Agad akong nagkulong sa silid na binigay sa akin ni Lola Mildred matapos kong umalis sa party.
Nagpupuyos ang loob ko sa galit kay Collins.
Matapos ang lahat ng nangyari ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng malandi.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto.
"Honey please mag-usap tayo."
Napasimangot ako.
Nagkakamali si Collins kung inaakala niyang kakausapin ko siya.
Tinungo ko ang cr at umihi. Naghilamos ako bago lumabas ng cr para matanggal ang makeup sa mukha ko. For sure di na ako makakabalik sa party sa baba.
Patuloy pa din sa pagkatok si Collins sa may pintuan pero wala akong pakialam. Wala naman kaming dapat pag-usapan.
Lumapit ako sa kama at prenteng nahiga.
Maya-maya ay biglang nawala ang katok. Napabuntong hininga ako.
Bahala siya sa buhay niya. Mas maigi pang matulog.
Wala pang limang minuto akong nakahiga ng biglang bumukas ang pinto. Kasunod nito si Nana na palagay kong siyang nagbigay ng duplicate ng susi. Na agad ding umalis.
I glared at him. "Problema mo?"
Imbes na sagutin ay tuloy-tuloy siyang pumasok at walang sabi-sabing binuhat ako.
Napasigaw ako sa gulat. "Ibaba mo ako. Ano bang problema mo?"
"Uuwi na tayo."
"Umuwi kang mag-isa mo. Pwede ba tigilan mo nga ako. Di mo na ako mauuto."
Nagpupumiglas ako sa pagkakabuhat niya.
"Ilang araw lang tayong di nagkita. Parang mas bumigat ka ngayon honey."
Inis na binatukan ko siya. "Ibaba mo nga ako. Di ako sasama sayo."
"At bakit? Para makipaglandian ka na naman kay Suarez." Tiim ang anyong tanong niya matapos akong ibaba
Naningkit ang mata ko ng lumapit sa kanya at sinipa ang gitnang bahagi ng hita niya.
"Fuck." He groan. "Honey ang sakit, baka di na tayo magka anak nito." Pulang-pulang wika niya habang sapo ang bahaging nasaktan.
"Di maigi mabaog ka ng bwisit ka." I cried. Akmang lalabas ako ng silid ng mahagip niya ako sa beywang.
"Ano tatakas ka na naman?" Hirap na tanong niya. "Look bakit ka ba kasi nagagalit? Saka bakit mo ako tinataguan?"
Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi mo alam? Matapos mo akong ilagay sa panganib magtatanong ka sakin kung bakit ako nagagalit? You choose your bestfriend instead your wife. Ano ang gusto mo, magtatalon ako sa tuwa? Saka ano bang pinaglalaban mo hindi naman totoo na kasal tayo."
"Ang plano namin magkunwari lang na ibibigay ka kay Christian kapalit ni Jenna."
"Ginawa mo akong pain para makuha mo ang bestfriend mo ungas." Tinulak ko siya sa dibdib. "Paano kung nabaril ako doon? Mapapalitan mo ba ang buhay ko?"
"Hindi." Seryosong sagot niya. "Pero pwede naman akong sumunod sayo."
"Wala pa akong planong mamatay demonyo ka. Bakit di ka mauna gusto mo na palang sumunod."
"Look honey just listen. Ginawa ko lang naman yon dahil alam ko na si Robert ang kukuha sayo. Tauhan ko siya sa Black Tiger kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong di ka niya pababayaan."
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
Ficción General"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...