"Good morning bakit wala si James?"
"Woah. Lume level up na kayo ni bossing ah. Ano me laman na ba?" Nakangising tanong ni Tyler habang hawak ang sandok. "Dati kasi Collins ang tawag mo sa kanya. Ngayon James na lamang."
Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo di mo sinagot ang tanong ko. Nasan ang boss mo?"
Ipinaghila ako niya ako ng upuan at binigyan ng kape. "Nagpunta sa office aayusin niya yong nangyaring patayan doon. Ibinilin ka sa akin ni bossing. At kabilin-bilinan niya na ipagluto kita ng almusal. Actually dalawa kami ni Japet. Inutusan ko lang siya bumili ng prutas."
Nagdududang pinasadahan ko ng tingin ang niluluto niya. Last time kasi nasayang lang ang niluto niya para sa akin.
"Don't worry Miss Ericka pag mga prito mapagkakatiwalaan mo ako. Feeling ko nga kundi lang ako naging body guard ni bossing isa akong tanyag na mag piprito ngayon."
Natawa ako sa sinabi niya. "Naninigurado lang ako. Siyangapala pano ka ba napunta kay Collins?"
"Ah classmate/Tropa ko siya nong high school. Kaming lima. Ako si James, si Japet, si Hunter at si Matthew. Nagkahiwa-hiwalay lamang kami nong college. Nagsundalo kasi kaming dalawa ni Japet. Yong iba iba ang kurso na kinuha. Nong magdesisyon akong umalis sa pagsusundalo sumunod si Japet sa akin at hinanap namin si James. And the rest is history."
"Matagal na pala kayo magkakakilala so kilalang kilala mo si Jenna?" Pasimple kong tanong. Ewan ko ba hindi talaga ako matahimik hanggang wala akong nalalaman tungkol kay Jenna.
"Si Jenna, siya talaga ang bestfriend ni Bossing apat sila nina Matthew nong elementary sila hanggang college. Siya nga ang naging dahilan kung bakit minsan ng nag-away yong tatlong lalaki."
Napa ayos ako ng tayo. "Bakit sila nag-away."
"Ah me rules kasi sila na walang pwedeng mainlove kay Jenna kasi nga bestfriend eh."
"So ibig sabihin merong nainlove sa kanilang tatlo kay Jenna?" Mahinang tanong ko. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang nainlove dahil kitang-kita naman sa tatlo kung sino ang mas concern ngayon sa kalagayan ni Jenna.
Heto na naman ang di maipaliwanag na sakit sa dibdib ko. Bakit ba ako nagseselos?
Gaano ba kaganda ang Jenna na yon. I'm sure maganda siya dahil maganda si Milka.
Teka nga pala, sabi ni Tyler tatlong lalaki. Sino yong isa?
"Wag mo na isipin yon Miss Ericka matagal na yon. Saka hindi naman si...."
"I'm home." Kapwa kami napatingin ni Tyler sa bagong dating na si Japet habang bitbit ang ibat-ibang klase ng prutas. "Hi Miss Ericka, ganda mo lalo."
"Pero hindi kasing ganda ni Jenna." Piping bulong ko. Tipid kong ngitian si Japet.
"Nasaan nga pala si Jenna." Muli kong tanong kay Tyler. Naramdaman siguro ni Japet na seryoso ang pinag-uusapan namin kaya lumapit siya sa stool sa counter at nagtimpla ng kape.
"Hawak siya ngayon ng Black Tiger."
"Yong kaaway ni James."
Sabay tumango ang dalawa.
"Paano siya napunta doon."
"Isang detective kasi si Jenna. Meron siyang nakuhang files na pinaka iingatan ng black mafia which is yong Dragon Mob."
"Eh bakit Black Tiger ang kumuha sa kanya?"
"Iyon na nga ng ipinagtataka namin eh. Sila lagi ang tumatayo sa gitna sa pagitan ng mga nag-aaway na organisasyon sa mundo ng mafia. It's either kaaway sila o kakampi. Ang hindi rin namin alam ay kung bakit nasa Black Tiger si Jenna ngayon."
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...