"Hi can you be my textmate?"umagang umaga iyon ang na recieve ni Yannah.Sino na naman to?Hay naku mabenta talaga ang number ko no?Sino na naman kayang magaling kong kaibigan ang nagmalasakit na magka lovelife ako uli through text?Sabagay sa tuwing may textmate ako doon ko lang maramdaman na maganda ako na espesyal ako.Kesyo maganda ang boses ko maganda na daw ako.Bolahin nyong aso namin.Eto?di rin to magtatagal lalo pa't sasabihin kong madaming bawal sa akin lalo na ang mkipag meet.susuko din to gaya ng iba. Okay makareply nga."
"Sinong lapastangan ang nagbigay ng number ko sayo?"ang nainis na turan ni Yannah.
"Ay miss wag naman sanang magalit gusto ko lang naman makipag kaibigan."sagot nito
"Paano ka nakakasigurong babae ako?"pataray pa ring sagot ni Yannah.
"Yun kasi sabi ni Farrah nong nanghingi ako ng ka textmate sa kanya."Pag amin nito.
Ang bruhang to lagot to sa akin kesyo alam niyang broken hearted na naman ako sa taong di naman ako pinapansin ayon pinagtripan pa talaga ako pwede mag move on muna?
"Hi andiyan ka pa ba?sige kung ayaw mo di ko nalang din ipipilit ang sarili ko."halata namang nangungunsensya ito.
"Pakikipagkaibigan ba ka mo?alright madali lang naman akong kausap pero siguraduhin mong kaibigan lang ha?"kahit alam naman ni Yannah na more than friends naman ang gusto nito its impossible na hanggang pakikipag kaibigan lang, what are boys!!!generalize na tuloy niya lahat ng boys.
"Maraming salamat pero umaasa pa rin ako na magbago ang isip mo."
"Sabi ko na nga ba!"
"Eh miss wala pa naman akong sinabi ah."
"Wala nga pero halata yong point mo.Basta kung ayaw mong hanggang friend mabuti pa ngayon pa lang stop texting me okay?"ilang minuto ang nakalipas wala na nga siyang natanggap na reply." Buti nga madali naman palang kausap.
Dial Farrah's number....
"Hello girl?uie kumusta?nagtext na ba siya sayo?"sira nga talaga ang babaeng ito at mukhang excited pa.
"Bruha bakit mo binigay ang number ko?"
"Para ngumiti ka muli alam ko kasi nangyari sa inyo ni Zack I mean yong di neadma ka lang daw niya after he knows your feeling kapal din no?porke't sikat sa school ganun nalang siya sa mga nagkakagusto sa kanya."mahabang paluliwanag nito.
"Okay thanks sa concern expected ko naman yon eh kailan ba ako nagka boyfriend ng gwapo? Na sikat sa school? Eh yong mga pumapansin lang yata sa akin yung mga tambay sa kanto o di kaya'y yong di ko naman gusto o di naman kaya mga ka textmate ko na sanay din sa bolahan.Pangit kasi ako eh tsaka chubby."panlalait nito sa sarili.
"Hoy girl ano ba yang pinagsasabi mo ha ang busilak kaya ng puso mo."pagtatanggol nito.
"Yon na nga eh busilak ang puso ko di naman nila nakikita yon.Ang palagi nilang nakikita yong panlabas na kaanyuan lang. So malabo talaga ako doon.Naawa tuloy si Farrah sa kaibigan niya.
"Okay lang yan girl darating din si Mr.Right malay mo itong si Aljur na ang sagot sa dasal mo."
"So Aljur pala name nun?"
"Yup dito kasi ako nag ojt sa company nila dito ko siya nakilala alam mo yong taong may sense of humor.Tapos super friendly pa akala nga namin bakla kasi mga babae halos kaibigan nya pero hindi naman daw sadyang palakaibigan lang siya."Naintriga tuloy si Yannah sa narinig niya check na check yun sa listahan ng kanyang ideal man may sense of humor.
"Mabait ba yan girl?"
"Palagay ko mabait naman kasi nong first day namin dito he really accommodate us."
"Bakit di siya nagka girl friend? Ah siguro hindi siya gwapo no?"ani Yannah.
"Aanhin mo ang gwapo girl kung sinasaktan ka naman."sabagay may point naman si Farrah
Siguro nga kung ugali lang ang unang nakikita matagal ko na sanang pinaniniwalaan ang "Forever".
"Hoy girl natahimik ka ata?ano go ka sa kanya?"
"By the way ano nga palang work nya diyan?"pagtatanong nito
"For more details ask him...bye."sabay off sa cellphone nito.
"Huh binabaan ako? Teka may something to ah ...dont tell me.... o.m.g."sa naisip palang niya mukhang di yata ito pasok sa standard niya.Oo kahit paano naman may standard din ako para naman kahit matagal siyang dumating sulit naman.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...