Time is gold
Time flies fast
A time to cheerish your love.Tama ang bilis nga ng oras,araw at buwan ngunit hindi pa nag summer nakaabang na sa akin ang pagvo-volunteer ko in a far flung area at totoo ngang ang lugar na yon walang kuryente at lalong walang signal.sasakay ka ng maraming kilometro at maglakad sa bundok ng mga limang kilimetro din.Oh di ba teaching is really a noble profession?
Pero bago ako umalis hindi pwedeng hindi kami magsasama ni Aljur.Halos ayaw na bitawan ni Aljur ang mga kamay ni Yannah nasa mall sila at manonood sila ng sine.
"Brod para namang hindi na tayo magkita niyan?"
"Magkikita nga ang tagal naman."
Tama nga din naman si boyfie hindi naman pwedeng every weekend ako uuwi kasi mahirap umuwi mag isa kailangan marami kayo unless papakyawin mo ang motorcycle at di naman papayag yon kung limang daan lang ibibigay mo.
At sa nalaman ko pa nga may honorarium kaya lang palagi namang delay.For sure sa allowance ko nito hihingi talaga ako kina mama at papa unless uuwi akong buto't balat nalang dahil wala ng makain.Pero kailangan ko ba talagang gawin to?Wala na din yata akong magawa this is the reality of life.
"Sis baka makahanap ka ng iba doon?"Si Aljur pa rin na di mapalagay.Saglit nag iisip si Yannah.
"Brod sa pagkakaalam ko kabundukan ang pupuntahan ko makahanap kaya ako ng kasing gwapo mo doon?"Ani Yannah na gusto ng matawa.
"Grabe naman to oh malay mo may mayamang nagmamay-ari ng lupa doon."
"Brod wag kang mag-alala di kita ipagpalit promise yan mas natakot pa nga ako sayo ang dami kayang mga magaganda dito ang if I know malapit lang din dito ang ex mo malay natin pag nawala ang communication natin maisipan mo siyang itext at di mo na ako mahintay dahil magbabalikan kayo at saka.........."Di na natapos ni Yannah ang sasabihin niya dahil siniil na siya ng halik ni Aljur.Mabuti nalang nasa loob na sila ng sinehan.
"Brod nakakahiya."Saway niya dito.
"Hayaan mo sila basta ma mimiss talaga kita."Inakbayan na siya nito at hindi nalang pumalag si Yannah hanggang sa natapos na ang pinapanood nila na parang di naman nag sink in sa mga isip nila ang pinapanood dahil okupado sa kanilang nalalapit na paglalayo.
Pagkatapos manood ng sine kumain sila.
"Saan na naman tayo?Tanong ni Yannah.Hindi kumibo si Aljur nagdrive lang ito ng nagdrive.Hanggat makarating sila sa lugar na di inasahan ni Yannah.
"Brod bakit tayo nandito?Di ba may pangako tayo kina mama?"Parang maiiyak na siya at di siya makapaniwalang iniisip ito ni Aljur.
"Sis sorry kung sarili ko lang ang iniisip ko ngayon.Gusto ko kasing isipin mo na kahit malayo tayo ako lang ang lalaking maalala mo."Napayuko na ito at alam niyang napaluha na rin ito.
"Brod wala ka bang tiwala sa akin?"Parang naghihinakit na ito.
"Nagtitiwala sis sa panahon nga lang hindi.Pasensya na sis tara balik na tayo ihatid na kita sa inyo."Anito na pilit ngumiti.Si Yannah naman hindi makagalaw sa kinatatayuan.God ano bang meron sa taong to bakit palagi nalang niya akong iniintindi? Bakit kaligayahan ko ang palagi niyang iniisip? At bakit parang gusto ko na siyang pagbigyan sa gusto niya.Na parang sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin ito lang pinakamagandang bagay na maisukli ko sa kanya.Alam kong nasa listahan ko ito I should not enter into pre-marital sex,ayokong mapabilang sa kinakantahan ng "here comes the bride three months inside."But why this time I want to forget all in that list for the sake of my love to Aljur.
Ang susunod na mga pangyayari ay tumangay na sa katinuan ni Yannah.Nagpatangay na siya sa agos ng kanyang nararamdaman at hindi na niya kayang kontrolin ang mga ito.Wala pa siyang karanasan sa ganyang bagay but Aljur make sure that he handle her with care.
Nang matapos napaluha nalang si Yannah.Nangyari na di na niya mababawi pa.
"Sis sorry."Si Aljur na di alam kung paano pakalmahin si Yannah.
"Wag kang manghingi ng sorry di mo naman ako pinilit."She said in a blank expression.
"Halika na uuwi na tayo baka hinanap na nila ako sa bahay."Sumunod nalang din si Aljur alam niyang masama ang loob nito.Habang nasa daan di na sila nag iimikan.Hanggang sa maihatid na si Yannah ni Aljur.tipid lang na pasasalamat ang sinambit nito at tumango lang siya saka nilisan na ang lugar.
Napagpasyahan nalang ni Yannah na magkulong sa kwarto.Nagmumuni muni sa mga pwedeng mangyari hanggat sa nakatulugan na niya ito.Bumangon siya na ang sama ng pakiramdam.Malayo pa naman ang boteka sa lugar na ito.Gusto na niyang dumuwal.She suddenly realize hindi pa dumating ang kanyang buwanag daloy .Naku Diyos ko hindi kaya buntis ako.Pag nag ka ganon tiyak mapapatay ako ni Papa at malulungkot si Mama habang ma di-disappoint si ate.Tinawagan niya si Aljur at ganon nalang ang panlulumo niya na out of coverage na ito kahit maghapon na niyang kinontak ito.Napaiyak nalang si Yannah ano nalang ang mangyayari sa akin ngayon.Bakit nagka ganito ang buhay ko?Iyak siya ng iyak doon lang niya napagtantong panaginip lang pala iyon.Salamat po akala ko totoo na.Ngunit may nangyari pa rin sa kanila ni Aljur paano kung magbunga iyon at iiwan nalang siyang bigla.Biglang nalungkot si Yannah sa isiping iyon.Napukaw ang kanyang pagmuni muni ng magtext sa kanya si Aljur.
"Sis sorry talaga hindi na kita dapat dinala doon at di na sana ako nagiging makasarili."Hinging paumanhin nito.
"Brod di naman mangyayari yon kung di ako pumayag di ba?kaya wag munang sisihin ang sarili mo."Paliwanag niya dito.Alam niyang iniisip nitong nagagalit siya.
"Salamat sis ha mahal na mahal talaga kita."
"Ganon din naman ako brod pero kung sakali bang magbunga ang ginawa natin pananagutan mo ako?"Nag alalang tanong nito.
"Sis marami na tayong pinagdaanan sa relasyon natin, di ba di naman ako sumuko?kaya kung mangyari ang kinatatakutan mo pangako ko sayo hinding-hindi kita iiwan."Ramdam ni Yannah kung gaano siya kamahal ni Aljur at alam niyang kahit anong mangyari ipaglaban pa rin siya nito.Nakahinga ng maluwang si Yannah ng dumating ang kanyang buwanang daloy.Salamat naman at naligtas ako sa mga kinatatakutan ko.
Natuloy nga si Yannah sa pagvo-volunteer niya hindi nga talaga ganon kadali first week palang na mimiss na niya ang pamilya niya lalong lalo na si Aljur.Hindi rin niya ma contact ito dahil walang signal kung meron man sa karatig barangay pa na kailangan umakyat sa bundok para makakuha ng signal.
Nagdaan ang mga araw nakagaanan na din niya ng loob ang mga kasama niya at lalong-lalo na ang mga bata.
Sa tuwing schedule na para umuwi naman sila ganon nalang ang tuwa niya.
Nang dumating na sila sa bayan agad siyang nagpapaload at tinawagan si Aljur.Tuwang tuwa din ito at nakaabang na talaga sa terminal.Hindi na nila napigilan ang nadarama at mahigpit nilang niyakap ang isat-isa.
At di lang yon ang minsa'y ginawa nila naulit at naulit pa.Iyong lahat ng pagka sabik nila sa isat-isa ibinuhos nila doon.Kahit alam nilang mali ito at pinaalahanan na sila tungkol dito.Hanggang ngayon wala pa ring alam ang mga magulang ni Yannah sa pinag gagawa niya.Since may nakakapasok na na item natapos din ang pagvo-volunteer ni Yannah pero infairness madami siyang natutunan bagkus masaya din siya kasi makauwi na siya sa kanila.Napagdesisyunan din niya na next year nalang din siya mag a-apply.Huli na rin kasi ang papers niya kung magpapasa pa siya.
Habang wala ng ginagawa nag tutor nalang siya.Nag apply siya sa mga tutorial center.Nag enjoy naman siya malapit pa sa pamilya at makasama pa niya uli si Aljur.
So far okay lang naman ang relationship nila dumaan din sa pagsubok.Nagseselos kapag nakita niyang may kaharutan ito.Alam niyang likas na friendly lang ito ngunit nakakainis na din minsan.
Pero gayun pa man napag usapan din naman nila ng maayos alam mo yong feeling na hindi niya kikibuin pero susuyuin pa rin siya nito yung hindi papatulan yong init ng ulo niya.
"Brod naalala mo yong kasamahan ko sa Kiddie Ambassador Academy si Chloe?"
"Oo bakit?
"Ikakasal na siya at....invited tayo!"Tuwang sambit nito.
"Talaga?sige sige pupunta tayo."Natutuwa din ito.
"Kaya lang doon sa lugar nila Chloe sa probinsya."Balita ni Yannah.
"Eh di mas masaya mas makapagbonding tayo."Nagniningning ang mga mata nito.
Habit na talaga yata ni Yannah ang mambatok kay Aljur kaya nabatok na naman niya ito sa ulo.
"Hoy alam ko yang pinag iisip mo ha wag kalimutan kasal ang pupuntahan natin."
"Di ko naman nakalimutan eh pero excited lang ako na makasama ka ng matagal."
"Sus palagi mo naman akong nakakasama ah."
"Alam ko."Pero ngingiti ngiti pa rin ito.Nagpaalam din si Yannah sa mga magulang niya at pinaalam din niya na kasama si Aljur.
"Baka naman anak maiinggit ka kina Chloe at susunod ka rin."Alam niyang anong ibig sabihin ng mama niya.
"Ma naman maki celebrate nga lang eh."Aniya.
"Basta wag mong kalimutan ang palagi naming pinaalala ng mama mo ."Ang ama naman niya ang nagsalita.Na guilty tuloy si Yannah kung alam lang nila matagal na nilang pinag gagawa ito.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...