Chapter 2 : Teng

92 4 0
                                    

{ Teng's POV }

Hi! Ako si Nicolette Teng Reyes! Nicolette kasi Makulet :) Hahaha peace. My friends call me Teng while the others, ewan ko.

Anong ginagawa ko? Eto naglalakad palabas ng campus. Sabi ni Kuya susunduin niya ako. Opo may Kuya po ako ^____^ Poging pogi!

Si Kuya Kristan Sain Reyes. Kuya Tan for short.

Ako ay kasalukuyang naka tambay sa Tambayan namin. O diba may tambayan kami?

Andito akooooo! Basang basa sa ulaaaan! Walang masisilungaaaan! hahaha ang lakas ng trip ko.

They don't know about the things we do.

They don't know the i love you's ~

Teka lang po may nagtext! Galing kay Vice Ganda! Hindi joke XD

Galing kay Kuya Tan. Sabi niya hindi na muna niya ako masusundo T___T

Pero ok lang. Makakapag gala ako. Wahahaha!

Tumayo na ako at pumara ng taxi. "Kuya sa mall lang po."

"Sige po ma'am." at nagdrive na si Kuya Driver. Wala lang puro katahimikan. Ng biglang tumunog ang favorite kong kanta sa radio. Pero hindi ako kumanta kasi nakakahiya.

"Hmmmm..." paghuhum ko pero hanggang dun muna ako.

Binayaran ko na si Kuya Driver at pumasok na sa mall. Nagpacheck muna ako ng bag para sigurado.

3pm na. Hindi pa ako kumakain kaya nagpasya muna ako pumunta sa McDo. Ang favorite namin ni Kuya.

Pagpasok ko, punong puno na ng tao. Doon nalang siguro ako sa maliit na stall ng McDo. Yun itatake out mo nalang.

"Hi Ma'am Welcome to McDo. Ano po order niyo?"

"Isang double cheese burger then McFloat. Large." sabi ko at inulit nung isang crew yung order ko. Ginawa na nila ang order ko at lumabas na ako.

Pumunta ako sa staircase nung mall. Kasi duon pwede kumain.

Umupo na ako at kinain ang McDo ko.

*SPLASH!*

Hala! Natapon ang Coke float ko! Nasipa nung dumaan! Bwiseet!

"Hoy! Tinapon mo yung coke float ko!" sigaw ko at humarap ulet sakin yung nakatapon. Takte! Ang pogi.

"So?"

"Anong so? Bayaran mo yun!"

"Eh sino bang tanga tanga na kakain diyan? Excuse me miss. Dumaan lang ako." napikon ako kaya tumayo ako at hinarap siya.

"Sinong tanga huh? Ako ba? Excuse me mister! Kumakain ako dito kasi wala ng upuan sa McDo! Kaya sorry pooo!" sabi ko habang tinutusok ang dibdib niya. Napansin ko na taga Z - University siya.

"Teka, taga Z - University ka?" tanong ko sakanya at napatingala. Ang tangkad niya kasi sakin.

"Oo. Bakit?" sabi niya at palihim kong kinuha ang ID niya. Kala niya huh!

"Taga dun rin ako eh. Ahh wag mo ng bayaran at palitan yung coke float ko hehehe Bye!"sabi ko at sabay wave at tumalikod na. Pagkatalikod ko bigla nalang akong napatawa ng palihim.

Kinuha ko na yung cheese burger ko at umalis na. Pumunta akong sa CD Store ng mall. Inubos ko muna yung pagkain ko kasi bawal pagkain sa loob.

At bigla nalang tumugtog ang alam kong kanta.

"There's no way I can make it without you, do it without you, be here without you!

It's no fun when you're doing the solo! With you is like woah! Yeah yeah yeah yeah!

And Iiiiiii'm extreme. Cause Iiiiiii got you with me!

There's no way I can make it without you, do it without you, be here without you!

Be here without you! ~" sabay ko sa pagkanta with matching pagsayaw pa. Gustong gusto ko talaga yan kanta na yan kaya walang eepal!

"Hoy mukha kang tanga diyan. Nakadrugs ka ba?" sabi ni... KUYA TAPON?

"KUYA TAPON? Bakit ka andito? Stalker kita no?"

"Stalker? Saws. Kala mo naman maganda ka. Tsaka anong 'Kuya Tapon' ? Lakas trip lang?"

"Excuse me! Maganda talaga ako."

"Ewan ko sayo Nicolette!"

Nicolette? Pano niya nalaman pangalan ko?

"HAH! Stalker talaga kita! Alam mo pangalan ko eh!"

"Bawal bang kaklase kita kaya kilala kita? Pinagiisip mo."

"Excuse me, ma'am, sir? Mag aaway ho ba kayo? Sa labas nalang po kayo." sabi ni Manong guard at umalis na KAMI ng sabay.

"Alis na ako, bye." sabi ko at umalis na talaga. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa boom karakaraka! Umuwi na ako sa bahay.

Naalala ko yung sinabi niya. Magkaklase pala kami. Coincidence.

*****

Teng on the side :D

Myeong (on-hold)Where stories live. Discover now