May mga bagay talaga na di inaasahang darating sa buhay.katulad nalang sa akin ngunit sa kabila ng lahat naniniwala pa rin akong God has a purpose in my life, di ko pa naman lubusang nakamit ang tagumpay pero masaya ako dahil sa kabila ng lahat binigyan naman niya ako ng taong tiyak mamahalin ako habang buhay at alam kong sa kanya ko na masasabing "Forever is possible."Ang nega naman kasi ng iba wala daw kasing forever.Dapat kasi ang forever hiningi yan sa Panginoon ,pinagdasal dapat.Ako I really pray na matagpuan ko na ang lalaking itinuring akong parang prinsesa at yon nga maya-maya lang maging reyna na.Siguro nga may maraming pag alinlangan sa unang pagkakakilala pero ganon naman talaga di mo malalaman kung di mo susubukan.At thankful ako kasi nag work out.Di man matutupad ang dream wedding ko atleast matutupad ang ideal man ko.
"Girl smile in the camera naman ang lalim yata ng iniisip mo.Be happy its your wedding day."Pag che-cheer ni Laiza sa kanya. Kumpleto pa din pala ang wedding niya kasi andon ang mga kaibigan niya si Laiza,Farrah at Chloe infairness kahit ngayon lang sila nagiging friend pero madali naman silang naging close.
"Sis tayo na sa bridal car baka ma late pa tayo malapit na kasi mag six."Binalaan na kasi sila na hindi dapat ma late kasi hindi to espesyal na hihintayin sila.Mga five pairs kasi silang ikakasal tapos pag nahuli papaso pa rin sila kahit nagsimula na ang misa.
Inalalayan na rin siya ng mga kaibigan na magbuhat ng kanyang damit oh di ba meron pa rin siyang bride's maid.hehehehe
Naglalakad na ang ibang pair patungo sa altar while ako inayos pa ang gown at belo ko until its me and Aljur's turn kumapit ako sa kanya and he give me the most beautiful smile before we start walking to the altar.
"Wala ng atrasan to hinintay na tayo ng pari."Bulong ni Aljur sa kanya.
"No way ...at di na tayo dapat umatras dahil may pananagutan na tayo itong nasa sinapupunan ko."Sana naman hindi napalakas ang usapan namin habang naglalakad.Panay ang click ng mga camera that is why I started to smile moment ko to and it just happen once.Napansin din ni Yannah siya lang ata ang buntis sa hanay ng mga bride.Di bale na kaya nga nagpakasal.Nalungkot naman siya bigla di naman ito ang dream niya.But I still need to be happy baka malungkot pa si baby baka akalain niyang di ko siya matatanggap.That is why she smile again.Just a simple wedding ceremony.Exchanging of vows and some other rituals.Hindi na nga din sinasabing "you may now kiss the bride kaya ayon during pictorials after the mass tinupad namin ang kahilingan nila to kiss in front of them ayon kinilig naman sila.Different sets of pictorials.The newly wed with the grooms family tapos bride's family,and then mga ninong at ninang kaunti lang naman sila five pairs lang.Andon din ang mga kasamahan ni aljur and even friends ofcourse di naman mawawala yong mga friends ko na excited na makasama ako sa pictorial.
Nagtaka nalang ako pinalipat kami sa labas doon nalang daw tapusin ang pictorial ayon pala may kasunod na misa ng patay.
Lumabas nalang din kami at doon nga talaga tinapos.Pagkatapos kanya kanya ng sakay ang mga bisita papunta sa reception.Kami naman ni Aljur sa bridal car.
"Masaya ka ba."Tanong ni Aljur.
"Siyempre."Ngumiti ito saka siniil siya ng halik tumigil lang ito ng pumasok na ang driver.Nang makaupo na ang lahat ng bisita saka pa kami lumabas ng sasakyan.At nagpalakpakan sila ng tinawag na kaming Mr.and Mrs.Dalisay.Yes Mrs.Dalisay na ako ngayon.Inalalayan niya ako sa paglalakad habang walang tigil pa rin ang palakpakan nila.
Pagkatapos ng kaunting seremonyas like slicing of cake at pagsusubuan namin ayon I really need to eat na kasi gutom na gutom na talaga ako.Ganito pala talaga pag buntis wala na akong pakialam sa kanila basta kumain nalang talaga ako.After giving our wedding souvenir isa isa ng umalis ang mga bisita dapat daw sana nag money dance pa kami para first income namin as couple kaya lang mga nag iinuman nalang ang natira eh.Dapat daw kasi while kumakain sila nagsasayaw kami.Pero gutom din ako eh. Ayon tuloy nagsialisan na sila.
May dumating pa na mga bisita mga kasamahan ni Aljur mabuti nalang may natira pang ulam kahit papano nabusog naman sila kaya matapos tumulong na din kami ni Aljur sa pagliligpit para makauwi na mahirap na baka may dumating pa wala na kaming maipakain.Sa bahay na nga lang namin bubuksan yong mga regalo.Habang nagliligpit lumapit ang isang kamag-anak ko nanghihingi ng pulutan nag iinuman kasi sila sinubukan kong maghanap kahit bigat na bigat na ako sa gown ko hindi pa kasi ako nakapag bihis sa sobrang busy.Mabuti nalang talaga may kaunti pa akong nahagilap at naibigay sa kanila.Along the way home nag ring ang cellphone ni Aljur barkada niya tumatawag nagtatanong kung nasa reception pa kami sinabihan na niyang nakauwi na kami.
Kahit papano marami rami din ang naipon naming pera mula sa give aways sayang lang talaga hindi kami nag money dance pandagdag din sana yon may mga utang pa kami eh.Binuksan na din namin ang mga regalo namin makapagsimula na din kami nito sa lilipatan naming boarding house may rice cooker,single stove burner,bedsheet,unan sangkatutak na kumot mas madali kasing ibalot eh.Tapos may mga kitchen ware pa.Atleast kakaunti nalang yong bibilhin namin.Pasimpleng lumapit sa kanya ang ina ni Aljur at mama na rin niya ngayon minsan nga makaligtaan pa niya at auntie pa rin ang matawag niya ganon din naman si Aljur.
"Nak sana sapat lang yong naihanda namin sa kasal ninyo yan lang talaga kasi ang nakayanan eh hindi ba nagrereklamo sila balae?"Nag alalang tanong nito.
"Naku ma wag nyo ng isipin yon ang mahalaga lang naman kina papa na mapanagutan ako atleast nairaos naman natin.Natapos din naman ng matiwasay.Kaya wag nyo ng isipin yon ha."Aniya sa manugang.Ngumiti nalang din ito at tumulong na din sa pag liligpit ng mga wrapper ng regalo.Habang lumapit naman ang ina ni Yannah at dinalhan sila ng meryenda.Ayon nag uusap usap pinayuhan na naman kaming dalawa ni Aljur.Nakakapressure din pala no?Yong paulit ulit nilang bilin but anyway its for our own good naman.
First night may katabi ako sa kwarto ko pero alam mo yong legal na.Pero instead na may mangyari nakahiga lang kami na nagkahawak kamay at binubuo ang pangarap namin kasama ang future baby namin.Hanggang sa nakatulugan na namin yon na may ngiti sa labi.
"Good morning misis ko."Bati ng asawa niya sa kanya.Antok na antok pa sana siya pero biglang nagising ang kanyang diwa ng makaramdam na may yumakap sa kanya.Nagulat pa siya pero maya maya pa naalala niyang misis na nga pala siya and from now on forward gigising siyang may katabi na.Naalala nga niya yong isenend ng friend niya through messeger "marriage:an endless sleepover with your favorite weirdo."That is why she hug back her husband.
Nalulungkot din siya iiwan na kasi niya ang silid na ito.Marami kaya siyang memories dito.The four corners of her room are the witness of her sweet and sorrows in life.Dito siya kung kinikilig,nasasaktan,umiiyak,nagagalit at higit sa lahat nangangarap.After ng duty ni Aljur pinuntahan na namin ang lilipatang boarding house para makapag advance at deposit.Okay lang naman ang lugar malapit lang din sa tutorial house pwede lang akong maglakad papunta doon atleast excercise na din yon.Yon pa rin kasi ang pinagkaabalahan ko while waiting kung maka kuha ng item.
Sunday after mass nag eempake na si Yannah ng kanyang mga gamit lilipat na kasi sila.Inihatid pa siya ng mga magulang para matingnan kung maayos ba ang kinalalagyan nito.May napuna na naman sila pero ayaw na niyang ipressure ang asawa na maghanap ng iba.Wala kasing sariling banyo doon at distansya pa sa kwarto nila.Hindi rin ito kalakihan at mainit pa.Pinili nila iyon kasi medyo mura lang saka nalang sila lilipat ng mas komportable pag nakaluwag na.
Totoo nga naman talagang mahirap ang magsimula lalo na sa mag asawa.Maraming adjustments yong mga hindi mo nakikita nong magkasintahan palang kayo lalabas kapag mag asawa na.Nakakabagot kaya sa boarding house lalo na mag isa nalang ako palagi. Hapon na rin kasi akong pupunta sa tutorial para makapaglinis pa ako ng bahay.Siyempre sabay pa rin naman kaming maglunch uuwi naman talaga siya para kumustahin ako.Magsasaing lang ako tapos siya na yong magluluto ng ulam choosy kasi yan eh hindi yan kakain kapag hindi naaayon sa kanyang panlasa at ako naman hindi ganon kagaling magluto kaya pinaubaya ko nalang sa kanya bibili nalang din kami pag tinamad ng magluto.Nahuhumaling pa rin siya minsan sa mga barkada niya pero atleast pa minsan minsan nalang malapit na kasi ang kabuwanan ko eh di basta bastang iwan nalang ako.Ako naman kapag natagalan siya sa pag uwi galing trabaho kahit anu-ano nalang pumasok sa isip ko.Baka naglakwatsa pa dumaan sa mga kaibigan kaya pagdumating yan hindi ko na pinapansin nagtataka nalang siya bakit.Hindi naman kasi ako yong nagger type na asawa kaya magdusa ka sa kakahula kung anong nangyari sa akin.Mabuti nalang talaga he is the most understanding husband in the world di nalang niya pinapatulan ang attitude ko sa halip nilalambing nalang ako.kaya sa lahat ng mga ka boardmate namin na mag asawa kami ang pinakatahimik na couple kapag nag-aaway walang imikan eh.Alam naming simula palang ito ang mahalaga walang susuko.Sa amin namin patutunayang Forever is possible.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...