Chapter Twenty Three

34 1 0
                                    

"Naku maam bakit ngayon ka pa nagpasa ng application mo?Matagal na ang deadline, mag de-demo at interview na nga eh."Ang sabi ng school principal ng ipasa niya ang kanyang application.
"Ay ganon po ba?di ko po kasi alam ang  schedule maam."Paliwanag niya.Abala din kasi siya sa pag process for change status sa PRC ID niya at marami pang iba,tuloy di na niya natanong ang deadline for passing the application papers at isa pa di siya basta makaalis since walang magbabantay sa anak niya.Minsan nga dinala nalang niya.Pahirapan pa talaga lalo na kung may pila buti sana kung may priority number sa nagdadala ng anak eh for pregnant women and disable lang kasi eh. Kung kukuha naman ako ng yaya wala pa kaming sapat na pang sahod para dito.
"Since teacher kayo you should be responsible sa mga updates para hindi kayo mahuli."Untag na principal sa kanya.
"Ang payo ko nalang sayo mag apply ka nalang muna sa private para atleast di rin masayang ang taon mo add points pa yan sa experience mo."Dagdag nito.
Pinangaralan na tuloy siya at tama din naman ang mga sinasabi nito.Wala na rin siyang nagawa nagpaalam nalang siya saka umalis bago pa tuluyang malaglag ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pagdating sa bahay kino-comfort nalang din siya ng asawa ng malaman ang dahilan ng kalungkutan nito.
"Hayaan mo na sis di pa naman tayo naghirap masyado kaya ko pa naman eh tsaka mas kampante talaga ako kung ikaw ang nakatutok kay baby."Wika ni Aljur.
"Mag-apply nalang ako sa private brod baka papalarin pa ako dito."Aniya.
"Ikaw bahala basta andito lang ako susuportahan kita."Yon nalang din ang nasabi ni Aljur kay Yannah alam niyang na pressure na ito sa kakasabi ng iba na mag apply na siya dahil napag iwanan na siya ng mga kasamahan niya.Hindi naman siguro karera ang pagkakaroon ng trabaho ang mahalaga right time.Kahit anong pursige kung hindi para sayo hindi talaga mapapasayo.Pero alam ni Yannah ginawa naman niya ang makakaya niya sadya nga lang sigurong di pa para sa kanya.

Mga ilang private schools din ang pinasahan ni Yannah.May iba tinawagan siya for interview pero hanggang doon lang.Nagsimula nalang ang pasukan hindi talaga siya natanggap.Sumubok nalang din siyang mag apply sa tutorial online ngunit hindi na naman siya nakapasa sa demonstration.
"Bakit ba ang ilap ng trabaho sa akin."Halos mawalan na siya ng pag-asa.kaya ayon balik homebase tutorial siya.

Sa halip na dibdibin ni Yannah ang mga pangyayari naging positve nalang siya.There is right time for everything.Atleast more bonding time with baby kasi pag nagtatrabaho na ako kaunti nalang ang panahon ko sa kanya.Kahit papano naalagaan ko siya minsan lang kaya maging bata.Dati kasi, kami ni ate yong auntie nalang namin ang namulatan namin na nag alaga sa amin dahil abala na sa trabaho ang mga magulang ko.Maswerte pa rin ang baby ko kasi napaglaanan ko pa siya ng mahaba habang panahon.

After ten months.......

"Anak  malapit na naman ang application wag ka ng magpa late ha."
"Opo ma kaunti nalang ang ipe-prepare ko makakapasa na ako nito in time.
"Sige pagbutihin mo yan .Kung sakali mang ma assign ka sa malayo tanggapin mo na after two years makalipat ka din naman ang mahalaga makapasok ka na."
Tumango nalang din si Yannah ngunit pinapanalangin talaga niya na sana sa malapit lang siya ma assign.Inisip palang niya hindi makita ang asawa't anak sa isang araw parang di na niya kakayanin how much more ang isang linggo.Nag aalangan pa nga ako noon na malayo sa pamilya ko ito pa kaya na anak ko?

After she accomplish everything, naghintay nalang siya sa resulta medyo matagal din pala ang iba nga niyang kasamahan nag apply pa muna sa private while waiting.

This is it! the perfect timing has come.Napabilang siya sa nabigyan ng item at naniniwala na talaga siyang walang imposible kung ito'y ipinapanalangin sa Panginoon.
Kailangan lang niyang mag double ride papunta sa school na na-assign sa kanya.Malaking  bagay na ito. Ang mahalaga makauwi ako sa hapon.At makakasama ko ang pamilya ko.
Mabuti nalang napakiusapan ko yong auntie ko na nagbabantay sa amin dati na siya na rin ang magbabantay sa baby ko.Mas mapanatag kasi ako.Mabuti nalang pumayag malaki na din naman kasi ang mga anak niya.
Nang magsimula ako ang daming adjustment kasi iba sa nakasanayan eh,yong gigising ka lang para magsaing tapos doing household chores at mag aalaga sa anak.Ngayon mas dapat agahan ko pa ang paggising dahil malayo pa ang biyahe at kailangan ko pa iprepare ang gamit ng mag ama pati ang pagkain.Ngunit ng malaunan nakasanayan ko rin.Nag aadjust din ako sa school kasi nakasanayan na na kaunti lang ang mga estudyante ko pero ngayon maramihan na lalo na public school.Naubusan talaga ako ng boses nong first week of duty ko pero nalagpasan ko rin and I able to handle them na.Andiyan din yong makikisama ka sa mga kasamahan mong guro pero ayos lang din naman yon sa akin mababait naman sila.As well as dealing with the parents alam mo na may iba na gusto talaga perfect teacher ka.Siguro ang gusto nila sa isang iglap lang gagaling agad ang anak nila.Hello!Im not superwoman you know!Pahirapan pa nga ang isang bata how much more thirty?and you deal them alone with no assistant at pre-school pa.Yeah its true.So teacher is really a noble profession.Pag-uwi ko nga sa bahay sobrang nakakapagod na ngunit agad namang napawi yon sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ng mag-ama ko.
"Sis I have surprise for you."Akalain mo yon minsan lang nang sosorpresa iyan.
"I'm excited ano yon?"Habang hinihintay ang sasabihin ng asawa.
"Makapag college na ako!"Natutuwang balita nito.Kahit papano pangarap din naman ni Yannah na makapagtapos din ang asawa.Naawa kasi siya minsan pag nag uusap ang mga kasamahan niya sa mga university na pinanggagalingan nila bigla nalang siyang na out place pag yan na ang topic nila.
"Talaga brod?paanong nangyari yon?"
"Nag avail ako ng scholarship tapos evening class."natutuwang wika nito.
"Brod I'm happy for you...unti-unti ng natutupad ang pangarap natin pero hindi ka pa ba napapagod niyan?whole day kang nakaduty tapos mag-aaral sa gabi."Nag-alala din naman siya sa asawa niya paano kung ang katawan naman niya ang bibigay.
"Di ko naman pababayaan ang sarili ko basta ang isipin mo gagawin ko to para sa inyo."Mahigpit nilang niyakap ang isat-isa at tahimik na umuusal ng pasalamat si Yannah sa itaas.

Kagaya ni Yannah matinding adjustments din ang ginawa ni Aljur,hindi niya akalaing ang hirap pala talaga maging working student.... but a challenging one.
Mas lalo ding kaunti nalang ang time ng dalawa since gabing-gabi na rin makauwi si Aljur.
Minsan naging dahilan pa yon ng pagkakaroon ng maliit na away at tampuhan paano naman kasi mas lalong dumami ang kaibigang babae ni Aljur.Di kasi maiwasan ni Yannah na tingnan ng palihim ang cellphone nito at may mga messages nga na ang sweet ng mga ito pero paliwanag ni Aljur kulitan lang daw nila ang mga yan.Pero kahit na, iba pa rin kasi sa pakiramdam sana naman maisip din nito na nasasaktan din siya.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon maintindihan  niya yon.
Wala na mang problema ang makikipagkaibigan pero sana lagyan din ng boundary lalo na pag may asawa na.
Ngunit dumating din sa punto na napagod na si Yannah at parehong dahilan pa rin naman ang ibibigay ni Aljur sa kanya kaya tinigilan na niya ang kakahinala at binigay ang buong tiwala sa asawa.Mas natatakot naman siyang baka pag masakal na ito sa kahihigpit niya ito pa ang maging dahilan ng pagkawasak ng pamilya niya.

Di ba pangarap naman nila ito kaya dapat susuportahan nalang din niya.

********************

Parang ang dating pangarap ay nagkakaroon na ng katuparan ngayon.
Its been four years ngunit parang kahapon lang.
With that four years ang daming nangyari,nakapagtapos ng masteral si Yannah at  degree holder na rin si Aljur.Talaga nga namang kapag nagsisikap may magandang hinaharap.

Those trials and challenges that almost the reason of giving up ay siya palang maging inspirasyon sa katuparan ng pangarap.
Hindi iniwan ni Aljur kung saan unang nahubog ang kanyang pagkatao hanggang sa siya ay nagtagumpay siyempre pa mas nag level up siya.From security guard,messenger ,naging utility pa,opener and closer sa kanilang opisina,ngayon isa na siya sa mga collector kaya masaya pa rin siya kasi makakalabas siya anytime.

Teller?okay sana yon kaso feeling niya pressure eh.Nagbibilang ng pera na hindi naman sa kanya.Okay na ring achievement to step by step ika nga.Proud pa nga ang mga magulang ni Yannah sa kanya dahil tinupad nito ang pangako sa kanilang anak

Si Yannah,siyempre nasa malapit na  school na napamahal man siya sa dating tinuturuan ngunit mahalaga naman sa kanya ang pamilya lalo na magsisimula na ring mag-aral si Jun Drei.Exciting to may estudyante na sila kaya mas lalo pa silang nagsusumikap na mag-asawa.

Sa wakas mag-aasawa na rin ang ate niya.
30?? Makahabol pa sa train yon.Kaya lang spoiled pa rin ang pamangkin sa kanya pinagbigyan palagi eh mas gusto pa nga nito sa tita palaging sumama kasi binibili ang gusto pero pag sa amin ng papa niya,pag sinabi naming hindi wala talaga siyang magagawa.Mahirap na baka lumaking sunod ang layaw.

Sila namang mag-asawa mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama.Immature man nong una ngunit nag mature na rin kalaunan.

Naniniwala silang "Forever is Possible."
Kaya ikaw?? maniwala ka na rin na may "forever".

Forever Is PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon