Hi there!please include my story "Forever is Possible"in your wattpad list and dont forget to like,vote and comment.THANK YOU SO MUCH ang tagumpay ko ay alay ko sa inyo.
Godbless...
ALJIANDREI💞Natuto na ako that is why last na to....
Hay naku ang daming gagawin,lesson plan series of class demonstration may exam pa.Sige ako na nga ang busy.Future teacher Yannah.Next semester practice teaching ko na tapos sa March yahoo ga-graduate na ako.Nakangiting sambit ni Yannah this is her way in motivating herself kaysa mag isip siya ng negative focus on positive.
Parang love lang yan kung hindi nagtagumpay sa unang pag ibig eh di mag move on,ika nga right love at the right time.And speaking of love si Zack dadaan ata dito.Heartbeat check....aba di na affected ha at kung kailan di na affected saka pa ngumiti at nag hi.Eh di gumanti ako.Ako naman ang di pumapansin.hahahaha.
"Ang mahiwagang mensahe".....epal tong message tone na to ha.Maka doraemon eh.sino ba tong nag text?
"Hi kumusta na?sorry ngayon lang naka text uli alam mo na maubusan din ng load."
If I'm not mistaken ito yong textmate na binigay ni Farrah.Makareply na nga..akala ko ba di na niya itutuloy ang pakikipag kaibigan sa akin?just for fun lang di ko naman seseryusohin.Natuto na ako last na to.
"Hello its okay di naman ako nag hintay eh na shock nga ako nag text ka pa binusted na kita eh."Pamimilosopo ni Yannah.
"Grabe naman to di pa nga ako nanligaw busted agad?"reply nito.
"Pero aminin manliligaw ka talaga?"ewan ba ni Yannah parang ang sarap asarin ng mokong to.
"Depende...."sagit naman nito
Kapal nito ha nagmukha pa akong assuming.
"Ay sorry ha nagmukha pa tuloy akong assuming but anyway kahit na manligaw ka di naman talaga kita sasagutin."walang ka gatol gatol na sabi ni Yannah.
"Huh,bakit naman?mabait naman ako katunayan nga ako pa ang madalas iniwan yong kahit ibinigay mo na lahat iiwan ka pa rin pala."Pag amin nito.Biglang nawalan ng sasabihin si Yannah tila hinahaplos ang puso nya sa awa. Para rin palang magka pareho sila yung handa naman sanang magmahal ng totoo kaya lang di naman pinapahalagahan.Pero malay ba niya nagpapaawa lang to para makuha ang gusto.Di siya dapat nagpapadala dapat wais na siya.
"By the way ano nga palang pangalan mo?"ang naisip nalang na itanong ni Yannah.
"Aljur nice to meet you Yannah."di na nagtaka si Yannah alam niyang sinabi na ito ni Farrah.
"Same here."maya-maya nag ring ang cellphone ni Yannah at si Aljur nga ang tumatawag.Bigla siyang kinabahan ng di niya mawari sanay naman sana siya sa ganito kasi nakailang textmate na siya di nga lang sila nagkikita malay ba niya rapist yon naku paano na ang kanyang mga pangarap.
"H...hello."medyo nauutal pa siya.
"Hi uli Yannah for sure maganda ka talaga."ani Aljur.
"Hindi ah chubby ako saka pangit."
"Grabe siya oh kung makalait sa sarili wagas kawangis tayo ng Panginoon kaya walang pangit di ba?"
"By saying that gwapo ka talaga?"tanong ni Yannah.
"May busilak na kalooban yung hindi nanakit lalo na sa babae.Bakit ano ba ang mas mahalaga sayo ang panlabas o panloob na kaanyuan?"tanong nito kay Yannah.
"According to my ideal man list I really need to have both kasi di na nga ako kagandahan mamimili pa ako ng kagaya ko ano na ang maging supling namin."Pag amin ni Yannah.
"Ganun ba so ayaw mo talaga sa akin?"Si Aljur uli.
"Aba'y di pa nga kita nakita gusto agad?"si Yannah naman.
"Problema ba yon?eh di magkita tayo."
"Ang problema nga pinagbawalan ako ng parents ko na makipagkita lalo na sa mga taong stranger.
"I know in myself na mabuti ang hangarin ko pero kung may alinlangan ka pupuntahan kita sa inyo."
"A-ano?naku huwag kabilin bilinan ng mga magulang ko gagraduate muna bago mag boyfriend."
"Teka lang hindi pa naman ako manliligaw makipag meet palang naman."
"Basta hindi maniniwala sila mama kung gusto mo talaga isama ko nalang si Farrah para sure."
"Okay ayos yon.Itext mo lang ako kung kailan ka handa ha maghihintay lang naman ako."
"Okay I'll just text you."siyanga pala I ask Farrah about your work but she said I just ask you."
"Security guard ako dito tapos every Saturay nag aaral ako para matapos ko yong high school."anito, natigilan si Yannah di naman sa minamaliit niya ang trabaho nito kung tutuusin marangal nga eh tsaka may motto din naman sila."No ID No entry."napangiti pa siya sa naisip niya pero kung saka sakaling maging boyfriend niya ito for sure aayawan nila ito para sa kanya.At sasabihin noon teacher din dapat ang mapapangasawa niya.
"Hello andiyan ka pa ba?"untag ni Aljur sa kanya.
"Yes I'm still here sige itetext nalang kita kung kailan tayo magkita."
"Okay salamat.Sige baka masyado na kitang naestorbo byebye."Nagbye na rin si Yannah at pinindot na niyo ang end of call.
Nang matapos ang kanilang pag uusap tamang tama nag bell para sa susunod na klase.Nadatnan niya si Laiza ngunit di nalang muna siya nagkwento tungkol sa bagong kakilala.
..............Kinagabihan..tinamad na siyang mag aral kaya nag facebook siya sandali gamit ang mobile data kaunting notification lang kaya ini off nalang din niya ito.Bigla niyang naisip na itext si Farrah.
"Girl gising ka pa?"Mayamaya pa nagreply din ito.
"Di pa naman kumusta nga pala kayo ni Aljur?"
"Makipagmeet daw siya sa akin pero siyempre natakot akong mag isa kaya naisipan naming isama ka kasi ikaw naman ang may pakana nito eh."kunwari paninisi nito sa kaibigan.
"Hehehe sure basta libre nyo ako ha."Naimagine na niya abot tainga ang ngiti nito.
"Eh di sabihin mo doon sa Aljur na yon sabagay may trabaho naman siya SECURITY GUARD."capslock pa talaga ang security guard.
"Uie marangal na trabaho yan."pagtatanggol ni Farrah dito.
"Wala naman akong sinabi ah.Ang sabi ko lang siya dapat manglibre sa atin."
"Okay I'll tell him, kailan kayo magkita I mean tayo?tsaka saan I know its gonna be exciting!"
Kinilig pa ata ito.
"Sa Linggo kaya after church namin tapos magpapaalam lang ako kina mama na may project na gagawin oh di ba ako na ang sinungaling."
"Hayaan mo na girl minsan lang naman."
"Oo na kung di lang kita kaibigan.sige na goodnight maaga pa ako bukas.
"Goodnight girl."
Bumungad kay Yannah ang isang napakagandang lugar.Mukhang pinaghandaan dahil may mga lights pa tapos mga bulaklak sa magkabilang side tsaka round table sa gitna at bigla nalang lumabas sa gilid ang isang napakagwapong lalaki,naka polo-shirt na kulay blue at saka black pants with black shoes.May dala itong bulaklak papunta sa kanya.Natulala si Yannah at di na niya namalayang nasa harapan na pala niya ito at nakangiti ang gwapo talaga niya.
"Yannah para sayo."sabay abot sa bulaklak.Para paring na hypnotize si Yannah.
"Lee Dong Wook ikaw ba yan?ang nasambit ni Yannah.Si Lee Dong Wook ay Korean actor na super crush ni Yannah
"Huh?sino yon?si Aljur to."anito na nakangiti pa rin.Di na mapigilan ni Yannah ang sarili at nayakap niya ito......"Hoy Yannah gising! ma le-late ka na.Kung makayakap sa unan wagas." sambit ng ate Marie niya.
"I can't believe this panaginip lang pala yon?" Panghihinayang ni Yannah.
"Oo panaginip lang yon kaya bumangon ka na bago ka pa akyatin ni papa dito."anito.Dalawa lang silang magkakapatid ni Yannah kaya sila lang din ang nag aasaran kaya lang di siya masyadong nag kukwento dito kasi iba din ang trip ng kapatid niya nagta trabaho na din ito at tumulong sa kanyang pang matrikula kaya nga siguro di pa ito nag aasawa.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...