ng kape si James. Napalingon ako ng maramdaman ko siya sa likod ko. Napa atras ako ng magtama ang lips namin na lalong nagpalapad ng ngiti ni James.

"Good Morning love birds."

Marahan kong siniko si James na parang tuko sa pagkakakapit sa akin ng marinig ang boses ni Lara.

Ngumiti ako sa kanya. Ngayon lang ulit kami nagkita since palagi siyang busy sa mga charity event na pinupuntahan niya.

"Good morning sa maganda kong pamangkin na nagmana sa tita." Bati niya kay Milka at naupo sa tabi nito.

"Wala kang lakad ngayon?" Tanong ko.

"Meron pero maya-maya pa yon. Anyway blooming ka. Inlove ka na kay James no."

Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nag iwas ako ng tingin.

"K-Kumain ka na n-nga."

"Inlove ka na sa akin?" Nanlalaki ang mata na tanong ni James. "Hon inlove ka sakin?"

Di ko siya pinansin.

Napahagikgik si Lara maya-maya'y tila may naalala. "Meron nga pala akong extrang ticket para sa concert ni Marco Suarez. Balita ko crush mo daw yon. Gusto mong sumama?"

Natigilan ako. Marco Suarez?

Bago pa ako makasagot ay nagdadabog na nilisan ni James ang kusina.

Napanguso ako. Problema non.

"Selos yon."

"Ha?"

"C'mon don't tell me hanggang ngayon di mo pa rin ramdam na mahal na mahal ka nong kumag na yon."

"Alam ko sinabi naman niya. Hindi ko lang alam kung totoo."

"Sige na sundan mo ng at baka magka world war three pa kayo."

Nagmamadali kong tinapos ang pagluluto ko at sinundan si Collins na naabutan ko sa garden at tila may kausap sa telepono.

Naghintay akong matapos sila ng kausap niya dahil mukhang importante ang pinag-uusapan nila.

"Okay, we'll be there within an hour." Seryosong sabi niya at pinatay ang tawag.

"Ahmmm James ano pala...."

Man in a Blue JeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon