"Hi ate busy ka?"
"Hello bunso di naman halika pasok."
"Ang tagal ko na palang di nakapasok sa kwarto mo no?Dami mo na palang stuff toys collection."Namangha pa si Yannah.Hindi naman talaga sila masyadong nagba bonding minsan lang.Gaya nito hindi nga lang niya alam pano sisimulan sa pag amin sa ate niya ang nangyari sa kanya.
"Kumusta naman ang love life natin ngayon?"Tanong ng ate niya.Sasabihin ko na ba?aniya sa sarili.
"Okay naman kasi mabait si Aljur tsaka responsable.Alam mo ate hindi na siya security guard ngayon ."Balita nito.
"Talaga?alam ko mas aangat pa ang batang iyan kasi nakita ko naman gaano kasipag.Manager na ba siya ngayon?"Pagbibirong tanong ng kanyang ate.
"Hmmm sounds like ate."Nangunot naman ang noo ng ate niya.
"Ah alam ko na teller."Hula pa rin nito.
"Grabe naman to hindi pa nga siya nakapag college."
"Sirit na nga ano ba ang bago niyang trabaho ngayon?Doon pa rin ba sa dati niyang pinag tatrabahuan?"
"Oo naman tsaka messenger na siya ngayon."
"Uie ayos yon ah may mas marami siyang opportunity sa ganon, dahil siyempre may mas marami siyang makilala..May kakilala pa nga ako na messenger nakapag sideline pa siya dahil may ibang empleyado hindi na makalabas nakikisuyo nalang sila kunyari magbabayad ng ilaw o di kaya'y water bill nila o anu-ano pa man tapos binigyan lang nila ng pamasahe and since may motor nagamit pa niya ang pera sa ibang bagay."Paliwanag nito
"Nasabi nga din niya yon eh mas nag-enjoy siya sa trabaho niya ngayon."Sagot naman ni Yannah.
"Extend may congratulation to him."
"Sure. Hmm ate kung sakali kaya maging kabiyak ko si Aljur payag sila mama at papa?"sana masabi ko na kay ate.Mahinang usal niya.
"Di ba sinabi naman nila sa atin na as long as kaya tayong panindigan,na kayang maibigay ang ating pangangailangan okay naman sila sa ganon plus point nalang siguro sa kanila kung nakapagtapos din ito ang importante may ginawa sa buhay at nagsusumikap.Teka mag aasawa ka na?"Gulat na tanong ng kanyang ate.
"Ate kasi may sasabihin ako sayo."Nagbabadya na namang aagos ang luha sa kanyang mga mata.
"Yannah okay ka lang?"Dahan dahang kinuha ni Yannah mula sa bulsa ang pregnancy test at inabot sa ate niya.
"Bata ka kanino mo nakuha to?bibiktimahin mo na naman ako no?"May ginawa kasi dati si Yannah sa ate niya at paniwalang paniwala ito yon pala joke lang at sinigawan pa siya ng victim ayon simula noon di na agad nagtitiwala ang ate niya kapag may kunwari ipapaniwala sa kanya.
"Ate hindi ako nagbibiro sa akin po yan.Buntis po ako."Sandaling napatulala ang ate niya at siya naman humihikbi ng mahina.
"Tiyak di pa ito alam ng mga magulang natin tama?"Tumango tango naman si Yannah.
"Bakit ba di ninyo napigilan?naku problema nga ito."Nababakas naman sa mukha ng nakakatandang kapatid ang pag-aalala kaya sa halip na dagdagan ang bigat na dinadala nito kino-comfort nalang niya ito.
"Ate tulungan mo ako di ko alam ano ang gagawin ko."Bumulalas na ito ng iyak habang niyayakap naman siya ng ate niya.
"Alam na ba ito ni Aljur?Anong sabi niya?"Sunod sunod na tanong nito.
"Opo nong di na ako dinatnan at nagduda na baka buntis nga ako binilhan niya ako ng pregnancy test para tiyaking tama ang hinala namin at tama nga."
"Tapos anong sabi niya?"
" Nangako naman po siya na paninindigan nya ako."Sagot nito.
"Eh ikaw anong plano mo?"Tanong ng ate niya.Hindi agad nakasagot si Yannah.
"I will give you an option..anong pipiliin mo bubuhayin ang bata at haharapin ang lahat ng consequences gaya ng galit ng mga magulang natin,yong pagka disappoint nila plus di maiiwasang pag uusapan ng mga tao or second option ipalaglag mo walang issue ngunit habang buhay mong dalhin sa iyong konsensya?"Alam niyang ipinahiwatig lang ng ate niya ang posibleng mangyari pero kahit minsan hindi naman talaga niya inisip na ipalaglag ito siguro nakikiusap siya na kung pwede wag muna ngayon kaya lang andito na ang gusto lang sana niya na mapatawad siya ng kanyang mga magulang.
Pero alam niyang hindi ganon kadali yon lalo pa at hindi sila nagkulang ng paalala.
"Ano ng iniisip mo?"Tanong ni Marie.
"Ikaw ate mapapatawad mo ba ako?"Sa halip na na sumagot nagtanong din ito.
"Yannah sa totoo lang I was disappointed kasi ang dami mo pang pwedeng magawa eh kasi bata ka pa for sure di mo pa masyadong na enjoy ang pagka single lady mo at alalahanin mo pag may anak ka na nakatuon na ang atensyon mo sa anak mo.Minsan pa nga nakalimutan na ang sarili pero sana naman wag mangyari sayo yon.
Tsaka nagsisimula ka pa lang sa pag-a-apply wala pang kasiguruhan kong matanggap ka agad-agad.At hindi biro ang gastos lalo na sa panganganak.Im sure hindi ka pa nakakuha ng Philhealth basta marami kang mararanasan na di mo inaasahan.
But dont worry di naman ako galit sayo naintindihan ko na minsan ang mga kabataan mapusok kaya ngayon isipin mo kung paano ka magsisimula."Mahabang paliwanag ng ate niya.
"Salamat ate at nakikinig ka sa akin malaking bagay na yon para mabawasan ang dinaramdam ko."Aniya sa kanyang ate.
"Walang anuman pero kailangan sa madaling panahon masabi mo na kina papa kaysa naman sa iba pa nila malalaman."Payo ng ate niya.
"Opo hahanap po ako ng paraan...salamat talaga ate."Tumango naman ito.
"Pero infairness excited na akong maging tita."Natutuwang sambit nito.Di lang alam ni Yannah kung pinapagaan lang nito ang kanyang nararamdaman.
"Sige ate matulog na ako."Paalam niya.
"Okay goodnight...gòodnight baby welcome to the family."Napangiti naman si Yannah dòon.Paglabas niya sa kwarto ng ate niya nadatnan niya ang mga magulang na nanonood pa pala ng TV.Tutok ito sa pinapanood at kung minsan mag co comment pa.
"Hay mga kabataan talaga ngayon masyado ng mapusok,di na iniisip ang kanilang bukas."Narinig niyang wika ng kanyang ina.
"Kundi nagbibisyo,napabarkada ng husto kaya tuloy napariwara na."Sambit naman ng kanyang ama.
"Kaya sobrang pasalamat ko at lumaking mababait ang mga anak natin."
"Oo nga mga responsableng bata."Dahan dahang umalis si Yannah pabalik ng kanyang silid mas lalo pa tuloy siyang natatakot na magtapat sa kanyang mga magulang.
Malaking disappointment ito para sa kanila ang sinapit ko.Di na naman niya mapigilan ang sarili na mapaluha.Ang sabi nila iwasan ang ma stress dahil nakakasama ito sa ina at sa dinadala pero di ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko.Ngunit kailangan kong tibayan ang aking damdamin sasabihin ko na sa kanila bukas habang maaga pa at kung sakali mang palalayasin nila ako dahil sa sinapit ko wala akong magawa tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko.Natulugan na niya ang kanyang pag iyak.
Madaling araw palang nagising na siya pero ayaw din niyang lumabas masama na naman kasi ang pakiramdam niya gusto na naman niyang masuka.Nag isip nalang siya ng paraan paano sasabihin sa mga magulang niya ang kalagayan niya.
Maya-maya pa nagawa na niya ang liham para sa mga magulang isinulat niya doon ang lahat lahat hanggang sa pagdadalantao niya.Mas pinili niya ang ganito dahil baka sa tindi ng galit ng mga magulang niya di na siya makapag paliwanag ng maayos.Kukuha nalang din siya ng tiyempo para maibigay niya ito sa mga magulang.
Bago umalis ang ate niya dinaanan siya sa kwarto.
"Bunso kumustang pakiramdam?"
"Medyo nahihilo ate kaya nga di pa ako lumabas."
"Sige basta mag breakfast ka mamaya para magka laman yang tiyan mo mahirap na baka mapano si baby."
"Okay ate salamat."Salamat nalang at kakampi niya ang ate niya medyo nahimasmasan siya doon.
Unang umalis ang kanyang mga magulang may dadaluhang meeting daw kaya bago siya umalis iniwan niya ang sulat sa silid ng mga ito para pag uwi nito mabasa na nila ang sulat.Kinabahan siya habang inilagay ito doon sa kama nila.Sa halip na to:mama and papa ang inilagay niya ay" sorry papa and mama".Habang nagtuturo hindi siya mapakali ang isip niya andon sa mga magulang niya tiyak sa mga oras na iyon nabasa na nila.At tiyak akong si mama umiiyak na habang si papa nag ngingitngit sa galit.Masampal kaya ako?Mabugbog?o di kayay papatayin?kahit anu-ano nalang talaga ang pumasok sa isip niya.
Natapos din ang klase niya ngunit para bang nahihirapan siyang tumayo natatakot siyang umuwi.tinext niya ang ate niya na sabay silang umuwi buti nalang hindi ito overtime sa hospital.
Habang papalapit sa pinto halos di na niya marinig ang sarili sa sobrang kaba.Pagkakita niya sa mga magulang pinigilan niyang wag umiyak.Nababakas sa mga mata nito ang lungkot at parang nagtatanong.Hindi ba nila ako kikibuin?o kayay susumbatan?
"Halina kayo at maghapunan pagkatapos mag uusap tayo."Ani kanyang ama ngunit nakatuon ang atensyon sa kanya mas lalo siyang nahintakutan don yong parang inipon nila lahat ng lakas para maipalabas ang nararamdaman.This is it nasa sala na silang lahat at talagang di na mapakali si Yannah.Unang nagsalita ang kanyang ama.
"Ayoko ng manumbat kasi paulit ulit na naming pinaalala ito. At dahil ginawa nyo yan inaasahan na namin na nakaplano na rin kayo kung ano ang mga gagawin nyo tama ba?"Ma awtoridad na tanong ng ama.Hindi agad nakasagot si Yannah.Dahil sa totoo lang di pa naman talaga sila handa.
"Anak di biro ang maging asawa lalo na ang magiging ina pero dahil pinasukan mo yan umaasa akong paninindigan mo ang ginawa mo."Ang mama naman niya ang nagsalita.Mahinahon lang ang pagkasabi nito di gaya ng papa niya may diin ang bawat salita.
"Bukas kailangang humarap sa amin si Aljur para malaman namin kung ano ng mga paghahanda ang ginawa niya maliwanag?"Utos ng kanyang ama.
"Opo pa....Ma Pa sorry talaga di ko pinahalagahan ang mga payo nyo."Di na mapigilan ni Yannah ang umiyak to the rescue naman ang ate niya at niyakap ito.
"Ano pa bang magagawa namin andiyan na yan."
Ani kanyang ama.
"Sana maging responsableng mga magulang kayo anak at iingatan mo yang nasa sinapupunan mo dahil buhay iyan."Wika naman ng kanyang ina.Mas lalo siyang na guilty sa ginawa ang inaasahan kasi niya na walang tigil na panunumbat ang maririnig niya pero heto pinagaan nila ang nararamdaman ko.Kaya this time ang gagawin ko ay babawi ako.Tutulad ako sa kanila na mga responsableng mga magulang.
Malaking tinik ang nawala sa dibdib ni Yannah yon lang naman ang mahalaga ang masabi niya sa mga magulang ang nangyari sa kanya.Hindi man nila ako sinumbatan pero alam ko nalulungkot pa rin sila at ang mga sinasabi nila sa akin gagawin kong challenge yon para magsumikap para sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...