Chapter 6 : Shey

71 2 0
                                    

{ Shey's POV }

Yo. Shey Heir Torres is the name. Hihihi peace! So yun nga. Ako si Shey. Ang pinakamaganda sakanila, mwahaha!

Eto kami ngayon. Naglalakad. Malapit lang naman yung school sa village namin. Sayang pa yung gas kung magkokotse pa kami.

"Momo, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Isabel. Pero si Momo parang wala talagang naririnig. May problema ba 'to?

"Momo, may problema ka ba?" ako naman ang nagtanong. Tumingin siya saakin at ngumiti ng konti. Umiling siya at naglakad na pauna.

Nagulat ako. Kami pala. Except kay Teng. Ngayon lang namin ulit nakita si Momo na ngumiti.

Naka shabu ba yun?!

"Hindi naka shabu si Momo. Iba mood niya ngayon kaya hayaan niyo nalang." sagot ni Teng. Teka mind reader ba 'to?! "Hindi rin ako mind reader. Halata lang sa mga mukha niyo na sinasabi na Naka shabu ba si Momo."

"May mga alam ka ba na hindi namin alam tungkol kay Momo?" tanong ni Joiz. Huminga siya ng malalim at ngumiti. "You'll know soon. If she's ready." at umalis na si Teng.

Eto. Naiwan kaming naguguluhan. Ano ba yon?!

*****

Naglalakad ako mag isa dito sa corridor ng building namin. Hindi ko kasama si Key kasi kasama niya si Chain ba yon? Oo, yun nga. Yung super duper crush niya daw. Buti sila may lovelife. Eh akech? Waleeey!

"Miss Torres. Hindi na si Lea ang kapartner mo. Si Deniel nalang." sabi nung professor na nakasalubong ko na may kasama sa likod.

"What? At bakit naman?"

"Kasi ikaw ang sinuggest ni Lea. Pinaiiyak kasi netong ni Deniel yung kapartner niya."

"Na babae?"

"No. A boy. So sana magkasundo kayo. Yun lang." at umalis na. Aba'y bastos.

"Ikaw si Shey?"

"Hindi. Ako si Tae."

"Hahaha. Ako pala si Deniel Tom Sevilla."

"And so?"

"Wala ka bang manners? Magpakilala ka kaya!"

"Ako si Tae tae tae. Nice meeting you."

Sumeryoso ang mukha niya at sinabi, "I'm not joking."

"Me too." sagot ko at ngumiti tapos umalis na.

"Bastos na babae." bulong niya pero narinig ko parin. I smiled secretly.

Nagpunta ako sa school grounds at umupo sa grass. "Bakit ka andito? Diba dapat asa klase ka or what? Yan na ba tinuturo sainyo? Ano ba?"

"Yeah. I'm bored. Eh ikaw Momo?"

"Lunch namin. Sa tingin mo magcucutting ako kagaya mo? Oh please Shey."

"Alam kong hindi mo yun gagawin no. Hehe." sabi ko at sabay kamot ng ulo. Umupo si Momo sa tabi ko at pinaglaruan ang mga damo.

"I was a weak grass before.." sabi niya at hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Weak? Siya? Di nga? Di ko gets! Pa iba iba mood niya huh.

"Di mo siguro gets ano?" umiling ako sa tanong niya.

"Ang meaning non, mahinang damo lang ako dati. Yung alam mo na. Uto uto. Iyak ng iyak sa mababaw na dahilan? Yung ganon."

Myeong (on-hold)Where stories live. Discover now