James
"Hindi mo dapat tinatakot ng ganon ang asawa mo James. Ang baril itinututok sa kalaban hindi sa asawa."
Napakamot ako ng ulo habang nakikinig sa sermon ni Dad.
"Sana naman nakita mo ang takot sa mata ng asawa mo ng magpaputok ka ng baril sa harap niya. Nakita mo bang ginawa ko yon sa mom mo?"
"I'm sorry dad. Nagselos lang naman ako sa Marco na yon. Di hamak namang mas gwapo ako kesa sa tarantadong yon." Nag-init ang ulo ko ng maalala kung paano ngumiti si Ericka sa simpleng panonood sa teleserye ng ng lalaking yon.
Seriously sa dami ng lalaking magiging karibal ko sa kanya yon pang lalaki na yon na abot hanggang langit ang galit ko.
"Anyway, nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa lalaking yon."
"Nah. I'm not planning to tell her anything about that stupid asshole. Hindi na niya dapat pang malaman yon."
"Kahit sabihin mo oh hindi malalaman at malalaman niya din yon."
"No dad. Kapag naririnig ko pa nga lang sa bibig niya ang pangalan ng lalaking yon kumukulo na ng dugo ko. Hindi na namin dapat siyang pag-usapan pa."
Nakita ko siyang napailing.
"Anyway, nalaman mo na ba kung sino ang may hawak kay Jenna at san siya dinala ?"
"Black Tiger." Simpleng sabi ko. "Hindi ko pa nalalaman ang dahilan ng Black Tiger sa pakikisangkot sa away sa pagitan namin ng Dragon Mob. Iyon ang isa sa pinaiimbistigahan ko kay Robert. Habang ang grupo ni Matthew ang kumakalap ng impormasyon sa paghahanap sa files na nakuha ni Jenna."
"Bakit nakikialam ang Black Tiger sa kaso ni Jenna? Sigurado ka bang hawak nga nila siya."
"May tauhan ako dad sa Black Tiger. At kinumpirma niyang nasa kanila si Jenna. Pero hindi pa rin niya malaman kung nasaan si Jenna ngayon."
"Good sabihin mo lang son kung kailangan mo pa ng karagdagang tauhan."
"I know dad. Thank you."
Bumukas ang pinto at pumasok si Ericka kasama si Milka.
"Good morning po." Nakangiting bati niya kay dad na nginitian naman ni Dad. Lumingon siya sa akin. "Mukhang gusto maligo ni Milka sa dagat. Gusto mo bang sumama?"
Napasimangot ako. Gustuhin ko mang sumama. Hindi ko pa naman kayang maglakad ng malayo.
"Aalalayan ka na lang namin nina Tyler para hindi ka mahirapan."
Wala na akong nagawa ng ngitian niya ako. Mukhang pati siya excited na makarating sa tabing dagat.
*****
Ericka"Good morning babe san ang punta niyo,"
Lihim akong napasimangot ng bumulaga si Clerett habang nag reready kami para umalis.Pag minamalas ka naman talaga oh.
"Ah eh pupunta kami sa dagat. Alam mo na swimming." Si Tyler ang sumagot na lihim kong pinandilatan. Napangiwi naman siya ng mapagawi ang tingin sa akin.
Ilulunod ko to sa dagat eh.
Nagkunwari akong inaayos ang panligong pinahiram sa akin ni Lara.
"Pwede ba akong sumama? Matagal na kasi akong hindi nakakaligo sa dagat."
Napaismid ako. Sinong niluko mo? Taga rito sa isla tapos di nakakaligo sa dagat?
BINABASA MO ANG
Man in a Blue Jeans
General Fiction"Mayaman ka naman Mr Collins and definitely handsome. I'm sure m-maraming b-babae diyan na n-nagkakandarapa p-para mapansin mo. Marami k-ka naman-diyang mahahanap. Yong b-babaeng g-gugustuhing p-pakasalan ka." Napalunok ako after kong sabihin yon. ...