Love against all odds
Two hearts who need to fight
To conquer the trials
Just have faith with each other
To have a triumphant love.Idinaan nalang ni Yannah sa pagsulat ng tula ang kanyang nararamdaman.Ngunit bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone.
Laiza calling.....
"Best may result na sa board exam."Excited na anunsyo nito.
" Talaga?Ano nakapasa ba tayo?"Excited na kinabahan na rin si Yannah.
"Hindi ko pa alam natatakot ako eh sabay nalang kaya tayo.."
"Sige magkita tayo sa isang internet cafe malapit sa mall.
"Okay."at kapwa ini off na nila ang cellphone.Tumitili sila bago pumasok sa internet cafe siguro para mabawas bawasan ang kaba.
"Think positive lang tayo best."Wika ni Yannah na pinapalakas nalang ang loob nila.
Pagkapasok medyo marami rin ang nandon naglalaro ng mga online game ang ingay pa nga eh,ang nakakainis nagmura pa talaga.Nakaka allergy sa tainga.Pumili ng medyo tahimik na lugar sina Yannah at Laiza.
Si Laiza na ang naghahanap at talagang mauna na siya dahil Arillano ang family name niya.
Ganon nalang ang tuwa niya at napasali siya pero siyempre di kumpleto ang happines niya kung hindi mapasali si Yannah.Kaya dumiritso sila sa letter M.
Montefalcon....
Montefalcon....
Montefalcon....
Montefalcon Yannah B.
"Best pasado ka rin!"
"Talaga patingin nga?oo nga pangalan ko nga."At ganon nalang ang pagtitili nilang dalawa na nagpalingon sa ibang naglalaro.
"Buti nga nakaganti din tayo."Si Laiza na may pagka mataray din.
Ngunit nag sign of peace nalang si Yannah sa kanila.Kaya nag yeheey nalang sila ng mahina.
"Best I smell a celebration coming up!"Sambit ni Laiza ng makalabas na sila doon.
"You're right best, i-level up na natin ang pa burger natin non kapag may achievement tayo."
"Siyempre naman best at dahil diyan saan ba tayo best?"Bigla nalang ding tanong ni Laiza.
"Pizza???"Di rin sure si Yannah.
"Sige mag pizza na tayo."conclude ni Laiza.Sarap na sarap sila sa paglalasap ng kanilang pizza pero dinagdagan na din nila ng halo-halo in buko.Oh di ba especial?
Na text na din ni Yannah si Aljur at tumawag talaga ito para icongratulate siya.
Pagkatapos naghiwalay na ng landas ang dalawa at may pupuntahan pa daw si Laiza.
Nag isip nalang din si Yannah anong gagawin.Bibili nalang din ako ng pizza at ice cream sa bahay pa surprise ko sa kanila for sure di pa nila alam na pasado ako.Tinawagan din niya si Aljur para makicelebrate na din sa kanila.Di pwedeng wala ang naging inspirasyon niya sa pagsusumikap.
Sinundo nalang siya sa mall nito mabuti nalang tapos na ang duty niya.
Pagdating ni Aljur doon agad siyang niyakap nito.
"Brod baka PDA na tayo dito masyado."Saway nito sa boyfriend.
"Hayaan mo na sis minsan lang to."
Sabay na sila pauwi sa bahay ngunit nagtaka si Yannah ang tahimik kasi wala naman sanang trabaho ngayon.Baka umalis.
"Halika brod pasok."Pagkabukas ni Yannah sa pinto ganon nalang ang gulat niya ng biglang umilaw at nagsigawan sila ng "CONGRATULATION!!!"
Napaluha sa tuwa si Yannah di niya alam naghahanda pala sila.
"Ma pa alam nyo na pala?"
"Oo kagabi pa di lang namin sinabi sayo buti na nga lang umalis ka kanina kaya nakapaghanda kami ngayon."Kwento ng kanyang ina.
"Salamat po sa inyong lahat."Wika ni Yannah.Kasama nila sa salo-salo ang iba pa nilang mga kamag-anak na malapit lang sa kanila nakatira mabuti na nga lang din pinakitunguhan ng maayos si Aljur.Matapos ang masayang salo-salo kinausap ng masinsinan si Yannah ng kanyang ama.
"Ano ng balak mo ngayon anak?"Tanong ni Mang Fred sa anak.
"Honestly po wala pa po aking naisip maliban sa tatapusin ko yong kontrata ko sa private school."Pagtatapat niya sa ama.
"Pero pagdating sa sahod anak mas malaki talaga sa public aside from that lifetime na kasi sa government."Tumango tango si Yannah.
"Mag aapply nalang din ako yong mga public school na malapit dito."
"Okay naman yon kaya lang kadalasan kasi ngayon kailangan mo pang magvolunteer sa liblib na bayan at ma assign muna doon ng mga ilang taon."Paalala ng kanyang ama.
"Ayy ano ba yan di ko yata yan kakayanin hindi ko pa yata na experience na malayo sa inyo."Reklamo ni Yannah.
"Naku ang sabihin mo di mo maiwan si Aljur."Pagtutuwid ng kanyang ama.
"Papa naman eh binuking pa ako."
"Asus...anak kung mahal ka talaga ni Aljur hihintayin ka niya at maging tapat siya sayo.Hindi nalang kumibo si Yannah at nalulungkot siya sa isiping iyon.
"Pag-isipan mo yan anak."Tinapik pa siya sa balikat nito at umalis na rin ito.
Nag isip-isip si Yannah paano kung ang pagpunta niya sa malayo ang dahilan ng paglalabuan nila ni Aljur?mapunta pa siya sa lugar na malayo sa kabihasnan na walang kuryente at lalong walang signal ng cellphone."kakayanin ko kaya yon?"Ang natanong nalang niya sa sarili.Sinundo siya sa school ni Aljur.
"Brod punta muna tayo ng park."Matamlay na wika ni Yannah.
"Sis okay kalang?bakit parang malungkot ka?"
"Pagdating nalang doon sa park sasabihin ko sayo."At nagdrive nalang si Aljur patungo doon."Brod kung sakali bang magtuturo na ako sa malayo okay lang sayo?"Maya-maya pa tanong ni Yannah ng maka-upo na sila.
"Ba't ka pa lalayo marami namang school dito ah."Nalungkot na rin ito sa balita ni Yannah.
"Ganon talaga kasi kadalasan mangyari lalo na pag fresh graduate para yong mga gusto mag tranfer dito mabigyan naman ng chance na malipat dito sa malapit."Paliwanag nito.
"Ikaw anong plano mo?Di naman pwedeng pipigilan kita dahil alam kong pangarap mo ring makapasok sa public school."Napuno ng kalungkutan ang mga mata nito at lalong nagpapabigat iyon sa damdamin ni Yannah.Kung tutuusin medyo malayo pa naman para isipin yon pero darating at darating din ang panahong iyon.
"Mahirap din to para sa akin brod pero as of now yon lang talaga kasi ang paraan para hindi matagalan sa pagpasok sa public school kailangan talaga ang magsakripisyo."Wala na din yatang magawa si Aljur kaya kahit nahihirapan tumango nalang din siya.
"Naintindihan kita sis pero sana wag mo akong kalimutan ha at pag uuwi ka dito pangako mo sa akin na magkita talaga tayo."Buong pag-asa pa rin ang namutawi sa bibig ni Aljur.
"Siyempre naman brod siguro pa nga ikaw pa yong una kung tatawagan na pauwi ako.Basta pangako mo rin sa akin na hindi ka maghahanap ng iba dito,na pagbalik ko tayo pa rin."
"Hihintayin kita sis kahit gaano pa yon katagal at promise ko sayo ikaw lang ang mag mamay-ari ng puso ko."At mahigpit nilang niyakap ang isat-isa,si Yannah napaluha na talaga.Agad naman itong pinahiran ni Aljur.
"Tahan na sis...ganito nalang ang gagawin natin habang di pa nangyari yon lubos-lubusin muna natin ang mga panahon sa pagsasama.Okay?"Ngumiti ng mapait si Yannah tsaka tumango.Mga ilang oras din ang pananatili nila doon hanggang sa napagpasyahan na nilang umuwi.Nagdaan ang maraming araw tinupad nila ang pangako sa isat-isa kapag kapwa nila day off namamasyal talaga sila.Hindi na rin ito lingid sa kaaalaman ng mga magulang ni Yannah dahil sa naglaon pinagkakatiwalaan na rin nila si Aljur nakita din kasi nila kung paano nito napasaya ang anak.
May ibang kamag-anak naman si Aljur na nakilala na rin ni Yannah mabait naman ito sa kanila di gaya dati na itinago pa nila ang kanilang relasyon sa mga magulang ni Yannah ngunit sa pamilya ni Aljur welcome na welcome si Yannah.
Nang minsan nakausap ni Yannah ang ina ni Aljur medyo nahihiya pa ito pero isiniwalat din ang nadarama.
"Matagal na ba kayo ng anak ko?"Anito sa magalang na pananalita.
"Opo mag wa-one year na po."Magalang naman na sagot ni Yannah.
"Salamat naman sa pagtanggap sa anak ko pero sana hindi naman hadlang ang kahirapan namin sa pagmamahalan ninyo nakatapos kana samantalang ang anak ko magtatapos palang sa high school.."Madamdaming pahayag nito.
"Wala naman po sa estado yan auntie tsaka hindi rin naman kami mayaman nagsusumikap lang sila mama at papa para makatapos kami at sinuklian lang din namin ang pagsasakripisyo nila.At nakita ko rin naman kay Aljur na nagsusumikap siya hanga pa nga ako eh dahil kinaya niya ang trabaho at pag aaral,yon lang naman po ang mahalaga sa akin na masipag at responsable ang isang tao kasi aanhin mo pa naman yong kapwa kayo nakapagtapos ngunit tamad naman walang diskarte sa buhay at minsan pa nga sa mga ganyan walang nagpapakumbaba porke't pareho silang nakatapos.Ang importante po sa akin nagkakaunawaan kayo sa lahat ng bagay."Mahabang paliwanag ni Yannah.
"Salamat at sa wakas nakatagpo rin ang anak kong babaeng tunay na pinapahalagahan siya.kahit naman mahirap kami hindi rin namin pinangarap na yurakan lang din ang pagkatao namin.Si Aljur marangal naman ang trabaho niya."Wika din nito.
"Tama po kayo diyan siguro mayroon lang ibang tao na na under estimate yong trabaho nila ang di nila alam mahalaga sila sa lipunan.Tsaka naman po may mga tao talagang mapaghusga."
Tumango nalang din ang ina ni Aljur at saka namang pagtawag sa kanila ng ate nito para mag meryenda sila.Simpleng banana cue at softdrinks at ang sarap ng pagsasalo nila.Anim na magkapatid sila Aljur pangatlo siya.Nag aasawa na rin ang dalawa. Kahit sa payak nilang pamumuhay pero ang saya nilang magkakasama.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
عاطفية"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...