Buhay may asawa.
Napadalaw ang ate ko nagdala siya ng pagkain naku mas tataba pa yata ako nito.Sabi pa naman ni mama hinay hinay lang sa pagkain baka mahirapan akong manganak.Kaya lang itong ate ko naman ayaw talagang magutom ako.Ako na talaga ang love nila despite of what happen.
Aniya para lang kaming nagbahay bahayan ni Aljur.Siyempre immature pa din minsan.
"Excited na akong makita ang pamangkin ko..ipa ultra sound na kaya natin."Suhestiyon ng ate niya.
"Magkano bang bayad pag nag pa ultra sound?"Okay lang naman kasi sa kanya ma lalaki o babae man,tsaka ang dami pa nilang babayaran malalaman din naman yan pag lalabas na.
"At sino bang nagsasabi sayo na ikaw ang magbabayad?"
"Ate ang dami mo ng naitulong."
"Huwag mo na ngang isipin yon excited na kasi akong mamili ng gamit ni baby eh."
"Naku nasa sinapupunan ko pa lang to iniispoiled mo na how much more kung lalabas na."Natatawang wika ni Yannah mukhang mas excited pa kasi ito kaysa sa kanya eh.
Wala na ngang nagawa si Yannah halos kaladkarin na siya ng ate niya para pupunta sila ng clinic.Nakangiti pa ito habang pinagalaw ang mukhang laser sa ibabaw ng tiyan ni Yannah hanggang sa ideneklara nga ng doctor lalaki ang magiging baby nila ni Aljur.Naku tiyak na matutuwa nito ang kanyang asawa mas prefer kasi nito ang lalaki eh.Samantala ang ate naman niya sandaling natahimik.
"Ay sayang sana babae para may ayusan naman ako."
"Bokya!"Pang aasar nito sa kapatid.
"Pero di bale na bibilhan ko siya ng mga toy car,pairs of basketball uniform at marami pang iba."Anunsyo ng ate niya.Hay ang swerte talaga ng baby ko.Yon nga din sabi ng mga friend ko "a baby is a blessing"ang iba nga kahit ano na ang ginagawang paraan magkaanak lang bless na talaga kami ni Aljur dito.Napagod siya magdamag sa tutorials niya paano naman kasi ang kukulit ng mga bata panay pa ang ihi niya.Ewan bakit basta every moment nalang ang punta niya sa c.r para iihi.
Anytime of the day manganganak na rin siya,kinakabahan pero alam niyang kakayanin niya.
As usual rituals nilang mag asawa bago matulog magkukulitan ng maramdaman niyang parang may kung anong pumutok ewan niya kung sa may puson ba yon o malapit lang sa vagina niya.
Bigla tuloy siyang kinabahan baka manganganak na siya.
"Sis anong nangyari?"Tanong ng asawa niya.
"Para kasing may pumutok sa ilalim eh tsaka unti unti parang sumasakit ang puson ko parang may dysminoria lang."Aniya
"Tingnan mo kaya ang underware mo baka may makikita kang kakaiba."Sinunod nga niya ito at meron ngang dugo kaya lang medyo brown ang kulay nito.
"Brod anong gagawin natin?"
"Relax lang ihahanda ko lang ang mga gamit natin at pupunta na tayo ng hospital."Unti-unti na ngang naramdaman ni Yannah ang sakit.Tulog na ang mga ka boardmate nila kaya di na nito namalayan ang pag alis nila.
Hindi na rin naisipan ni Aljur na hihingi ng tulong sa mga kapamilya niya ang gusto nalang niya madala agad sa hospital si Yannah.Pagdating nila sa provinvial hospital ganon nalang ang panlulumo nila ng tinanggihan na sila nito dahil puno na masyado kaya wala silang nagawa umalis nalang din sila doon.No choice sila kaya doon sila sa hospital na pinagtatrabahuan ng ate niya ayaw sana nila doon kasi ang mahal bagaman private hospital ito.While on the way in the hospital tinawagan na niya ang ate niya na manganganak na siya at kakauwi lang pala nito galing duty pero ng malaman ang kanyang kalagayan agad na bumalik ito.Todo suporta naman siya sa kapatid na namimilipit na sa sobrang sakit.
"Okay lang yan bunso kaya mo yan."
"Ate saan sila mama at papa?"
"Naku pag minalas nga naman may seminar sila sa Manila at kanina lang nakaalis three days pa naman sila doon."
"Ganon ba basta wag mo akong iwan ate ha tsaka brod diyan kalang din ha."Pakiusap nito sa asawa.
"Oo dito lang ako."
Kaya lang nong dalhin na siya sa delivery room bawal na pala magpasok ng iba kailangan nila Aljur na sa labas maghintay wala na rin siyang magawa kundi ang maghintay sa resulta ng panganganak ng misis niya.Habang si Yannah naman halos iiyak na sa tindi ng sakit pero kailangan niyang lumaban lalo pa't mag isa lang siya.
"Pag sinabi kung ere,ere ka ha."Ang sabi ng doktor sa kanya.
"Ere....."kaya kumawala ng malakas na ere si Yannah.Ilang ere na ang nagawa niya at pagod na pagod na siya.
"Dok di ko na talaga kaya."Aniya na dumadaing pa rin sa sakit.
"Kaya mo yan kaunti nalang sige ere......"
Biglang gumaan ang pakiramdam ni Yannah lalo na ng may narinig siya na munting iyak.
"Here's your baby and it's a boy."Anunsyo ng doktor.Napaluha si Yannah but it's a tears of joy.
"Ang cute naman ng baby ko."Hinawakan niya ang maliit na mga daliri nito ngunit maya-maya pa kinuha naman sa kanya para linisin na ito.
Here's come another pain mas nakaya ko pa ata ng ipalabas si baby pero itong tinatahi ang nilabasan ni baby mas masakit pa ata to.Napasigaw na nga ako minsan sa sobrang sakit pero halos nagalit na rin ang doktor sa akin dahil ang likot ko mas lalong magdurugo ang sugat.Thanks God at nakaraos din kagabi pa ako na kahit tubig ayaw akong bigyan.Anong oras na kaya?palagay ko umaga na.Tapos na ring nabihisan ang baby ko,itinabi na rin siya sa akin alam mo yong biglang nawala ang lahat ng sakit ng makita ko siya uli. Ready na kaming ihatid sa recovery room tsaka pwede na daw akong kakain.
Pagkakita ni Aljur sa amin napayuko siya at alam kong napaluha siya bahagya niyang pinahid ito tapos ngumiti na lumapit sa akin ngunit bago pa binuhat ang sanggol lumapit ito sa akin at hinalikan ako.
"Sis salamat lumalaban ka.Kumusta ng pakiramdam mo?"Tanong nito.
"Okay na ako naraos ko na ang matinding sakit.Lumalaban ako kasi alam kong naghihintay ka."Ngumiti ito tsaka kinuha ang anak.
"Ang gwapo ng baby ko nagmana sa akin."Tapos kumindat sa asawa.
"Wow ang hangin pakainin mo na kaya ako gutom na ako eh."Reklamo niya.
"Ay oo nga pala."Tamang-tama dumating ang ate niya.
"Hi pamangkin tita's here."
"Ayan isang o.a pa to hoy gutom na ako pakainin nyo na ako."
Kaya agad na tumalima si Aljur at ipinaghanda ang misis.Si Marie naman ang nagbabantay sa pamangkin.
Maya-maya tumawag ang mama niya at kinamusta ang kalagayan ng anak laking pasalamat nito at ligtas pareho ang mag-ina.Excited na rin ito.First time lola eh kaya lang kailangan pa nila tapusin ang seminar.Natapos ang mga kakailanganin na discharge na rin sila kakapagod manatili sa hospital.Lalo pa at minsan maiwan siya ni Aljur dahil inasikaso nito ang Philhealth niya.Ang ate naman niya di naman pwedeng babantayan siya palagi dahil naka duty naman ito. Salamat nalang din hindi ganon kalaki ang exist nila kahit pa naman naka private room sila.Ward nga lang sana ang gusto niya pero talagang nagpumilit ang ate niya na mag private nalang.
Natutuwa din ang mga ka boardmate niya ng nakauwi na sila.
Pagkauwi ng mga magulang niya galing sa seminar nito diritso na ito sa boarding house nila at ang dami pa nitong dalang pasalubong with electric fan pa para sa baby dahil nga mainit sa boarding house nila.
Nakita naman ni Yannah kung gaano kasabik ang mga magulang ng makita ang kanilang apo
Halos mag aagawan na ito sa pagkakarga sa sanggol.Feeling ni Yannah nawala ang kanyang kasalanan sa mga magulang nang dahil sa anak niya.
Nang mapadalaw naman ang pamilya ni Aljur masaya din ito pero hindi na rin bago sa kanila ang may bagong silang na sanggol dahil nakailang apo na rin siya unlike sa magulang ni Yannah first time nagkaapo.
Isa na din sa pinasasalamatan ni Yannah ay mayaman siya sa gatas kaya talagang nag pa breastfeed siya mahal pa naman ang gatas ngayon.Yon nga lang as first time mom aray siya ng aray ang sakit sa tuwing nagdede ito ang sakit pala pero sabi ng mama niya sa kalaunan mawala lang din ito. Sa tuwing iiyak ito kukuha muna siya ng lakas ng loob bago ito mag pa dede.At tama nga kalaunan naka adjust na rin siya.
Tumigil na rin pala siya sa pag tutor focus muna siya sa anak niya.Hindi rin siya nakakuha ng item pero sa halip na dibdibin niya ang pangyayari inisip nalang niya na binigyan muna siya ng pagkakataon para maging full time mom and wife.At mas kampante din si Aljur na si Yannah mismo ang nagbabantay ng anak nila.Anyway kaya pa naman nila kahit hindi pa muna siya magtatrabaho.
Minsan nga lang nakakabagot sa bahay ang tahimik masyado nasa trabaho din kasi ang mga ka boardmate niya.
Halos kada buwan din ang punta niya ng health center para sa immunization nito.Nong first time nga tig isang turok bawat hita iyak ng iyak ito eh siya nga natatakot na siya makita palang ang karayom how much more kung sa baby pa ito at dalawa pa kaya ng makalabas na siya sa health center di na talaga niya napigil ang sarili at napaiyak na rin wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya.Ang nangyari nag uunahan nalang sila sa pag iyak ng anak niya.Awang-awa siya dito.Nagpasundo na rin siya kay Aljur mabuti nalang at may dinadaanan din ito nagtaka ng makita ang pag -iiyak niya.Pero ang totoo din ayaw talagang sumama din ni Aljur dahil hindi rin niya kayang makita ang anak na pinabakunahan ito kahit naman mahalaga ito sa kalusugan ng bata.Mabuti nalang at sa mga susunod na immunization nakayanan na rin ni Yannah ang awa sa anak.
Pagnakaramdam talaga ng sakit ang anak minsan talaga hihilingin nalang ng magulang na sa kanila nalang ang sakit huwag lang magdusa ang anak.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...