{ Yeye's POV }
"Yeye!!! Dalian mo naman maligo!!! Mala-late na tayo oh!" sabi ng mga kaibigan ko in unison. Pinagplanuhan talaga nila huh? Mga kaibigan ko talaga.
Ako nga pala si Yeye Marieru Hailey Gomez. Taga Z - University. May mga baliw na kaibigan at may crush kay Justin!
"Yeye kung hindi mo pa 'to bubuksan sisirain ko 'tong pinto!" sabi ni Momo. Waaah! Masisira ang kawawa kong pinto!
"Lalabas na po!" sabi ko at lumabas na. Pagkalabas ko tiningnan nila ako isa isa ng masama.
"Baka naman matunaw ako niyan no?"
"Langya ka Ye. Ang tagal mong maligo! Nagmimisa ka ba dun?" sabi ni Yannie. Ang pinakamaliit samin. Hihihi bulilit.
"Hindi Yannie. Nagda-daydream yan. Asa panaginip niya si Fafa Justin niya!" pangasar ni Teng.
Inasar naman nila akong lahat dahil dun. Si Teng talaga. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6:30 na. Inaya ko na silang umalis at sumunod naman agad. Linock ko muna yung pinto ng aking bahay at umalis na. Mayaman kami. Pero ako lang magisa sa bahay. Ang korni no? Yung maliit kong kapatid at ang mga parents ko ay nasa Switzerland. Business.
"Hoy Yeye! Kinakausap kita! Si Fafa Justin mo nanaman ba yan huh?" sabi ni Key habang tinatapik ang balikat ko.
"Hindi no! Tumigil nga kayo kaka 'Fafa Justin' niyo! Wag niyong asarin ang mahal ko! Hoy ikaw Key lalapit kita sa pusa eh."
"Hihihi sabi ko nga Ye iniisip mo ice cream eh!"
"Heh! Reregalo ko talaga sa birthday mo pusa."
"Ihhhh! Ayaw ko! Susumbong kita!"
"Kanino kay Chain? Awtsuuu! Hindi ka na pinapansin nun eh."
"Aish tumigil na nga kayo! Ang iingay niyo sakit sa tenga. Yeye, tigilan mo nga yang si Justin. As if naman mapansin ka nun. Wag kayong umasa sa wala. Wag nalang umasa kung alam mong walang pag asa. Mamaya masaktan pa kayo. Hay! Lika na nga mala-late pa tayo!" sabi ni Momo at nauna ng paglalakad. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at sabay sinabi, "BITTER!"
Si Justin kasi isang varsity player sa school namin. Heartthrob siya. Parehas sila nung crush ni Key na si Chain. Bagay nga sila eh! KeyChain! Pero sa kasamaang palad, hindi kami napapansin. Sino ba naman papansin samin diba? Nobody kami, Somebody sila. Gets niyo ba? Intindihin niyo nalang.
Oo mayaman kaming magkakaibigan pero hindi naman binibigyan pansin. Hindi kagaya ng grupo nila Justin na sikat at kilalang kilala. Atsaka pag pinatulan namin sila mailalagay kami sa School Bulletin. Astig no? Lahat ng mangyayari sa studyante malalagay dun. Tsaka mamaya pag ginawa namin yun ayaw pa ang mahntungan namin sa grupo nila Rissa.
"Yeye, Meigh, una na kami huh? Hindi namin kayo kaklase eh! Byee!" sabi nila Yannie at umalis na.
College na kami. 2nd year. Siyempre iba iba ang course na kinuha namin.
Ako at si Meigh, Computer Science.
Si Yannie at Momo naman Civil Engineering.
Si Teng at Joiz ay Nursing naman.
Si Isabel at Jelly Accounting.
Si Key at Shey naman Business.
Buti nga may kasama pa kami eh! Hahahaha atleast hindi loner. Si Justine hindi ko alam ang course eh. Sana ComSci rin. Magkakaiba kaming building kaya ayun. Pumunta muna kami ni Meigh sa school grounds kasi maraming stalls ng pagkain dun. Food lover kami ni Meigh kaya nagkakasundo kami minsan sa pagkain ^___^