Hanggang ngayon di pa rin nawala ang kaba ni Yannah.Di niya talaga alam kung ano ba talaga ang inisip ng mga magulang niya tungkol kay Aljur.Sa kabilang banda napabilib din siya sa tapang ni Aljur kung ibang lalaki pa yon siguro hindi makagawa ng ganon.
Pagdating ng ate niya sabay sabay na silang naghapunan at habang kumakain inanunsyo na rin ng kanilang mga magulang ang nalalapit na seminars nito sa Manila.
"Ate alagaan mo tong si Yannah at paki bantayan na rin baka pag uwi namin magkaboyfriend na."Bilin ng ina.
"Mama naman eh I told you magtatapos pa ako."Pagtatanggi ni Yannah
"Sinabi ko lang in advance ito naman oh."Sumimangot nalang si Yannah.
"Ikaw naman Yannah bantayan mo rin ang ate mo kasi kahit okay lang na may manligaw na sa kanya ang importante maayos din na lalaki ito di yung kahit sino nalang sayang naman ang pinag aralan kung mapunta lang sa walang kwentang tao."Ang sabi naman ng kanyang ama.
"Question papa?"Si Yannah
"Ano yon?
"Ano po bang standard ninyo sa lalaki para sa amin?"Tanong ni Yannah sa ama.
"Ang pinakamahalaga lang naman anak eh yong kaya kayong buhayin.At mas lamang ang may natapos dahil nga sa nakita ninyo nahirapan pa ngang maghanap ng mapapasukan ang nakapag tapos how much more yung mga elementary o high school graduate lang.Di naman sa minamaliit ko ang kanilang kakayahan pagdating sa hanapbuhay pero yon na nga kayud ng kayod di pa rin sapat na ipantustos sa pamilya.Kami nga ng mama ninyo dalawa pa kaming nagtatrabaho pero nangungutang pa rin kami kasi nga di pa rin sapat sa mga babayarin.Ang pinagpasalamat namin ng mama nyo na mababait kayong mga anak at hindi kayo nakisabay kung anong luho mayron ang iba.Marunong kayong makontento kung ano lang ang meron."Mahabang paliwanag ng ama at mataman namang nakikinig ang dalawa.
"Ako naman anak ang hiling ko sa Diyos na bigyan kayo ng mapapangasawa na kagaya ng papa nyo.Nakita nyo naman kung paano nya tayo inaalagaan di ba?"Tumango tango lang ang dalawa at ngumiti ng ubod tamis ang kanyang ama.Hindi naman talaga estrikto ito maaalahanin lang talaga ito lalo na sa mga anak lalo pa't mga babae ito.
"Salamat Hon."honey kasi tawagan nila oh di ba ang sweet.
"Idol kita Pa kaya pipiliin kong mabuti ang mga manliligaw ko."Sabi ni Marie.
"Ako naman po kagaya rin ng gusto ni ate kasi Idol din kita pa.Pipiliin ko yong taong may paninindigan."Ang sabi naman ni Yannah.
"Basta mga anak mag-ingat kayo habang wala kami dito ni Papa ha.One week kami doon kaya alagaan nyo ang isat-isa."Bilin ng Mama nila.
"Opo Ma,Pa."Sabay-sabay na sagot ng dalawa.
"Ma dont forget our pasalubong ha."Hirit ni Yannah.
"Sure ......Kayo pa."At nagtawanan nalang sila.Nag-eempake na ang kanilang mga magulang ng biglang pumasok ang dalawa.
"Ma Pa mamimiss namin kayo."Sabay-sabay na wika ng dalawa sabay yakap sa mga magulang.
"Ang O.A ng mga to ha parang one week lang kaming mawala."Sagot ng ina.
"First time namin na ganito katagal eh."Mangiyak-ngiyak na wika ni Yannah bagaman may pagka mama's girl ito.
"Dont worry tatawag kami agad pagdating namin doon,basta yong bilin namin wag kalimutan."
"Okay ma."Nasabi nalang ni Marie.Dahil may duty at klase pa ang dalawa hindi na nila nahatid ang mga magulang.
"Hay na mimiss ko na sila mama at papa."Matamlay na wika ni Yannah.
"Ako din eh kaya tatagan natin ang sarili natin at take note dapat tulungan tayo sa gawain dito ha."Paalala ni Marie sa nakababatang kapatid.
"Alam ko naman yon ate,dont worry ikaw ang magluluto ako ang kakain,ikaw ang maghuhugas at ako manonood ng TV.."Pagbibiro niya sa kanyang ate.
"Subukan mo at mag duty nalang ako 24/7 sa hospital at bahala ka dito."Pagbabanta ng kanyang ate.
"Eto naman oh di mabiro takot ko lang kung di ka uuwi dito."
"Yun naman pala eh so after nating kumain magligpit ka na okay?"Utos ng kanyang ate.
"Grabe to agad-agad?"
"Ayaw mo?tamang tama may nag text kailangan kong magduty."Ganon nalang ang pagkunot ng noo ni Yannah.
"Seryoso?ate naman wag mo naman akong iwan dito."Pagsusumamo nito.
"Maghugas o magduty ako?"
"Ate excuse me tapos ka na pong kumain?magliligpit lang po."
"Yes baby Im done mauna na ako sa kwarto ha I really need a beauty rest."Pang iinis nito at sumimangot nalang siya."Naku bakit nawala sa isip ko bukas na pala ang defense namin sa thesis,ni hindi ko man lang naisipang mag-aral."Kaya naman dali-daling kinuha ni Yannah ang kanyang study notes hanggang sa nakatulugan niya ang pag-aaral.
Kinabukasan kinabahan na sila ng mga kasama niya.May sampung grupo sila at bunutan kung sino ang mauna at sa kasamaang palad last group pa talaga sia."hahay prolonged agony" ang nasambit nalang nila.Nakita na rin nila ang future since today's schedule only for sure gagabihin sila sa school.At di nga sila nagkamali natapos sila at 11:00 p.m.Good thing they did a very good job.Palabas na ng campus si Yannah ng mapansin niyang ang lakas pala ng ulan at halos wala ng tricycle na nakapasada.Ang mga kasama niya kinuha na ng kani-kanilang mga sundo.Tinawagan na niya ang ate niya.
"Ate naka out ka na ba?"
"Naku bunso hindi pa bakit?"
"Kasi nasa school pa po ako at ang lakas lakas pa ng ulan thesis defense kasi namin ngayon at last group pa kami kaya ginabi."
"Hala paano ba yan di ko pa kasi maiwan dito biglang nag absent ang kasama ko at hindi pa dumating yong kapalit niya.Wala ka bang matawagan para mapasundo?atleast pag nasa bahay safe ka na don."Nag alala na rin ito.
"Sige ate susubukan ko".But that time only one person come up in her mind so she hurriedly dial the number.Narinig niyang aantok antok pa ito habang sinagot ang telepono.
"A...aljur pasensya na si Yannah to sorry talaga sa estorbo magtanong lang sana ako kung wala kang kakilala na tricycle driver diyan andito pa kasi ako school natagalan yong activity namin at ang lakas lakas pala ng ulan eh wala ng nakapasada kasi dito kahit papakyawin ko nalang basta makauwi lang ako ,nag uuwian na kasi ang mga kasama ko dito."Mahabang paliwanag niya dito at nilalamig na rin siya.
"Okay sige sige wag kang mag alala hintay ka lang saglit ha."Bigla nalang nataranta ang nasa kabilang linya.
"Salamat talaga ha tsaka pasensya na rin."
"Wag mo ng isipin yon basta ako ng bahala sayo."Maya maya pa dumating na ito sakay ng kanyang motor at naka raincoat naman. Mababasa pa rin ako pero okay lang basta makauwi lang ako.
"Yannah pasensya na hindi kasi available ang tricycle na kakilala ko may pinuntahan kasi eh."
"Ayos lang yon ang mahalaga makauwi ako."
"Eto nga pala raincoat mo."sabay abot nito natuwa si Yannah akala niya uuwi siyang parang basang sisiw.
"Sorry talaga ha maaga pa ba bukas ang duty mo?Pag alala nito.
"Wag mo ng isipin yon ang mahalaga makauwi ka ng safe sa inyo." Na touch tuloy si Yannah sa mga sinasabi nito.Dali dali niyang isinuot ang raincoat at inaalalayan pa siya nito.May ilang kilometro din bago makarating sa kanila.Habang nasa daan panay ang ring ng kanyang cellphone pero di na niya masagot baka mabasa pa ito malakas pa rin kasi ang ulan.Sa wakas nakarating na rin sila ang ate naman niya tuwang tuwa pagkakita sa kanya nakaabang pala ito sa pintuan.
"Diyos ko salamat naka uwi ka ng maayos alalang alala ako lalo pa't di mo sinagot ang cellphone mo."Nayakap pa siya nito sa sobrang tuwa.
"Oo nga ate mabuti nalang may naawa sa akin at by the way si Aljur ate kaibigan ko wala na kasi akong maisip hingan ng tulong kanina kaya siya na ang tinawagan ko."Paliwanag nito.
"Naku salamat ha alalang alala ako kanina baka napano na to kahit di kami magkasundo nito minsan pero love ko to eh."
"Ay talaga ate?na touch ako don ha."
"Tsee naniwala ka naman ...siyanga pala pasok ka para makapag kape."
"Wag nalang siguro uuwi nalang ako."sabay sabay na napalingon ang dalawa.
"Naku di pwede kailangan mainitan yang tiyan mo."Pagpupumilit ni Marie.
"Oo nga naman halika na dito."sang ayon naman ni Yannah.
"Sige na nga hehehe."
Habang nagkakape panay naman ang kwentuhan nila at lumabas na naman ang pagka palabiro ni Aljur.
Maya maya pa mas lalong lumalim ang gabi kaya naisipan na ni Aljur na magpaalam hinatid na siya nila Yannah sa labas pero napansin nilang mas lalo pang lumakas ang ulan.
"Naku may bagyo na ata ."sambit ni Yannah.
"Aljur I insist this time dito ka nalang matulog baka mapano ka pa sa daan malakas ang ulan at may hangin pa.
"Okay lang po ba?baka magalit ang mga magulang nyo."Sa pag aakalang nasa kwarto lang ito at natutulog na.
"Wala sila dito ngayon nasa Manila may seminar."tumango tango nalang siya.
Pumasok na sila sa loob.Pinili nalang ni Aljur na doon nalang sa sala inoffer kasi nila ang guest room pero tumanggi na siya.Pumasok na rin ang dalawa sa kani kanilang kwarto.Si Yannah nagpaalam dito sandali bago pumasok.
Habang nasa kwarto si Yannah nakatanggap siya ng mensahe mula kay Aljur.
"Goodnight uli."
"Goodnight din and super thank you sa pagsundo kanina."
"Alam mo kanina pa yang pasalamat mo pwede iba naman."
"Ano namang ibig sabihin mo niyan naku ha alam ko yang mga pinag iisip mo."
"Sige nga ano bang gusto kong sabihin mo?"
"Ewan ko sayo Godbless na nga."
"Ayon nasabi mo rin atleast may bago."
Nagreply nalang ng 😛 na sign si Yannah at napagpasyahan ng matulog.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...