Ilang chapters nalang matatapos na ang kwentong ito.Sana madagdagan pa ang mga readers at sana mag like vote and comment na sila para ma inspired naman ako to do more stories.May marami pa kasi akong inihanda dito eh.Kaya naman guys please pansinin nyo naman ako.hehehehe
Nagmamakaawa,
Aljiandrei💖
ansabeehhh????
And Im so very thankful to those who read and include my story in their reading list I will do my best to give you guys a satisfied ending.Masayang ending to be exact.God bless you all.Sinubok na pagmamahalan....
"Mga anak wag nyong kaligtaan ang family reunion natin ngayong Sabado ha."Paalala ni Mang Fred sa mga anak.
"Opo pa excited na nga akong ma meet ang iba ko pang kamag-anak."Tuwang-tuwang sambit ni Marie.
"Hopefully peaceful, nong nakaraan kasi ang gulo-gulo lalo na't nag away away ang mga tiyuhin nating lasenggero."Bigla nalang naalala ni Yannah pero ang totoo ayaw sana nyang pumunta, andon na naman kasi yong mga pinsan niyang ang gusto lang ata makipaglamangan lang ng mga achievements.Well nakagraduate naman siya ah pero alam mo yong feeling na gusto lang talaga nilang magpasikat sa ibang mga kamag-anak.
Kung wala nga lang sanang catering na binabayaran mas gugustuhin pa niyang maghugas nalang ng mga pinggan kay sa makipaghalubilo dito.Mga isang oras din ang biyahe nila patungo sa bahay ng kanyang lolo at lola na kung saan doon idadaos ang reunion nila.Pagdating doon marami-rami na ring mga kamag-anak ang nandon ang mga magulang nila agad na nagpunta sa kanilang mga kakilala at tumulong na rin sa pag a-accommodate ng mga bisita.Samantalang si Marie nagpupunta naman doon sa mga close niyang pinsan at siya naiwan sa tabi.Ngumingiti kung may kakilala at higit sa lahat mas pinili nalang niyang kulitin ang boyfriend through text.
"Hi brod nakakabagot dito."Text niya dito.
"Mag enjoy ka kasi makipag halubilo ka sa kanila."Reply naman nito.
"Ayon na nga oh busy sila most of my cousins are business enthusiast kaya paano ako nakakarelate doon."Sumbong ni Yannah.
"Eh di umuwi ka nalang dito at tayo nalang ang magbonding."Wala na sugurong ibang ma i-suggest si Aljur kaya yon nalang ang naisipan niya.
"Lagot naman ako diyan ang layo ng byinahe namin tapos uuwi lang ako agad."
"Yon naman pala eh kaya makipagbonding ka na."
"Ikaw ha kanina ko pa napansin ayaw mo yata akong ka text ha kanina mo pa ako pinagtabuyan."Pagtatampo ni Yannah.
"Grabe to ha hindi kaya kung pwede nga lang dito ka na lang sa tabi ko palagi gagawin ko."Pagtatanggol naman ni Aljur sa sarili.
"Mabuti ng malinaw malay ko ba may ibang ka date ka pala diyan at ayaw mong nagtetext ako."Di pa rin tumigil sa pamimintang si Yannah.
"Kaya nga mas lalo akong na inlove sayo dahil diyan sa pagseselos mo feeling ko tuloy ang gwapo gwapo ko ."
"Gwapo ka naman talaga eh ."
"Bakit di mo inamin? nahihiya ka ba sis?"
"Hindi ah ...kapal nito kasi pag sinabi ko sayo biglang magkakabagyo lalakas ang hangin yong tipong masuspended ang lahat ng klase pati trabaho."Sarkastikong pahayag ni Yannah.
"Wow,masasaktan na ba ako non o matutuwa?"Si Aljur naman na tila nagtatampo.
"Pero seryoso talaga brod I love you talaga."Pinakalma nalang ni Yannah ang nararamdaman ng huli.
"Asus gi no good time mo lang yata ako eh."
"Hindi ah mahal talaga kita."
"Super love din kita sis oh paano ba yan naka duty kasi ako eh baka mapatalsik ako ng wala sa oras dito."
"Sige na nga."Kunwari nagtatampo ito.
"Wag ng magtampo pag uwi nyo dito tayo naman ang mag date okay?"
"Okay na sige na.
"Uie si Yannah may boyfriend na pala."Sigaw ng isa sa mga asungot na pinsan ni Yannah paano namang hindi asungot palaging nang-aasar yung hindi niya alam na minsan nakakasakit na pala o napapahiya na pala niya yung tao.
"Marco tumahimik ka nga kung makasigaw naman to tsaka paano ma ba nalaman na may boyfriend ako?"Paasik niyang sagot dito.Nagsilapitan na din ang ibang mga pinsan nila.
"Kanina pa kasi ako sa likod mo ."
"Naku ha tahi-tahimik lang tong si Yannah may boyfriend na pala share mo naman sino ba yan?"Si Chezka pinsan din nila.Maganda ito kaya minsan sumasali din sa mga beauty pageant.Isa na rin itong banker at nakita nga ni Yannah sa facebook ang gwapo ng boyfriend nito mukhang bigatin din.Sabagay maganda nga.
Hindi rin naman kasi mahilig magpost ng mga pictures si Yannah lalo na pag sa kanila ni Aljur para ano ipagsigawan talaga sa buong mundo na may boyfriend na siya?Hindi naman siguro kailangan ganon.
Ang iba kasi lahat nalang ng update sa buhay nila isini share kaya minsan tuloy napag uusapan. Lalo na sa mga walang magawa sa buhay.
"Uie Yannah ano na care to share naman....."Patuloy pa rin sa pang-aasar ni Marco.
"Di ba nanahimik naman ako dito ba't nyo ba ako pinakialaman?"Naiinis na talaga si Yannah.
"Ang sungit naman minsan nga lang tayo magbonding."Wala pa ring tigil na pangungulit ni Marco.
"Oo nga naman couz share mo na...siguro ang gwapo nyan no?"Panunukso ni Chezka.
"Sakto lang naman."Sagot ni Yannah.
"Siguro teacher din yan kagaya mo di ba couz?"Si julie naman na isang nurse gaya ng ate niya.Sabi na nga mapag usapan ang mga ganitong bagay and at the end of this discussion lalaitin na naman ako sa taong pinili ko.But it seems unfair to Aljur kung sa mga kamag-anak ko ipagkakaila ko siya lalo na sa trabaho niya.Siguro nga mababang uri ng trabaho ngunit marangal naman.
"Hello couz are you still here?"Untag ni Julie sa kanya.kumaway pa ito sa harapan niya.
"Yes Im okay....and to answer your question guys my boyfriend is not a teacher not even a professional.He is a security guard in a cooperative."Buong pagmamalaking pahayag ni Yannah.Ganon nalang ang pananahimik nila na hindi alam kung anong sasabihin.Pero alam ni Yannah ang mga inisip nito.
"Ah ganon ba.okay naman yan couz marangal na trabaho."Kunwari kumbensidong turan ni Chezka.
"Yannah sabihin mo ang totoo baka blinack mail ka lang nyan tinutukan ka ba ng baril kaya sinagot mo?"Ang natatawang wika ni Marco.Na lalong nag painis kay Yannah.
"F.Y.I Marco hindi siya ganong klaseng tao at sa katunayan matapang siyang humarap kay mama at papa para ipaalam sa kanila na kami na.Siguro kung ibang lalaki pa yon gumawa na ng madaming excuses wag lang humarap sa magulang ng kanilang girlfriend.Kahit ganon ang boyfriend ko mabait at masipag yon."Buong pagmamalaking wika ni Yannah.
"Wow couz ikaw na ang proud girlfriend."Natutuwang sambit ni Julie
"Salamat."Sagot niya.
"Ang mahalaga couz mahal nyo ang isat-isa ."Nakangiting sambit naman ni Chezka.Ngunit si Marco ngumiti lang na parang nang-aasar.Sa tagal ng pag pe-prepare sa wakas mag start na ang kanilang programa.
Unang nagsalita ang kanilang lolo at lola kahit uugod ugod na ito sa katandaan pero mababakas pa rin sa mga mukha nito ang kasiyahan na nakasama ang mga kamag-anak lalo na at kumpleto pa ang kanyang mga anak na nasa malalayo rin nakatira.Hanggang sa si Mang Fred na rin ang nagsalita kasama ang kanyang pamilya.Bunso si Mang Fred sa sampung magkakapatid.Hindi naman matiyaga sina lolo at lola no?
May ibang tiyahin at tiyuhin sila Yannah na naging professional at masagana na ang buhay,sila Yannah naman katamtaman lang nakapagtapos ang kanyang papa at ni minsan kahit hindi sila mayaman pero alam niyang ginawa ng papa niya ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.Kaya naman proud daughter talaga siya dahil ang sipag ng papa niya at ang pagdidisiplina nito tamang tama lang na hindi ka naman masasakal.Para walang magtampo at walang makakaligtas lahat ng apo pinapasalita din.May iba na ubod ng confidence lalo na pag may maipagmayabang din kulang na nga lang isang long bond paper para sa kanilang mga achievement in life.Ang iba naman lalo na yong hindi nakapagtapos nakaramdam ng awa si Yannah dahil nahihiya itong magkwento sa kanilang buhay.
When it's yannah's turn...ang achievement palang naman nya so far nakagraduate siya ng college and for the meantime waiting the result of board exam and teaching in private school at the same time.Nagpalakpakan naman sila.Pero humirit pa talaga itong si Marco.
"Inspired yan kasi may boyfriend."Biglang nag init ang mukha ni Yannah.Ipapahiya na naman ba siya nito?Nagtuksuhan na sila.Hay nakakainis talaga ang taong to baka maibato ko na tong microphone pag di ako nakapagtimpi.
Mabuti nalang nalipat ang atensyon ng lahat sa ibang bagay kaya ganon nalang ang pasasalamat niya.
Nung nagsikainan na doon siya tumabi sa lolo at lola niya at nakipagkwentuhan dito.Bigla nalang lumapit ang tita niya at kinamusta siya.
"Yann wala pa bang result ang board exam?"
"Wala pa po."
"Sana take one lang para makapasok agad sa public mas malaking sahod doon."anito
"Sana nga po."Ang nasagot nalang niya.
"Nabalitaan ko daw nagboboyfriend ka na daw and how true na security guard ito?"Ang bilis naman ata kumalat ng balita at nakarating pa talaga dito sa tita ko na isa pa tong judgemental.Sorry to tell pero ganito talaga siya eh dati pa pag may kaunting mapuna sayo pupunain ka talaga.Pag bumaba yong honor mo sa school iku compare ka kaagad sa mga pinsan na palaging nangunguna sa klase.kaya nga siguro kaming magpipinsan challenger talaga namin siya.Tumango nalang siya sa kanyang tita sa tanong nito.
"Pero advice ko sayo ha wag mo muna masyadong seryusuhin ang taong yan for sure makakahanap ka pa ng mas hihigit pa sa kanya.."Yong feeling na nakikinig din pala yong iba at sumang ayon din.
"Saan mo ba nakilala ang taong yan?"Ang tito naman niya ang nagtanong.
"Sa kaibigan ko po."Sagot ni Yannah... bakit ba ako nalang ang center of topic nila?
"Naku kapag ganyang uri ng trabaho kadalasan nag ti take advantage lang yan siyempre teacher ka na."
Grabe naman magsalita ang mga taong to kilalanin muna kaya nila?Huwag naman sanang huhusgahan agad.
Ang sama na talaga ng loob ni Yannah sabi na nga ba niya hindi talaga siya mag eenjoy dito.Salamat naman at sa wakas nagyaya na rin ang mga magulang niya na umuwi.Masyado na siyang nasaktan sa mga sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Forever Is Possible
Romance"Happily ever after"ito ang kadalasang paniniwala sa mga mahilig sa fairy tale kasi nga at the end of the story" and they live happily ever after"Oo nga naman happily ever after exist pero ano nga ba ang pinagdadaanan makarating lang sa happily ever...