Chapter eight

37 1 0
                                    

Hanggang ngayon di pa rin makapaniwala si Yannah sa nangyari.Nakaw na halik lang naman yon bakit ang lakas ng impact?Hahay nakakaloka ang taong to.
Bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone.
"Girl ang tagal mong di nagparamdam?"Ang ingay ng babaeng to ang tinis tinis ng boses nakakabingi.
"Pasensya na busy sa practice teaching kakatapos ko nga lang kanina eh.
"Alam ko naman yon pero i update mo ako ngayon  sa status ninyo ni Aljur.Oh ano kayo na ba?
"Wala namang pagbabago magkaibigan pa rin kami."
"Pero nanliligaw."
"Oo."kaswal niyang sagot
"May pag asa ba?"
"Alam mo ikaw daig mo pa ang NBI kung makatanong ha."Angal ni Yannah sa kaibigan.
"Ang dali lang naman kayang sagutin non no?"
"Hindi ko nga alam eh naguguluhan ako alam mo naman pinagbawalan pa ako."
"Pero girl advise lang ha kung wala ka namang nararamdaman wag mo nalang paasahin yung  tao ha kawawa naman mabuti na rin yong maaga malaman niya agad.
Natahimik naman si Yannah she can't even imagine sa mararamdaman nito kung lalayuan man niya ito.But the big question is kaya din ba niyang layuan ito gayong alam niyang may nararamdaman na rin siya dito.Kung siguro magka pareho lang yong estado namin  I mean pareho kaming magtatapos na sa college baka wala pang masyadong problema.Pero itong magtatapos palang siya ng high school tapos security guard pa  for sure ang itatanong nila "Di ko ba ginamit ang utak ko?what will be the future ahead?"Tiyak yon ang sasabihin nila minsan nga naisip ko ang unfair ng mundo ,may gusto ka na posibleng mas sang ayon sila ngunit di ka naman gusto ,may tao naman na mahal ka talaga pero marami nga lang hadlang para di naman nila magustuhan para sayo.Sana mayroon naman yong perfect nalang lahat. Naramdaman niyang tumulo na pala ang luha niya at sa tinagal tagal na pagmumuni niya binabaan na pala siya ng telepono ni Farrah.Tinext nalang niya ito.
"Girl sorry ha medyo nawala ako sa katinuan kanina kaya di na ako nakasagot."
"Iniisip mo ang sinasabi ko ano? Pero girl kung mahal mo ipaglaban mo."
"Okay girl pag isipan ko ang mga sinasabi mo."

Dumaan pa ang mga araw ilang araw nalang ga graduate na si Yannah habang si Aljur naman patuloy pa rin sa panunuyo at siya naman patuloy sa pag papaasa.Kasi nga di rin niya kayang bitiwan pero di rin niya kayang sabihin na mahal din niya ito.

"Yan may ibibigay sana ako sayo."text yon galing kay Aljur.
"Ano naman yon?"
"Balak ko sanang diyan ibigay."
"Pwede naman total kakaalis lang nila mama at ate ako naman papaalis na din."
"Okay hintayin mo ako diyan sandali ha."
Maya maya pa dumating na ito nakalagay ito sa brown na supot.Kaya lang napansin niyang may nakatingin sa kanila at nagtanong pa nga ang isang napadaan.
"Yannah ano yan?"sabay tingin sa supot at kay Aljur.
"Ah ito binili ko online ngayon lang napadeliver."Pagsisinungaling niya sana hindi siya nagblush.
"Sige Maam order kayo ulit ha.Ay kayo baka gusto nyong mag order ako na ang mag deliver."Sinasakyan din ni Aljur ang pakulo ni Yannah.
"Sige baka next time."Sagot naman nong isa na halatang naniwala talaga.
"Uie patingin naman sa inorder mo."
Naku nalintikan na di ko pa kaya alam anong laman nito.
"Ay kasi ma le-late na ako may review pa kasi kami ngayon ganito nalang pag uwi ko mamaya ipapakita ko sa inyo.tsaka may tricycle na kailangan ko ng sumakay madalang pa naman dumaan ang mga sasakyan dito."Palusot ni Yannah.
"Okay tsaka nagluluto pa ako bumili lang ako ng asin sa tindahan."sagot ng kapitbahay.
Ayan ang chismosa mo kasi sa isip ni Yannah.Sasakay na sana siya sa tricycle ng maalala si Aljur nakangiti ito habang nakatingin sa kanya kung paano eestimahin ang chismosang kapitbahay.Manong sandali lang ha.
"Aljur salamat talaga kahit di ko pa alam ang laman nito alam ko magugustuhan ko to ."
"Wala yon sige na hinihintay kana ni manong driver oh."
"Oo nga pala bye bye."Paalam niya dito
"Manong sorry sa paghihintay sa CJC po tayo."
"Okay maam bakit di ka nagpahatid sa boyfriend mo."isa pa to usyosero din.
"Manliligaw ko pa lang po yon."
"Ay ganon ba  sagutin mo na palagay ko mabait naman."
"Siguro manong sa tamang panahon."sabi nga ni Jordin Sparks sa kanta "one step at a time"

Itinago lang muna niya sa bag ang bigay ni Aljur pero infairness excited na rin siyang makita ito,minsan nga sisilipin niya ito kaso medyo mahirap talaga kasi naka staple.Pasasaan ba't makita ko rin to mamaya.

Home sweet home halos tumatakbo na siya sa kwarto hindi na nga niya ininda ang meryenda na pinagsaluhan ng kanyang mga magulang pagkatapos humalik at magmano dumiritso na siya sa kwarto.

"Wow, paano niya nalaman na kakaunti nalang ang face powder at lipstick ko?Nakakatiyak ako one month to pay to.Pero ever since the world began ang alam ko ha kadalasan ibinigay ng mga boys sa nililigawan nila flowers at chocolate pero ang isang to hanep!Sa bagay mas practical nga to kasi magagamit pero mas romantic pa rin yong mga flowers lalo na pag may love letter di ko pa kasi naranasan yon eh.Hahay manood din naman sana siya ng romantic movie para alan niya.Anyway this is better...makapagpasalamat na nga.

Calling Aljur.....
"Yannah nagustuhan mo ba?"Excited na tanong nito.
"Oo naman salamat ha teka hinalungkat mo ba ang bag ko at nalaman mong kaunti nalang ang face powder at lipstick ko?kasi yon talaga ang naisipan mong ibigay eh."Paglilinaw nito.
"Hindi ah,may kakilala kasi akong dealer sa mga ganyang product tapos inalok niya ako para daw sa girlfriend ko ayon bigla tuloy kitang naalala."Pag amin nito.
"Girlfriend talaga ha."Napatawa pa si Yannah
Maiba ako kasi curious lang eh sa mga nililigawan mo dati hindi mo ba nakahiligan na flowers o chocolates yong binibigay mo or di kayay love letters?For me lang ha mas sweet kasi yon eh.
"Honestly nakailang girlfriend din naman ako dati pero alam mo yong boyfriend kalang nila pag may kailangan sila hindi nga nila ako halos pinakilala sa mga magulang nila eh kahit sa mga kaibigan siguro ikinakahiya nila ako.May isang beses pa nga na may party sa bahay ng girl friend ko dinala nga ako pero ang sinabi niya kaibigan lang ako kasama din kasi namin ang ibang kaibigan niya hindi nga rin alam ng mga yon na boyfriend ako eh. Ang masaklap para hindi talaga mahalata kailangan kong magpapanggap na bakla kasi palagi naman talaga akong napagkamalang bakla siguro dahil sa palakaibigan ako lalo na sa mga babae. At dahil mahal ko siya ginawa ko nalang din."Nakaramdam ng habag si Yannah sa huli.Palagay nga niya yon din naman ang ginawa niya eh kinakahiya din niya.
"Bakit kayo nagkahiwalay."
"Isang araw bigla nalang niyang sinabi sa text na makipaghiwalay na siya sa akin dahil gusto niyang mag concentrate sa pag aaral.Kahit masakit binitiwan ko na rin siya."Gusto na atang umiyak ni Yannah sa narinig.
"Pero ano bang pinag kaiba non sa akin di ba pinagpanggap din kita."
"Eh kasi tama naman yong ginawa mo na pinakilala mo akong kaibigan.Kasi di ba magkaibigan palang naman tayo tsaka pinagbawalan ka rin ng mga magulang mo nirerespeto ko naman yon at handa din akong maghintay."Wika ni Aljur.
"Salamat ha dont worry malay mo darating din tayo diyan."Nakangiting sambit ni Yannah.

"Yes atleast may pag -asa.By the way its my first time na magbigay ng something sa isang babae.Yung tanong mo  kanina eh hindi kasi ako mahilig sa ganyan feeling ko kasi ang O.A ng dating eh siguro di lang talaga ako showy na pagkatao pagdating sa mga ganyan may ibang paraan lang din ako ganon."Anito.
"Oo nga naman siguro masyado lang akong affected pag nakakita ako ng mga ganyan sa movies o di kaya'y pag nakabasa ng mga love stories over wattpad.."
"Naku baka dapat tigilan mo na yan maging O.A ka rin niyan ikaw din."Kunwari pananakot nito.
"Hey matagal na akong O.A. hehehehe."pagkuway sumeryoso na din.Salamat talaga ha I mean it first time ko ring makatanggap ng ganyan hindi nga lang siguro sa ine expect kong bagay pero yong alam mong nag effort talaga ang isang tao just for you malaking bagay yon para sa akin kasi I feel special."Pahayag ni Yannah.
"At first time ko rin na pinapahalagahan yong ginagawa ko."

Napatigil bigla si Yannah ng kumatok ang mama niya sa pinto.
"Anak di ka ba maghahapunan?"
"Sige ma bababa na ako." Sagot niya sa ina.
Paano ba yan tinawag na ako ni mama?"
"Its okay sige bye bye na tsaka I love you..."sabay end of call nito.
Napatulala nalang bigla si Yannah mas masarap pala talaga pakinggan kung alam mong sincere ang nagsabi non.

Forever Is PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon