Naka-ilang ikot ako sa full body mirror na nasa harapan ko.
Napabuntong hininga ako. Bago muling sinulyapan ang kabuuan ko sa salamin.
Sobrang iksi ng suot kong short na halos makita na ang kuyukot ko. Maganda naman ang hubog ng katawan at ng legs ko. Isa ito sa kinaiinggit sa akin ng pinsan ko.
Kaya nga ako naglakas ng loob na mag audition para maging leading lady ni Marco dahil alam kung me ibubuga ako. Maganda din ang lapat ng fitted blouse sa katawan ko.
Pero hindi pa ako naka experience magsuot ng ganito maliban ngayon.
Kung si Marco sana ang makakasama ko. Kahit panty at bra papatusin ko.
Ang gusto ko ngayong gawin ay humiga sa kama at magtalukbong ng kumot.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.
Napa-irap ako at naisip kong si Collins yon.
Kumatok pa kunwari eh ni lock niya naman yon.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago lumapit sa pinto.
"Kaya ko to at sexy ako." Pagbukas ko ng pinto walang tao. Napasimangot ako.
Nagdesisyon akong lumabas ng silid at bumaba sa napakalaking staircase.
Habang pababa ako napalingon sa akin ang kambal.
Parang gusto kong magtago ng sikuhin ni Blake si Blaze.
Napanganga naman si Jack.
"Fuck. Who told you to wear that trash?"
Dumadagundong ang boses ni Collins habang pababa ako ng hagdan.
Nag-iinit ang pisnging inirapan ko siya.
Nakita kong bumunot siya ng baril bago pinaputukan ang tatlong lalaking nakanganga sa harapan ko.
Nagtatalon sa kakaiwas sa mga bala ang tatlong lalaki.
"Get your fucking eyes off my wife."
Ha?
Wife daw.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ba siya nagagalit.
"Woah sexy ni Miss Eri---------- waaaah bossing wala akong kasalanan." Itinaas ni Tyler ang kamay na tila sumusuko ng makitang may nakatutok sa kanyang baril.
Nakita ko siyang palabas ng kusina kasama sina Hunter at Miller pati na ang dalawang babae na ngayon ko lamang nakita.
Lumingon sa gawi ko si Collins. "Sinong may sabi sayo na ganyan ang isuot mong damit."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit may iba ba akong susuotin bukod dito at sa hinubad ko kanina. Matapos mo akong ipadukot diyan sa mga lalaking yan."
Kahit panay ang kabog ng dibdib ko at ramdam ko ay nagawa ko siyang pagtaasan ng kilay.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin. I mean san mo nakuha yang damit na yan?"
Humalikipkip ako. "D-don sa binigay mong p-paper b-bag. Don sa binili ni Tyler."
Itinutok ni Collins ang baril kay Tyler.
"Waaahhh, bossing. Teka mag eexplain ako sayo. Di ba ganyan naman ang mga suot ng mga babaeng naghahabol sayo saka kasi---------eh kasi......"
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
Ficción General"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...