Part 1

1.2K 16 0
                                    

CARL HALIL ABIE DALAL "CHAD" KRISHNAN . Oo hindi ka ngkakamali, pangalan ko yan. sabi ng nanay ko may meaning daw ang bawat pangalan, hindi na ako nag abala png isearch sa internet yan, basta ang alam ko nahirapan akong magsulat ng pangalan ko nung grade one ako. Sa haba ba naman nyang pangalan na yan.

kahit nga nung highschool , pag may biglaang quiz at nagpakuha ng "wamport" si mam lagi akong lugi, kasi yung mga klasmeyts ko nagsasagot na ako nagsusulat parin ng pangalan.

Ipapakilala ko ang sarili ko.

Ako si CHAD KRISHNAN <maiintindihan nyo naman siguro kung hindi ko na bubuohin yung sulat sa pangalan ko.> Bunso at only boy sa dalawang magkapatid, 1/2 Filipino 1/4 Indian 1/4 American ako.

Ang nanay ko ay pilipina at Indian American naman ang tatay ko. Alam nyo na siguro kung ano ang bunga ng isang Pinoy at Indian idagdag mo pa ang American.

GWAPO AKO sabi nila <ayaw kong magbuhat ng sariling bangko> walang bahid ng pagkapinoy maliban na sa pananalita ko. Kayo na bahalang mag-imagine, Ako ang maputing version ng mga Indians.

Ngayon pa lang ako malalayo sa mga magulang ko, hawak ko sa ngayon ang lahat.

Welcome to the new chapter of your life. Bago na ang lahat ng makikita at makakasalamuha. Ibang iba sa nakagawian mo, eto yung Gasgas na gasgas g sinasabi sa mga kabataan na tulad ko, ano ba ang meron sa University? lalo pa ngayon na mararanasan ko na ang BUHAY BOARDING HOUSE.

Anak ng patola! mukhang ito na nga. yohoooooo ! College pinasasabik mo ako.

CHAD : IRRESISTIBLE (ON-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon