Chapter 3 : Meigh

101 3 0
                                    

{ Meigh's POV }

Hallu! I'm Meigh Pamchi Montereal, 16 years of age studying at Z - University, College. Maganda, maiksi ang buhok, at mahal ko ang mga kaibigan ko. Oh diba, bongga?

Sa ngayon, wala akong crush, wala rin akong Boyfriend. At wala rin akong balak na mag-boyfriend. Naniniwala ako sa kasabihang 'No Boyfriend No Problem' oh diba, goodgirl?

Katabi ko ngayon si Yeye dito sa loob ng classroom. Diba nga magka-klase kami? Iba-iba rin ang timezone dito sa Univ. na 'to, ewan ko ba. At Recess nila Jelly ngayon.

"Meigh, sino iniisip mo? Tahimik mo." Sabi ni Yeye.

"Anong sino? Wala akong iniisip." sabi ko

"Weee? Eh bat parang lutang ka diyan? Kanina ka pa kaya tinatawag ni Prof. bwahahaha!"

Huwaaaaat? Tumingin naman ako kay Sir Montano. Nakataas ang kilay at ang sama ng tingin sa'kin. Kasing taas na ng Mt. Apo ang kilay niya. Shit. Galit na. And yes, he's gay tch.

"Why are you not listening Ms. Montereal?" Sabi ni Mr. Montano na halatang nagagalit na.

"Ah...eh"

"STAND UP! AND GET OUT!" Sigaw ni Mr. Montano. Wow, ano kami highschool?

"Meigh." Tawag ni Yeye na pabulong.

"Ok. If that's what you want tss." Lumabas na ako sa classroom na yun. Feel ko pag time ni Mr. Montano, nagiging hell yung classroom. Ako lagi pinag-iinitan ng baklang prof. na yun ako lagi napapansin haaaay.

Ahh. Baka na-iinsecure lang siya sa'kin kasi mas maganda ako sa'kanya. Bwahahaha! And I don't care kung napalabas ako sa time niya, mas mainam nga yun eh para di ko nakikita yung kilay niya na nakataas pag pinagagalitan ako at pag nakatingin sa'kin.

"Oh, Meigh, bat nasa labas ka? Diba class time niyo ngayon?" Napalingon naman ako dun sa nagsalita. Si Jelly pala kasama si Isabel.

"Napag-initan nanaman ako ng baklang prof. na yun. Napalabas ako."

"And what's the reason? Natutulog ka nanaman ba sa time niya?" Tanong ni Isabel

"Nope. Lutang lang naman."

"Ah kaya naman pala. Eh bakit?" Sabi ni Jelly.

"Di ko nga alam eh. Iniisip ko lang na wala akong balak mag boyfriend. hahahaha!"

"Baliw hahaha. O siya, maya na lang ulit, male-late na kami sa next class namin eh. Bye!" Paalam ni Isabel, atsaka umalis na.

Myeong (on-hold)Where stories live. Discover now