Chapter 4 : Yannie

117 2 0
                                    

{ Yannie's POV }

Hi! I'm Nate Yanniena Zamora 16 years old. Studying at Z - University, College. Oo ako pinakamaliit sa amin, maganda naman ;)

Nandito kami ngayong magkakaibigan sa bahay namin. Opo may sarili po kaming bahay na magkakaibigan. Pero minsan nandun kami sa bahay ng mga parents namin. Minsan lang naman, napapadalas lang talaga kaming nandito.

Kumakain kami ngayon. Sino nagluto? Si Joiz, siya ang nagluto. At ang pagkain namin ngayon ay sashimi, sushi, ramen! Korean Food muna kami. Ayaw nga ni Momo eh kasi Half Japanese siya, pinilit lang namin si Momo na kumain ng korean food, pumayag naman siya at nagustuhan din niya :)

Half Korean kami, si Momo naman ay Half Japanese. Ang mga nanay namin ay koreana at ang tatay namin ay filipino. Si Momo naman, Nanay niya ay Japanese, tatay niya naman ay Filipino. Magkakaibigan ang mga Nanay namin (kasama ang nanay ni Momo) Umibig sila ng Filipino kaya ayun!

Nagulat kami nung nalaman namin na yung mga nanay namin ay magkakaibigan eh. Last last last year di ko pa kilala sila Momo, Teng, Key, Joiz, Jelly, Isabel at Shey. Sila Yeye, at Meigh ang mga kaibigan ko noon. Nagkakilala lang kaming sampu nung nag-reunion ang mga nanay namin dito sa Pilipinas. Sinama kami ng mga nanay namin, para daw makilala namin ang isa't-isa.

"Guys! Movie Marathon tayo pagtapos kumain!!!!" Sabi ni Yeye. Bored na rin siguro 'to. 6weeks ago nang matapos magawa 'tong bahay eh, kaya wala pang masyadong magawa o magamit. Oo kami ang nagpagawa ng bahay na 'to.

"Sige ba! Nice Idea!" Sabi naman  ni Meigh.

"Hoy Meigh! Di ka makakaligtas sa akin! I-chichicka ko yung lovelife mo! Bwahahahaha!" Sabi ni Yeye.

"ANO? LOVELIFE?" Sabi naming lahat na gulat na gulat (except kay Meigh at Yeye.)

"Yep. Lovelife! Wahahaha!" Sabi ni Yeye

"Tumahimik ka!" Sabi ni Meigh

"No way! Alam niyo ba, kanina nung pumasok siya sa classroom, kasama niya si Daryl ka-holding hands niya! Mwahahaha!" Malakas na pagsabi ni Yeye. Baliw talaga tsk tsk.

"Ano ka-holding hands? Si Daryl? Yung kasama sa grupong Zprinces?!" Gulat na tanong ni Shey. Teka, Z10? Lagot! Baka malagay yun sa School Bulletin bukas!

"Wag nga kayong maniwala diyan kay Yeye, nananaginip lang 'yan kanina!" Sabi ni Meigh.

"Sige! Deny pa! Push mo 'yan!" Sabi naman ni Yeye.

"Mamaya na nga kayong magbangayan diyan. Ligpit muna natin 'tong pinagkainan natin at hugasan na natin!" Ma-ototridad na utos ni Joiz. Utos.Utos.Utos mwahahaha xD

Niligpit na namin yung pinagka-inan namin at hinugasan na iyon

"Tara guys, movie marathon na tayo!" yaya ni Teng

"Tara!" Sigaw ni Key. "Horror Movies panoorin natin ah." Dugtong ni Key.

"Sige." Sabi ni Jelly

"Yung may pusa! Tas manggulat yung pusa! Tas kulay itim! Mas nakakatakot yun, Key!" Sabi ni Yeye kay Key.

"Eeh! Naka-shabu ka nanaman!" Sabi ni Key.

"Push mo 'yan, Key!"

Nandito kami sa loob ng kwarto ni Jelly. Tv niya gagamitin namin. May sari-sarili kaming tv at kwarto dito sa bahay namin sama na yung aircon tas may dalawa pang electricfan sa bawat kwarto namin. Resulta? Antartica! Nagye-yelo na yung kwarto namin sa lamig!

Myeong (on-hold)Where stories live. Discover now