"Happy graduation sis."
"Salamat brod sana nandito ka."
"Hayaan mo dadaan ako para makita ko ang mahal ko sa kanyang pinakamasayang araw and dont worry di nila ako makikita."
"Maraming salamat how I wish...."
"Psstt...hayaan mo na maging okay din ang lahat.Yes as in tama nga kayo kami na ni Aljur.
Status?TNT as in tago ng tago.Ang sama ko no di ko siya pinaglaban but he still understand me.Kaya naman na realize kong worth it siyang mahalin.sige na nga flashback na nga lang tayo.Flashback.....
It's Aljur's unexpected day.
"Happy Valentines day Yannah."Text nito.
"Happy Valentines din Aljur."Reply naman ni Yannah.
"Ang saya sana no kung makapag date din tayo rest day ko rin kasi ngayon."
"How I wish too but....why not?kahit sunduin mo lang ako diyan sa kanto tapos ihatid mo ako sa school."
"Talaga?okay lang?"Alam niyang excited ito kahit magkasama lang sila sandali at palihim pero napansin niyang ang saya na nito.
At inasahan na nga niyang maghintay ito sa kanto ang fresh pa bagong paligo.
"Ang saya ata natin ngayon?"Pagbibiro ni Yannah.
"Tinatanong pa ba yon?andiyan ka kasi eh."
"Oo na ako na ang flattered."Sumakay na siya sa motor nito pareho lang silang nakangiti.Pagdating sa school..
"May ibibigay ako sayo basahin mo ha."sabay abot ni Yannah sa isang sulat.Binalik nga niya ang old fashion kung wala mang magbigay ng love letter sa kanya eh di siya na ang magbigay.
"Sige sige babasahin ko to salamat ha."
Pumasok na si Yannah at umalis na rin si Aljur.
Sana magustuhan niya ang valentines gift ko. one week na simula ng sinulat niya yon that is the moment she decide to give her heart to Aljur.Ay oo nga pala no paano ba ako napasagot?actually para na ngang kami na nga noon pa formal na "yes"lang naman ang kulang mula sa akin.At talagang sinagot ko siya before my graduation and I can't forget its February 14 Araw ng mga puso oh di ba ang daming nakicelebrate sa amin.
Maya-maya pa tumawag na ito at di talaga nahintay na magbreak time siya at ngayon talaga tumawag.Alam niyang nabasa na nito ang sulat.
"Pasensya na ha di ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang saya kung andito kalang talaga sa harapan ko niyakap na kita ng napakahigpit maraming salamat talaga at sinagot mo na ako."Feeling pa nga niya para na itong naiyak."Narealize ko din kasi na mahal din kita pinigilan lang ako ng isipan ko."sabi pa ni Yannah.
"Salamat naman at sumuko din ang isipan mo at sinunod mo ang puso mo."Napangiting tugon ni Aljur.
"I love you talaga Yannah kahit di ko na naintindihan ang ibang english doon basta naintindihan ko na mahal mo rin ako."Madamdaming pahayag nito.
"Masaya din naman ako kasi I finally found the one that I know who will love me unconditionally."Sagot din ni Yannah.
"Naku english na naman pero ayos lang yon and I promise to love you always."oh di ba nakachamba din siya ng English kahit local tone pakinggan.Napahalakhak na talaga si Yannah kasi kahit papano sinubukan din talaga nito.
"Oh paano may review pa ako bye bye na ha."Paalam ni Yannah.
"Kanina pa ata ako I love you ng I love you wala talagang reply.."kunwari reklamo nito.
"Oo na I love you too ang kulit ng taong to."
"Yes sa wakas narinig ko rin sige bye bye na uie baka di kana masyadong makapag concentrate nyan kakaisip sa akin..isipin mo lang ako paminsan minsan masaya na ako doon.."Pagbibiro nito.
"Wow bigla yatang bumagyo dito ah."Pamimilosopo ni Yannah.
"Hindi naman Im just saying the truth."Ganti rin ni Aljur.
"Kapal face talaga to oh bahala ka na nga."Ini off nalang ni Yannah ang Cellphone niya dahil wala yatang balak si Aljur ibaba ang phone nito.
Kakabalik pa nga lang niya sa kanyang upuan na magtext na naman ito.
"Hi love miss na kita."
"Hey love your face ang eww naman pakinggan noon."
Sige ikaw nalang mag isip ng tawagan natin."Suhestiyon ni Aljur.
"Pangit kaya mas cute yon."suggestion ni Yannah.
"Ayoko okay lang ako ang tawaging pangit kasi totoo naman pero ikaw no way cannot be isang paglalapastangan ang tawagin kang pangit ikaw kaya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko."
"Echus nito if I know sinabi mo rin yan sa ex mo.Oh wag kanang mag deny mga lalaki talaga."
"Oo sasabihin ko na sana noon kaya lang na realize ko sa pisikal na anyo lang naman ang kagandahan niya pero yong ugali di ko nakitaan ng kagandahan eh di gaya sayo parang nescafe lang all in one na."
"Excuse me three in one lang yon."
"Wag na kokontra version ko yon."
"So ako talaga first time mong sinabihan ng maganda?" Paglilinaw pa ni Yannah.
"Ang tigas ng ulo nito sinabi na ngang ikaw lang at ikaw lang talaga ang sasabihan ko ng napakagandang girlfriend ever."
"Okay relax lang tayo brod ang puso mo...naniwala na akong ako na ang maganda."
"Mabuti naman sis at naliwanagan ka na."
"Teka final na to?brod and sis talaga?"Yannah clarrify it biro lang kasi yon sa kanya.
"Oo ayos na yon at mamaya sasali tayong prayer meeting."
"Sira talaga to oh wag ngang magbiro ng ganyan."
"Okay sorry naman pero infairness okay lang din no brod and sis para lang tayong magkapatid, wala kasi akong kapatid na lalaki."
"So klaruhinna na natin to ano bang gusto mo sa akin maging boyfriend o maging kapatid?"
"Pwede both sakim ako eh...hehehe pero joke sapat na sa akin ang ate marie ko boyfriend nalang wala pa ako noon eh since birth."
"Kaya nga andito ako."
"Napansin ko nga rin."
"Susunduin kita mamaya ha."
"Baka nakaabala na ako?"
"Boyfriend's duty kaya wag kanang umangal tsaka di pa ako nakapag pasalamat sa personal."
"Dapat may ganon talaga?"
"Dapat lang kaya naku hindi ka na naman nakapag concentrate ,di ba sabi ko sayo pag aaral muna ang aatupagin mo wag palaging ako?"
"Siyanga pala no pasensya na sa abala."
"Walang problema ...I love you sis."
"Babatukan na talaga kita."
"Mamaya na pag nag kita tayo."
"Dont worry gagawin ko talaga yon kaya humanda ka!"Alam mo yong nanggigigil ka na pero ang totoo kinilig naman talaga?iyon ang nararamdaman ko sa mga oras n yon.Mag alasingko na ng paglabas ko ng school andon na siya naghintay sa labas pinili ko munang wag sabihin sa kaibigan kong si Laiza na may boyfriend na ako eh kasi totoong kaibigan yon eh for sure kikilatisin pa muna non tapos pag may nakitang mali ididiscourage ako agad ayaw ko munang putulin ang kasiyahan ko minsan lang kaya ako masaya lubos lubusin ko muna.
Pagtapat niya kay Aljur agad niyang binatukan ito.
"Aray ko naman sis para saan yon?"
"Sa kakapalan ng mukha mo."Sabay simangot nito.Ganon nalang din ang gulat ni Yannah ng bigla siyang halikan nito sa pisngi mabuti nalang at wala ng dumaang mga estudyante.
"At yon naman pasasalamat at sa wakas tayo na talaga."Wika pa ni Aljur.
Ayon kinilig na naman ako.Dumaan kami sa seven eleven ililibre daw niya ako ng ice cream at habang papasok kami inakbayan niya ako ang sarap sa pakiramdam.May nakita din siyang mga lovers doon and she feel that she's belong.
Ang pinapanalangin lang niya wala naman sanang kakilala o kapamilya na nagawi doon lagot talaga ako.At mabuti nalang wala talaga.Bagkus si Aljur ang may maraming kakilala.Nakakaflattered sa feeling na proud to say siya na ako ang kanyang girlfriend.Tinutukso pa nga nila ako tinutukan ba daw ako ng baril kaya sinagot ko kasi nga security guard di ba?Napatawa nalang ako pero bigla akong nalungkot ako kaya kailan ko kaya siya maipagmalaki sa kanilang lahat???
"Sis okay kalang?wag mo ng isipin ang mga yon nagbibiro lang yon."
"Okay lang naman ako brod happy pa nga ako kasi ipinagmamalaki mo ako sa kanila.Eh ako kulang nalang mag pa invisible ako pag nag sama tayo para di lang tayo makita ng mga kakilala ko.
"Hayaan mo na naintindihan naman kita eh."
"Salamat talaga ha."Yakap nalang ang iginanti ni Aljur sa kanya.
End of flashback
It feels great to have an understanding boyfriend.But the big question is until when he sacrifice for me.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...