Chapter Nineteen

40 2 0
                                    

I made another chapter nineteen just incase I never publish it.It's suddenly gone and I dont know how to revived it.Actually I remember that I already published it but I never recieved any notification that I updated it.So here's now my new chapter nineteen.
😊😊😊😊😊

Feeling strange.But its expected may kasalanan eh.Bumati si Aljur sa kanila ngunit di nila pinansin.Naawa tuloy ako sa kanya.Huwag naman sana nilang ibuhos lahat ng galit kay Aljur kasi kung tutuusin kami namang dalawa ang nagkasala eh.Matapos magmeryenda umayos ng upo si papa saka nagsalita.
"Ang gusto namin sa lalong madaling panahon ikasal kayo ni Yannah."Gulat naman na napatingin si Yannah at Aljur sa ama.
"Oh ngayon nagulat kayo?Dahil binuntis mo yang anak ko isa sa obligasyon mo ang pakasalan siya."Parang ang hirap ng magpaliwanag, pag si papa kasi ang magsalita kung anong napag desisyunan nyan iyan talaga ang gagawin.
"Alam ko naman po yon pero sana bigyan nyo ako ng panahon para makapag ipon ng sapat na halaga."Pakiusap ni Aljur.
"Bibigyan kita ng dalawa hanggang tatlong buwan."Si Mang Fred uli.
"Po?Baka pwede naman limang buwan po hindi naman po ganon kalaki ang sahod ko."Pakiusap pa rin nito.
"Ayan lumabas din na hindi mo naman pala kaya inisip nyo muna sana ang maaring mangyari bago kayo nagpadala sa bugso ng inyong mga damdamin."Tuluyan na nga itong nagalit.Pinigil lang din ni Yannah ang sarili na wag maiyak kailangan ngayon ni Aljur ang suporta niya.
"Pa humihingi kami ng tawad sa nagawa namin pero sana bigyan nyo naman kami ng chance hindi naman po ako tatakbuhan ni Aljur."Lakas loob na wika ni Yannah.
"Marahil nga hindi eh ang paglubo ng tiyan mo mapipigilan ba?"Napayuko nalang si Yannah
"Isipin mo nak nag aapply ka ngayon paano kung maapektuhan yon dahil buntis ka at hindi ikinasal?Alam mo naman masyadong mataas ang moral ng mga guro dapat ehemplo ka lalo na sa mga kabataan."Mahinahong wika naman ng ina.
"Kung yon po ang gusto ninyo gagawin ko po ang lahat para matupad ko ang pangako ko sa inyo at kay Yannah."Wika ni Aljur bagaman ramdam ni Yannah na nahihirapan ito.
"Sige at sa lalong madaling panahon kailangan nyo ng mamanhikan dito."Pasya ni Mang Fred.
"Opo ipaalam ko po sa kanila."Ang nasambit nalang niya palagay naman niya wala naman din siyang laban kung makipagtalo pa siya sa ama ng kanyang kasintahan dahil buo na talaga ang pasya nito.
Maya-maya pa nag paalam na si Aljur inihatid na siya ni Yannah sa labas.
"Brod wag kang mag-alala kung may magawa pa ako kausapin ko nalang uli si papa baka magbago pa ang pasya niya."Aniya sa kanyang boyfriend.
"Hayaan mo nalang sis tiyak ko doon buo na ang pasya non gagawa nalang ako ng paraan kung kinakailangan lapitan ko ang mga kakilala ko para makahiram ng pera gagawin ko."Anito.
"Brod ordinary wedding nalang para maka tipid tayo."Malungkot na saad ni Yannah.
"Paano na ang dream wedding mo?"Tanong naman nito but at some point nagpasalamat na rin siya at inunawa siya ni Yannah.
"Hayaan mo na yon may mga pangarap talaga na hanggang sa panaginip lang ang mahalaga ikasal ako sa taong mahal ko at mahal ako."
"Salamat sis malaking bagay na ito para sa akin."Sabay yakap kay Yannah.
Nagpaalam na rin ito may duty pa kasi siya kinabukasan.
Aaminin ni Yannah nalungkot siya sa isiping yon,hindi naman pala siya makaranas ng espesyal na kasal yong may brides maid at grooms men,someone who showered flowers while I'm walking in the aisle.Someone who bring their rings as well as the bible,yong maging maid of honor na sana si Farrah kasi siya ang bridge namin ni Aljur eh at yong close friend ni Aljur para maging best man niya.Kailangan ko ng kalimutan yon dahil yon lang ang magagawa ko para matulungan si Aljur atleast kung ordinary wedding lang ang ninong at ninang lang ang poproblemahin namin.Sa susuotin  naman, sa amin lang ni Aljur.Pero kahit makatipid man kami malaking gastos pa rin iyon siyempre ang daming mga papeles na ihahanda at sinabi mo pang paglaanan pa ng oras just to process that things.Oo nga't nasiyahan kami ni Aljur sa aming ginawa pero ito rin pala ang kapalit.Pero kahit pagsisihan ko pa yon andito na to hindi na dapat mag back out dahil buhay ang nakataya dito.Huwag kang mag alala anak nagawa ka man sa maling pagkakataon pero masaya pa rin ako dahil ginawa ka namin ng may pagmamahal,at pangako namin sayo pupunuin ka din namin ng pagmamahal.Naramdaman niyang tila may gumalaw sa kanyang sinapupunan at nagdulot iyon ng matinding saya sa kanya.

Dahil sa pangungulit ng mga magulang ni Yannah matapos ang isang buwan nagharap harap ang mga magulang nito gayon din ang mga magulang ni Aljur.Simpleng pamamanhikan lang at humingi din ng palugit ang mga magulang nito ngunit ipinahayag din ng mga magulang ni Yannah ang kanilang mga saloobin.Mabuti nalang sa wakas napagkasunduan din nila ang  petsa ng kasal nila na naaayon lang din sa dalawang panig.

Dahil limitado lang ang panahon ng paghahanda walang sinayang na oras sina Aljur at Yannah.Pag may extra time si Aljur pumunta siya sa mga offices na kung saan nag pa process ng kanilang mga certificate gaya nalang ng CENOMAR at kung anu-ano pang mga papeles,pumunta na rin sila sa simbahan para mag pa schedule at the same time ang mga schedules din ng seminar nila just to comply the requirements.Hindi nga naman talaga madali naisip nga ni Yannah natutulog pa kaya si Aljur?Nakaramdam na naman siya ng habag dito tiyak matinding pressure na ang pinagdaanan nito ngayon.Nagrenta sila ng susuotin yong mura lang din yong naka package na.Mabuti nalang din may mabubuting kaibigan si Aljur.Naka discount sila ng malaki sa wedding invitation at tarpaulin regalo daw yon sa kanila.Kahit papano hindi naman sila mag ta tricycle papuntang simbahan pinarentahan lang ng mura ang kotse ng kasamahan ni Aljur sa trabaho.May mga nag ambag din para sa mga gagastusin.Samantalang lihim na binigyan ng pera si Yannah ng mga magulang niya incase kukulangin pero huwag lang daw sabihin kay Aljur para magpursige pa ito.Sa totoo lang ang laki na ng ni loan niya eh.
Kahit sa kanilang paghahanda hindi rin nakaligtaan ni Yannah na mag simulang mag pa pre-natal nag alok na ang ate niya na sa private hospital para iwas hassle tsaka pila pro tumanggi na siya nahihiya na kasi siya eh ang dami   ng naitulong nito.Binilhan siya ng gatas at mga vitamins,plus sangkatutak na snacks para di siya magutuman.Nagsabi na rin nito na siya na ang mag donate ng cake sa kasal nito.Iba talaga ang may kapatid lalo na kung kagaya ng ate ko.
Sa wedding ring naman nila alam ni Yannah na wala na ito sa isipan ni Aljur kaya ang natitira niyang savings pinambili niya ng couple wedding ring.Personalize with their names with the date of their wedding.
Sa wakas natapos din iba talaga pag kayo mismo ang maghanda parang worth it lahat.Bukas kasal na namin.Nag rent nalang kami ng function hall sa isang beach resort,pag nasa bahay kasi ang reception tiyak dagdag gastos para sa mga nag iinuman atleast doon pagkatapos ng program at kainan,magligpit at uuwi na.
"Brod pasensya na ha.Masyado ka ng na pressure may pera ka pa ba?Nag alalang tanong ni Yannah.
"Ayos lang sis basta para sayo..meron pa naman pero much better kung may extra sana incase kukulangin bukas."Pagtatapat nito.Sandaling nag iisip si Yannah.
"Hihiram nalang tayo kay Chloe baka may extra yon."Biglang nagniningning ang mga mata ni Aljur.Ramdam naman ni Yannah na napanatag ito.
Mabuti nalang talaga may available money si Chloe kaya lang nakikiusap naman siya na mabayaran agad dahil may pinaglalaanan din ito.Tuwang-tuwa ang dalawa malaking tulong na din ito.
All set everything is ready for tomorrow.

Forever Is PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon