"Ericka ikaw ba yan."
Napahagulgol ako ng pagbuksan ako ni Marian ng pinto. "Anong nangyari sayo?"
Umiiyak na napayakap ako sa kanya.
"Anong nangyari sayo? Teka halika nga muna."
Dali-dali niya akong pinapasok ng bahay nila. Saglit siyang nawala, pagbalik ay may dala siyang tuwalya at isang pares na damit at underwear.
"Magpalit ka muna ng damit mo." Tinuro niya sa akin ang cr at agad akong nagtungo doon.
Lihim akong nagpasalamat habang naglilinis ng katawan.
Sobrang hirap at kahihiyan ang inabot ko bago ako makarating dito sa bahay ng bestfriend ko.
Hindi lamang sampung beses akong nakiusap sa mga driver na makisakay ng libre. Hanggang makarating dito.
Mabuti na lamang at may naawa pa sa aking pasahero at inilibre ako ng pamasahe. Nahabag siguro sa itsura ko kaya nagkusang loob na silang tumulong.
Puno ako ng putik sa katawan dahil sa ilang beses kong pagkakadapa habang tumatakbo.
Labis na suklam ang nararamdaman ko kay Collins.
Kahit baligtarin man ang mundo hindi maikakailang ipinagpalit niya ako kay Jenna.
Agad kong pinalis ang luhang nagsisimula na namang lumaglag.
Hindi ko siya dapat iyakan.
After all mukhang wala rin namang katotohanan ang pagiging mag asawa namin ni Collins.
Tanging papel ang nag-uugnay sa aming dalawa na hindi ko alam kung valid ba dahil si Chad lamang naman ang gumawa non at pinirmahan lang naming dalawa ni Collins.
Nilinis kong mabuti ang aking katawan bago ako nagbihis at lumbas ng cr.
Naabutan ko si Marian na tila naghihintay sa paglabas ko.
"Magtitimpla ako ng kape? Gusto mo bang kumain?"
Umiling ako. Umalis siya muli at pagbalik ay inabutan ako ng kape.
"Since ayaw mo kumain, nagtimpla na lang ako ng kape."
"Okay na yan." Naupo ako sa lamesa at tinanggap ang kapeng iniabot niya. "Nasan pala ang parents mo?"
"Umalis sila kanina pa at namiesta sa kabilang bayan."
"Salamat nga pala ah. Pasensya ka na kung ikaw tong naabala ko."
"Sus okay lang iyon. Mabuti naman at ako ang naisipan mong lapitan. Teka nga muna. Maupo ka muna dito. Ano bang nangyari sayo? Nong huli kong punta sa inyo sabi ng Tiya mo nag asawa ka na daw."
"Benenta niya ako kay Collins sa halagang bente mil."
Nanlaki ang mata ni Marian. "Collins? Siya ba yong organizer na pinuntahan natin sa Manila."
Tumango ako. "Oo pero hindi talaga siya organizer."
"What eh ano siya?"
Napabuntong hininga ako at ikinuwento sa kanya ang nangyari. Nalukot ang mukha niya matapos ang aking kwento.
"Eh siraulo pala yong lalaki na yon eh. Palibhasa mayaman pinaglaruan ka."
"Hayaan mo na yon."
"Paano ka ngayon? Anong plano mo."
Akmang sasagutin ko si Marian ng makarinig kami ng katok mula sa labas. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda kaya seninyasan ko si Marian.
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...