"Mukhang puyat na puyat ka Miss Ericka."
Sinamaan ko ng tingin si Japet bago nag patuloy sa pagkain.
"Hindi ka ba nakatulog ng ayos?"
Tinapunan ko ng masamang titig si Collins.
At may ganang pa siyang magtanong.
Hindi ako sumagot at isinubo ko ng buo ang isang buong hotdog.
"Woah, talented." Bulalas ni Tyler ng makita ang ginawa ko.
Nahinto ang pangnguya ko ng marinig ang pagtawa ni Collins. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Tumikhim siya. "After you finish your meal get ready sasama ka sa akin sa office."
Inubos ko ang laman ng bibig ko bago nagsalita. "Ayoko, anong gagawin ko don?"
"Basta sasama ka. Saka alam ko naman na naiinip ka dito. "
"Di payagan mo na akong makauwi. Naiinip nga ako dito eh."
"Not gonna happen. Sasama ka sa office."
Iningusan ko siya. Bakit kasi kailangan niyang ipagpilitan ang gusto niya?
Matapos kumain ay naligo ako at nagbihis gaya ng bilin niya.
Pinili ko na lang muna sumunod at kapag nakakuha ako ng pagkakataon tatakasan ko siya.
"Hop in." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"Ayoko. Don ako kina Tyler sasabay." Turo ko ng mamataan ko si Tyler na pasakay ng isang van kasama ang kambal.
Nagsalubong ang kilay ni Collins. "Dito ka sasakay."
Magre reklamo sana ako ng makarinig ng kasa ng baril.
"Sabi ko nga sasakay na." Nagdadabog na pumasok ako.
"Bakit ba kailangang kasama mo pa ako."
"May meeting ang board members. I want you to meet them."
"Ha?? Eh....... bakit naman kailangan ko silang makilala."
"You're my wife remember."
Napatitig ako sa kanya habang nagdadrive.
Seryoso talaga siya na asawa niya ako. Pero kasi hindi naman kami eh.
"Alam mo Collins. Ahmmm gwapo ka naman gaya nga ng sabi ko. Ahmmm ano bakit kasi di ka na lang manligaw."
Namalikmata ba ako o talagang nakita ko siyang nakangiti.
"Manligaw ka ng ibang babae." Dugtong ko. "Kung gusto mo, ako pa ang hahanap ng babaeng magugustuhan mo," suggestion ko baka kasi alam nyo na matauhan.
Ku madali lang to ebenta ke Maricar mahilig sa gwapo yon eh.
"Bakit ba kasi ipinipilit mo ako sa iba. Ikaw nga yong gusto kong maging asawa."
"Eh hindi nga pwede. Kaka kilala pa lamang natin. Saka wala nga akong alam sayo. Ni hindi mo nga ako niligawan."
"Di liligawan kita."
Napanguso ako. "Hindi nga pwede di ba nga sabi ko sayo si Marco ang gusto ko."
Napatiim bagang siya at hindi na nagsalita kaya natahimik na din ako.
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...