The Story of Us

88 2 0
                                    

PROLOGUE

I use to think one day, id tell the story of us

how we met and the sparks flew instantly

people would say their the lucky ones~~♪

"Sky tara na! Late na tayooo!"

Sigaw ni Nicole sakin sa front door. Kasi naman, it's Sunday! And it's a visit-the-seniors-day. You heard it right. Napunta kami ni Nicole sa foundation ng family niya, rather, family namin to visit the retirees of their company.

Ako nga pala si Sky. Sky Albert Bermundo. Ang long-time bestfriend ni Nicole Ann Santiago. Oo, best friend lang ako. Nyemas.

"Eto na! Bakit ka ba masyadong excited? Tch."

"Eh kasi itutuloy na ni Lolo Jose yung kwento niya sakin! Weeee ^__^"

"=____=" Para talaga siyang bata. Well, bata pa naman talaga kami. 13 years old lang ako, siya naman 15 years old. Mas matanda siya sakin pero mas isip bata siya.

"Mom!!" sigaw ni Nicole. Napakagaso niya palagi =___=

"Hija stop running! Baka madapa ka na naman e.."

"Hehe sorry po Mom! ^__^"

Then pumasok na siya sa loob ng van. Ako naman umupo na lang ng tahimik at sinalpak ang earphones ko. Magke-kwento na naman panigurado si Nicole sa Mommy niya tungkol sa school. Di ba siya nagsasawa? Psh.

Every weekends lang kasi sila nagkakasama ng parents niya. Kaya ganiyan talaga siya every weekends.

"Opo Mom! Tapos nung pinasa ko na kay teacher yung gawa ko sinabihan niya ko ng 'Very good Nicole!' kase nilagyan ko ng ribbon yung gawa ko! Sabi ko nga kay Sky lagyan din niya ng ribbon yung kaniya e kaso ayaw niya!" sabay nag-pout siya sa Mom niya at tumingin sakin ng masama.

Nilakasan ko na lang yung volume ng pinapakinggan ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit magkaklase kami, Grade 10 na kasi siya. Ako? Accelerated ako. Bakit? Para lang magkaklase kami, ng magkasama kami palagi =___=

By the way, ang family nila ay may-ari ng malaking company ng mga food and drugs. Isang Chemist at Engineer ang mga magulang ni Nicole. Nakakatuwa sila kase they care for their employees. Kaya nga every week ay napunta kami sa foundation nila para bumisita sa mga trabahador nila noon na sa kanila na tumanda. Kompleto benipisyo dun. Kaya masaya silang lahat.

"Andito na tayo! Weeee!" sigaw ni Nicole sabay takbo papasok ng foundation.

"Hija stop running!" Napa-sigh na lang yung Mom niya. Si Tita Alison. Buti nga napaka-patient niya sa anak niya e. Only child kase. Yung dad naman ni Nicole nasa plantation nila. Every other sunday napunta dito yung dad ni Nicole. Salitan sila ng mom niya.

Yung parents ko? Busy. Pharmacist si mom habang si dad naman ay Chemist din. Nagtatrabaho si dad sa company nila Nicole. I think investors din kami sa company nila. Ewan ko, ayaw kasi nila na nakikialam kami sa business. Bata pa daw kami. I-enjoy daw muna namin yung kabataan namin.

Pagpasok namin sa loob, nakita ko agad si Nicole na nakaupo sa sahig at nakapalumbaba habang titig na titig at ngiting ngiti kay Lolo Jose. Hindi ko alam yung kwento ni Lolo Jose. Kase pag nandito ako natulong ako sa garden at pagluluto. Hilig ko yun e. Nagkakaron kasi ako ng peace of mind pag ginagawa ko yun.

Si Nicole naman ang hilig makinig sa mga untold stories ng mga lolo at lola dito. Ewan ko ba kung bakit hindi siya nagsasawa. Paulit ulit lang kaya.

Dumeretso na ko sa kitchen. Since almost 11am na. Im sure maguumpisa na silang magluto.

"Hijo! Halika, tulungan mo kong maghiwa dito."

Si Manang Perla, siya yung namamahala dito. Taga asikaso ng mga matatanda na nandito sa foundation. Hindi naman kasi marami yung mga nandito, mga nasa 15 lang sila. Kase yung iba kinuha na ng mga kamag-anak nila. Yung iba naman namatay na. Sana nasa mabuting kalagayan sila..

Nang matapos kaming magluto, este siya lang pala. Naghain na kami at niyaya na ang lahat upang kumain. Nagsidatingan ang lahat at nag-share ng kani-kanilang kwento.

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon